Chapter Forty One

1K 22 0
                                    

Chapter Forty One

Kelley's POV

Napa-ungol ako ng  maramdam ko ang init ng kamay niya na naglalakbay papunta sa dibdib ko.

Magkahinang ang aming mga labi. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa dibdb niya pababa sa kanyang tyan na mararamdaman mong ang katawan niyang alagang alaga sa gym.

"Dammit, Kelly." Bulong niya habang hinahalikan ako pababa sa leeg ko.

Naramdaman ko ang pagsayad ng likod ko sa malambot na bagay. Nasa ibabaw ko na siya ngayon. Ramdam ko ang bigat at ang gitnang parte niya. Ang init ng katawan niya ay ramdam ng aking balat. Damn! Ano ba tong ginagawa namin?

Napa-ungol ako ng pisilin niya ang kabilang dibdib ko na naging dahilan para mabigkas ko ang isang pangalan.

"J-Jacob." Ungol ko.

Napa-tigil kami pareho dahil sa narinig namin na salita na nanggaling sa bibig ko. Para kaming natauhan sa pinaggagagawa namin. Ang naririnig lang namin ay ang paghinga namin na parang nakikipagkarerahan.

Umiwas kami ng tingin sa isa't-isa. Umalis agad siya sa ibabaw ko ng tuluyang matauhan. Umupo siya sa gilid ng kama at inilagay ang siko sa tuhod habang ang dalawang kamay niya ay nakatakip sa kanyang mukha.

Dahan-dahan naman akong bumangon para umupo rin sa gilid ng kama. Tamang layo lang ang agwat naming dalawa.

Kita ko ang pagkabitin at stress sa ikinikilos niya.

Samantalang ako, gusto kong iuntog ang ulo ko at sampalin ng paulit ulit ang mukha ko dahil sa kahibangang muntik na naming gawin.

"X-Xander I---." Nahanap ko ang boses ko pero pinutol niya ang pagsasalita ko.

"No, Kelly. Don't talk." Hinalamos niya ang palad niya sa mukha bago ako titigan. "Just... shut up."

Napa-iwas ako ng tingin ng magtama ang mata naming dalawa.

Umiwas ako dahil sa panginginig ng mata niya habang tinitingnan ako. Kita ko ang pagsisisi at sakit sa mga mata niya. Pagsisisi dahil sa nagawa niya at sakit dahil sa narinig niya?

"Xander." Tiningnan ko ulit siya. Napakagat ako sa labi ko ng makita na ganoon pa rin ang sinasabi ng mata niya. Naguguilty ako. Iyon ang pakiramdam ko ngayon.

"We're just drunk kaya nangyari yon. Dito kana matulog sa kwarto ko. Sa guest room na lang ako." Tumayo na siya pagkasabi niya.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaalis siya at isarado ang pinto. Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil sa guilt na lumalamon sa akin ngayon.

Inalala ko kung bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon.

Nag-aya ulit akong magbar ng umalis kami sa kompanya na pag-aari ko na. I just want to celebrate. Uminom ako pero hindi katulad ng isang gabi. Inalalayan niya ko hanggang dito sa kwarto dahil nahihilo ako. And I insisted the kiss. Kaya napunta kami sa ganoong sitwasyon. At na wala ang pagkahilo ko at tama ng alak ng matauhan ako sa mga nangyari.

Damn it Kelly! What the hell did you do!? Ano bang iniisip mo kanina!? Paano kung natuloy yon?! Paano ka haharap sa kanya?! Paniguradong pati sarili mo ikakahiya mo! Fvck!

Napapikit at pabalyang humiga sa kama ng maalala ko ang binanggit kong pangalan kani-kanina lang.

At paano ka haharap sa kanya, Kelly!? Fvck! Bakit ba iniisip ko ang lalaking yon. Wala kang paki-alam sa kanya! Okay!?

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now