Chapter Forty Four

1K 21 0
                                    

Chapter Forty Four

Kelly's POV

"J-Jacob." Nauutal na sabi ko. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang sigawan dahil ayaw niya pa rin akong tigilan pero pangalan pa lang niya ang nabibigkas ko nanghihina na ko.

"I missed you." Napa-pikit na lang ako ng haplusin niya ang pisngi ko gamit ang mga daliri niya. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman.

May parte sa akin na gusto ko ring sagutin ang mga sinasabi niya pero pinigilan ko ito. Minsan talaga gusto na rin saktan ang sarili ko.

Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagtama ng ilong niya sa gilid ng ilong ko. Konti na lang paniguradong mahahalikan na niya ko.

Napa-igtad pa ko ng marahan niyang haplusin ang bewang ko. Shit! Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ako dahil sa ginagawa niya sa akin.

Napamulat ako ng ilapat niya ang labi niya sa mga labi ko. D-amn! Marahan itong gumalaw at puno ng pag-iingat kaya napapikit na lang ako bigla.

Dahil sa panghihina ko ay muntik na akong matumba buti na lamang ay nahapit niya ang bewang ko para magkaroon ako ng suporta.

Tinugon ko ang halik niya at nang kagatin niya ang ibabang labi ko to make an entrance to my mouth ay bigla akong natauhan. Fvck! Mali ito. Hindi ito dapat nangyayari.

Nag-ipon ako ng lakas para maitulak siya. Nagtagumpay naman ako sa pagtulak sa kanya. Ramdam ko ang panghihina niya kaya madali ko siyang naitulak. Ngayon, malayo na ng kahit papaano ang distansya namin sa isa't isa.

Pareho kaming naghahabol ng hininga habang nakatitig sa isa't-isa.

Inangat ko ang isang kamay ko para sampalin siya. Rinig na rinig ko ang tunog ng sampal ko dahil kami lang ang tao dito.

Tiningnan niya ako ng puno ng hinanakit. Iniwasan ko na lang na matitigan niya.

Nabalot ako ng inis at galit. Inis para sa sarili ko dahil tinugon ko ang halik niya at galit dahil wala na siyang karapatang gawin ang bagay na yon. Parang nawalan na rin ang pride na itinira ko para sa sarili ko. I response to his kisses , kung hindi niya lang sana ko hinalikan.

"How dare you to do that!? Wala kang ka ng karapatan sa akin! Kaya pwede ba.. LEAVE ME ALONE!" I yelled with irritation.

Gumalaw ang panga niya dahil sa galit na nakikita ko sa kanya pero may parte sa mata niya na nakakakita ako ng lungkot. Langya! He's really a best actor.

"I have the rights, Kelly. I'm your fiance!" Pagdidiin niya. Napatawa ako ng pagak.

"Maglolokohan na naman ba tayo? Hindi ka pa rin ba tapos? Ghad, Jacob! I knew everything. Sinabi na sa akin ni Sandra lahat!" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"What are you talking about?" Nagtatakang tanong niya.

Unbelievable. Paano niya nagagawang magmukhang walang alam kahit huling huli na siya.

"You really want me to say it. Fine! I know your plan. Pagkatapos mong paibigan ang bestfriend ko ako naman ang isusunod mo. Hindi pa pala sapat ang nangyari dati. You won! You made me miserable. Fvcking miserable!" Rumehistro ang gulat at takot sa mukha niya. Now, he's scared because I know the whole truth.

"STOP! Don't you dare to touch me! I'm not yet done." Sigaw ko ng gumalaw siya palapit sa akin. Natatakot ako na paghinawakan niya ko mawala ang lahat ng lakas ko para makapagsalita. He is my weakness.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now