Chapter Thirty

1.1K 23 0
                                    

Chapter Thirty

Kelly's POV

"Meng." Tinawag ko siya. I have no choice.

Humarap naman siya sakin with her blank expression as always.

"Bakit?"

"Ako na magdadala niyang lunch kina Jacob." Tiningan ko ang daladala niyang basket.

Kumunot ang noo  niya.
"Trabaho ko 'to." Bago siya makatalikod nagsalita na ko.

"Alam ko pero nakapangako ako kay Jacob na ako ang magdadala ng lunch niya ngayon." Umismid siya.

"Okay.Here. Paki bigay na lang kay Mang Caloy ung nakabukod na pagkain dyan."

"Sige." Nilagpasan ko na siya.

"Teka lang." Napatigil ako at tumingin sa kanya. " Kaya mo na ba mag-isa?"

"Oo. Nasabi na sakin ni Jacob ang direksyon. I can manage." Tumango naman siya at umalis na.

Sinimulan ko na ulit maglakad dala-dala ang basket na kinalalagyan ng mga pagkain. Pagdating ko sa lugar kung nasaan sina Jacob. Nakita ko siya na nakayuko na abala sa pagtatanim. Nakakita rin ako ng ilang tao na mukhang kasama niya sa patatanim.

Naglakad ako papunta sa malaking puno para sumilong. Masyadong mainit. Natitiis nila ang init. I admire them. Kaya pala nagiging tan na ang kulay ni Jacob. Bagay naman sa kanya. Mas manly siya tingnan.

"LOOOVE!" Napangiwi ako ng marinig ang sigaw ni Jacob. Humarap ako sa direksyon niya. He waved his hand and I do the same.

Nagmamadali siyang lumapit sakin. Habang papalapit siya kitang kita ko ang pagtagaktak ng pawis sa matipunong braso niya. Madumi na ang sandong suot niya. Nagpunas pa siya ng pawis gamit ang towel na nasa balikat niya habang tumatakbo sa direksyon ko. I can't deny that he's so freaking hot.

Nang maka lapit siya pinagdikit niya ang ang dalawang palad niya.

"Mukhang masarap yang dala mo ah. Ikaw ba ang nagluto?." Excited na tanong niya.

"Nope. I can't cook." Pag-amin ko. Nilapag ko ang basket sa lamesa na gawa sa kawayan. Mukhang ginawa talaga ito para sa mga nagsasaka kapag kakain o magpapahinga. Meron ding mga upuan na gawa rin sa kawayan.

Umupo siya at naka tingalang tiningnan ako. He smiled at me that made me stop on what I'm doing.

"Hey. Natulala ka dyan, Love." Nang matauhan ako hindi ko na lang siya pinansin. D-amn. Ano na naman to?

Hinawakan niya ko sa braso kaya napatigil ako at napatingin sa kanya.

"May problema ba?"

"W-wala." Nag-iwas ako ng tingin.

Nagulat ako ng hilahin niya ko pa upo. Hinarap niya ko sa kanya.

He's too closer. Kitang kita ko ang mata niyang malalim na malalim ang pagkakatitig sakin. I can smell his natural scent. Fvck.


"Any problem?" Ano bang tanong 'yon? Wala akong problema! WALA! Ang kulit.

"Wala nga." Inirapan ko pa siya. Nabigla ako ng pisilin niya ang magkabilang pisngi ko at pasmack akong hinalikan.

"Ang ganda mo talaga." Hinampas ko siya para bitawan niya ang pisngi ko.

D-amn this man! Naramdaman ko ang pang-iinit ng magkabilang pisngi ko. Ano bang ginagawa mo sakin Jacob?

"Tigilan mo nga ko. Kumain ka na lang." Kinuha ko ang pagkain niya sa basket para maka-iwas  sa kanya.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now