Chapter Thirty Eight

1K 20 4
                                    

Chapter Thirty Eight

Kelley's POV

"Mama." Narinig ko ang isang tinig kaya natauhan ako. Umalis ako sa pagkakayap ni Mama.

Nakita ko na nasaktan siya sa ginawa ko. Umiwas ako ng tingin at napa-tingin sa batang nasa harapan ko ngayon. Siya ung batang kasama ni Mama kahapon.

Kumunot ang noo ko ng marealize ko na kasama siya. So, mag-uusap kami with this little girl. She's so young to be involved in this situation.

Mukhang nakuha ni Mama kung bakit napa kunot ang noo ko.

"Isinama ko siya." Napadako ang tingin ko kay Mama ng magsalita siya. "Wala kasi akong mapag-iiwanan sa kanya. Kami lang ang nandito sa Pilipinas. Naka check in lang din kami sa isang hotel."

Mahabang paliwanag niya.

"Why you didn't go to your house? It is yours. Wala namang nakatira doon. May mga maids din na nag me'maintain ng kalinisan ng bahay." Pormal kong sabi.

Tinutukoy ang bahay kung saan ako lumaki. I will never accept that is our house, that is my house. That house is like hell for me. I don't want to reminisce my bad memories on that freaking house.

"Pwede naman kayong mag-usap. Ako munang bahala kay Andrea." Singit ni Jacob.

Andrea is her name. She is beautiful like her name. It suits for her. At talagang kilala na talaga ni Jacob ang Mama ko pati ang ... well, my half sister.

Nginitian naman ni Mama si Jacob bilang pag sang-ayon.

"Andrea, you want to play?" Tanong ni Jacob habang nakaluhod sa harap ni Andrea.

Nagliwanag naman ang mata ni Andrea. Pero tumingin muna ito kay Mama.

"Ma?" Parang humihingi ng permiso kung pwede siyang maglaro.

"Sure, Baby. Just be careful." Natuwa naman ang bata at itinaas ang kamay papunta kay Mama. Automatic namang bumaba si Mama para magpantay sila. Yumakap si Andrea sa leeg ni Mama.

"I will, Ma." And she kissed Mama on her right cheek.

Parang may kung anong kurot akong naramdaman. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba ko ng inggit. Fvck! I'm not!

Umiwas ako ng tingin at nakita ko ang titig ni Jacob. May lungkot sa mga mukha niya. Parang nakikisimpatya. D-amn! For what!? For me!? I don't need a fvcking sympathy!

Umiwas rin ako ng tingin sa kanya.


"Bye, Ma. Bye, Ate Kelly." Nagulat ako ng hawakan ng maliit na kamay ni Andrea ang kamay ko.

Yumuko ako para magtama ang mata namin. Nakita ko ang pagkinang ng mata niya habang naka ngiti sakin. I cant resist her smile. I smile back.

"Hi Ate Kelly. I'm happy to see you here I thought you're mad at me. I'm hoping to have bonding time with you. But I think it will happen in some other time. I'm so excited to happen that day." She giggled. She is so cute. I can see myself to this cute little girl when I was young but she's more cheerful unlike me I always have my poker face.

"Ate Kelly, you---."

"Andrea, lets play na. Your Mama and Ate Kelly need to talk." Singit na naman ni Jacob.

"Ops. I forgot. Bye, Ate. I'm hoping Mama and you will be okay after you talk to each other." Pahabol ni Andrea habang kumakaway palayo samin.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now