Chapter Thirty Three

1.1K 23 0
                                    

Chapter Thirty Three

Kelly's POV

Maaga akong umuwi para makapag-ayos. Four PM pa lang ay nasa condo na ko. Naabutan ko pa si Remy na nanunuod sa TV.

Napasimangot ako ng maisip na wala bang gagawin ang bakla 'to kundi humilata. Parang pinupulot lang ang pera kung maka-asta. Well, mayaman naman talaga siya kahit hindi magtrabaho mabubuhay siya ng masagana.

Malakas na sinarado ko ang pinto para maramdaman niya ang presensya ko. Mukhang nagulat siya kaya napatayo siya at nalaglag sa bibig ang pop corn na mukhang kasusubo niya lang. He's like an idiot.


Nang makahuma ay nakanguso siyang nagsalita.
"Nakakagulat ka naman, Elly. Bakit ang aga mo ngayon?"

"Masama?" Patanong na sagot ko sa kanya.

"Hindi naman. Nagtatanong lang." Umupo na ulit siya at humarap sa pinapanuod na movie.

Lumakad na ako para makapunta sa kwarto ko ng magsalita siya.

"Pero di nga? Bakit ang aga mo ngayon?" Hinarap ko siya at sinagot.


"I have a date."

"Kay Papa Xander!?" Exaggerated na sabi niya.

"No. Kay Jacob. First monthsary." Bigla naman siyang napaayos ng upo.

"Talaga? One month na pala." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Yup." Tumango lang siya at naging seryoso at itsura niya. Hindi ko na lang pinansin at naglakad papunta sa kwarto ko.

When I entered in my room I opened my walk in closet and scan it to choose what to wear. Ilang minuto na kong namimili pero wala .. I can't choose. Pumunta muna ko sa restroom para maligo. Pagkatapos nito pumunta ulit ako sa walk in closet suot ang bathrobe ko para maghanap ng isusuot.

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa may bewang. Wala talaga akong mapili, hindi naman ako dating ganito. I decided na magpatulong kay Remy. I think he can help me.

"Seriously, Ikaw? You need my help?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo, kaya pasok na!" Nilakihan ko pa ang bukas ng pinto ng kwarto ko. Pumasok naman siya at dumiretso sa walk in closet.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga damit ko. May mga dress siyang kinuha.

"Try these." May limang dress siyang binigay sakin. "Isuot mo." Boring na sabi niya.

Kanina ko pa napapansin ang pagkamoody niya. Hindi ko alam kung anong problema ng baklang 'to.

Pumunta ako sa banyo at sinuot ang isang dress na kulay white below the knees siya and backless. Pagkatapos kong isuot ay ipinakita ko sa kanya pero umiling lang siya. Ako rin naman, hindi ko siya gusto isuot for the occasion.

Next yung black dress naman at ipinakita ko sa kanya pero umiling ulit siya at humikab pa siya. Pumasok ulit ako sa banyo at sunod na isinuot ung red dress na above the knees. Backless at V-neck siya na longsleeve. Pagkasuot ko napangiti ako. Umikot pa ko habang nakaharap sa salamin. Simple but yet elegant. Lumabas ako para ipakita sa kanya. Tumango lang naman siya at simpleng ngumiti. (dress ni Kelly at the side)

Eto nalang siguro ang isusuot ko. Pumunta ako sa harap ng salamin at umupo sa may harap nito. Naglagay ako ng konting make-up sa mukha at red lipstick. Perfect! For sure he's gonna drool.

Nang tumikhim si Remy ay tsaka ako natauhan. Tumingin ako sa kanya. Nakaupo siya sa kama at matang nakatingin sakin. Pinagtaasan ko lang naman siya ng kilay.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora