Chapter Fourteen

1.6K 29 2
                                    

Chapter Fourteen

Kelly's POV

"Hoy! Remy ano ba yang sinusulat mo? Akala ko ba tutulungan mo ko?" Hindi niya ko pinansin. Tuloy tuloy lang siya sa pagsusulat.

Sunday ngayon. Ilang araw na rin ng huling magkita kami ni Sandra the impakta. Sigurado naman akong inis pa rin yon. Ikaw ba naman ang picturan ng ganoon ang suot. Yung tipong pambahay lang at isipin pa niya ang mga taong makakakita noon. Ang saya diba!? Madami ng matuturn off sa kanya. Marerealize nila na hindi naman talaga maganda ang babaeng yon. Mukha kaya siyang impakta. May kumuha pa kaya sa kanya para ipromote ang products nila? Maybe wala na. Malalaos na siya. Pero alam ko na hindi ganoon kadali iyon. I have more plans for her.

"Hoy! Elly, tigilan mo nga iyang pag ngiti para kang mangkukulam na may naiisip na masama." Napa tingin naman ako sa kanya ng masama. Itong gandang to? Mukhang mangkukulam.

"O ayan na!" Binigay niya sa aking ung notebook na sinusulatan niya kanina. Kinuha ko naman.

"Ano 'to?" I asked. Itinaas ko pa ung notebook.

"Ano kaya sa tingin mo? Mukha ba yang cellphone? Plato? Platito? Timba? Ra---." Namimilosopo na naman ang baklang ito. Kaya hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Stop! Alam kong notebook 'to. What I mean is para saan ito?" Mas itinaas ko pa ung notebook.

"Ano ba naman Elly?" Stress na sabi ni Remy. Napaka-arte niya talaga.

I forgot andito pala kami si condo ko, sa may kwarto ko at naka indian seat kami pareho habang naka upo sa kama. Kung may makakakita at makakaalam na nandito siya sa room ko malamang iba ang iisipin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Diba notebook yan." Turo niya sa hawak kong notebook. "Ang notebook sinusulatan, pagkatapos sulatan may mababasa ka diba? Gets mo na?" Para syang nag eexplain sa taong walang alam. Anong akala niya sa akin bobo? Pasalvage ko kaya 'to?

"Ano? Elly? Titigan na lang. Basa basa rin pagtime?" Dagdag pa ng baklang ito.

Inirapa ko muna siya bago basahin ang ung kung anumang sinulat niya.

Kailangan ba ng notebook kung magpapatulong ka na magkagusto sayo ang isang tao? Sinimulan kong basahin ang walang ka kwenta kwentang sinulat niya.

Operation: Make Jacob falles for KJ
Steps :
1. Be his friend.
2. He should invite you on a date.
3. Seduce him.
4. Make him jealous.
5.Make him confess that he's inlove with you. Vice versa.
You made it!! Condolences.
END.

Napakunot ang noo ko nang matapos kong mabasa ang sinulat ng gwapong bakla na si Remy.

"Anong kalokohan ito, aber?" Sabi ko habang nakataas ang notebook na sinusulatan niya kanina ng mga walang kwentang kalokohan niya.

"Hoy babae!" Nakapamewang na sabi niya sa akin. "Ganyan ka ba magpasalamat sa taong tumutulong sayo?" Nakataas noo pa habang nagsasalita.

Tinaasan ko siya ng kilay. Eto na yung tulong niya? Hindi naman siya mukhang effective. Tsaka para lang kaming mga teenager sa mga pakulo niya.

"Para naman tayong high school students nito. Gawain lang 'to ng mga teenager." Sinabayan ko pa ng irap para maiparating sa kanya na hindi magiging epektibo ang plano niya.

"Okay fine!" Umalis siya sa kama at may bakla atang magwalk out? Hindi pwede! Hindi niya pa ko natutulungan.

Nilapitan ko siya sa kabilang side ng kama kung saan siya nakatayo.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon