Epilogue: JACOB

2.2K 44 21
                                    

NOTE: I want to say a sincere thank you sa mga tumapos ng RFMB. First long story ko tong natapos. Magdiwang! Haha. Sana magustuhan niyo ung ending. Hoping na makagawa pa ko ng marami pang story. :) Labyou, readers. ~ IrisMossis

----

Jacob's POV

"Hoy, pare! Relax, naliligo kana sa pawis." Natatawa-tawang sabi ni Xander. Masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya bago ko kuhanin ang panyo sa aking bulsa.

"Tigilan mo ko, Xander." Sabi ko habang pinupunasan ang mukha ko. Pinagpapawisan na talaga ko dahil sa kaba.

Tinawanan niya lang ako at tinapik ako sa balikat at bago niya tuluyang ialis ang nakakairita niyang mukha sa harapan ko at may pahabol pa siya.

"Sinabi kong siputin ka niya. Kaya wag kang mag-alala. Kawawa ka naman kasi, pre. Ka--." Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

"Lumayas ka nga sa harapan ko!" Sigaw ko.

Umalis naman siya ng tumatawa at umiiling iling.

Panira ng araw ! Hindi ko pa rin mapigilang hindi mainis kay Xander kahit alam kong kasal na ang mokong na 'yon kay Lea. Napaka-lakas kasing mang-asar na agad ko namang pinapatulan.

Abot abot pa rin ang kabang nararamdaman ko habang inililibot ko ang aking tingin sa buong simbahan. Napangiti ako nang makita ko ang mga taong naging parte ng buhay ko at ni Kelly. Masaya at ayos na ayos ang lahat habang hinihintay namin ang bride.

Yeah! Its our wedding day. This is the day I will officially own the woman I love.

I unconsciously smiled when I remember the first time I saw her... In that day, I'm not aware I'm starting to love her.....

Naglalakad ako habang tumitingin sa paligid. Ganito pala sa syudad malayong malayo sa itsura ng baryong pinanggalingan ko. Ang mga bahay pati ang ang klima. Sobrang init at maingay. Sana pala hindi na lang ako sumama kay Itay.

Nang mapagod ako, umupo ako sa gilid ng isang puno. Hindi masyadong matao at mainit. Gusto ko ng umuwi.

Lumipas ang ilang minuto na pinagmamasadan at pinapakiramdaman lang ang buong paligid. Napatingin ako sa isang direksyon na may marinig akong pag-iyak.

May babaeng papalapit sa pwesto ko. Umiiyak at walang paki-alam sa paligid. Habang papalapit siya nakita ng mabuti ang mukha niya. Napalunok ako ng makita ko kung gaano siya kaganda.

"H'wag kang umiyak sige ka papanget ka!" Wala sa sariling sabi ko ng dumaan siya sa harapan ko.

Natatarantang tumayo ako at hinihintay ang paglingon niya sa akin. Napalunok na naman ako ng binigyan niya ko ng napaka-samang tingin pero kahit ganoon kita pa rin ang sakit sa mga mata niya. Mas malaya ko siyang natitigan at bigla na lang ako nakaramdam ng kabang hindi ko maipaliwanag.

Walang nagsalita sa amin kaya nagsimula na naman siyang maglakad. Pero mukhang lumabas ang kakulitan ko.

"Hey, hey!" Pahabol ko.

Tumigil naman siya at hinarap niya ko. Halatang naiirita na siya sa akin. At nagulat na lang ako sa sinabi niya.

"Pwede ba tigilan mo ko. Wala kang alam! Kung wala kang magawa sa buhay mo pakamatay kana."

Napa-tigil ako pero nagawa ko paring magsalita.

"Hey! Chill.. Okay fine. Akala ko.. Nevermind." Hindi ko na tinapos ang gusto kong sabihin. Akala ko lang gusto niya ng taong pwedeng niyang maka-usap o sabihan ng problema pero mukhang hindi niya kailangan. Hindi niya kailangan ng isang tulad ko. Tss. Drama. Hindi nga pala kami magkakilala kaya umalis na lang ako.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now