Chapter Twenty

1.3K 34 0
                                    

Chapter Twenty

Kelly's POV

"Jacob saan mo ba ko dadalhin?" Bored na tanong ko sa kanya.

"Secret." Nginitian niya lang naman ako at kinindatan. Ano bang problema nito? Simula nung magtapat siya urgh! Whatever. Ganyan na siya.

"Saan nga?" Inis ko ng tanong. Inaantok pa kasi ako.

"Bakit ba ang sungit mo?" He pinched my left cheek. Bigla naman akong nakaramdam ng pang iinit ng pisngi. Kaya tinabig ko ung kamay niya at umiwas na ng tingin.

"Magdrive ka na nga lang!"

"Yes, Ma'am." Masigla niya pang sabi.

Ipinikit ko na lang ang mata ko. Nagflash back sakin ang dahilan kung bakit ako puyat na puyat.

"Can you see that bar?" Turo ko pa sa kanya.

"Yes, Maam" Sagot ng lalaking kasama ko ngayon sa kotse.

"Good. Kilala mo naman si Sandra Star, right?" Naalala niyo ba nang nagpapahanap ako ng lalaking mahahired para utusan. This is it.

I'm wearing a cap, a shades and a leather jacket with a black fitted jeans. Mabuti ng nag iingat.

"Yes, Ma'am. Iyon ba ung sikat na model?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sikat?

"Correction, she's not popular anymore." I smirked. I'm just telling the truth. Madami na siyang bashers. Ayaw nang makita ng mga tao ang pagmumukha niya dahil sa kasamaan ng ugali niya.

"Uhh. Okay po, Ma'am. Ano po bang ipapagawa niyo sakin?" Parang takang taka siya sa sinabi ko.

"Here's the camera. Take a picture of both of you in a hotel room. Try to show in the pictures that there is something happened between the two of you.  Is that clear?"

"Madali lang pala, Ma'am." He smirked. A maniac.

"I repeat. It's just in the pictures. Hindi mo tototohanin. Sumunod ka sa usapan dahil kung hindi, hindi mo gusto ang mangyayari sayo." Bigla  namang nawala ung ngiting aso niya. May konti pa rin naman akong bait. Ayaw ko namang marape ang babaeng yon dahil babae rin ako.

"Okay, Ma'am pero...."

"Pero? Wag mo kong paghintayin. Hindi mo rin magugustuhan kapag nainis ako." Napakamot siya sa ulo niya.

"Diba Ma'am kasama ako sa pictures, papaano ako? Makikilala ako ng mga tao. Baka hindi na ko makalabas ng bahay nyan." I rolled my eyes. Syempre napag isipan ko na yan.

"Don't worry, Nagawan ko na ng paraan yan. Pupunta ka sa ibang bansa at doon kana maninirahan."

"Pero Ma'am---."

"Kasama ang pamilya mo. Ang magulang at mga kapatid mo. Pagdating niyo doon may bahay na kayo at negosyo. Hindi kayo maghihirap. And you have additional payment katapos nito basta sumunod ka sa usapan."

"Makakaasa po kayo, Ma'am." Nginting ngiting sabi niya.

"Take note, make  sure na lasing na lasing siya, to make it easy. And makakaalis kayo ng bansa bago ko mailabas ang mga pictures."

Bumaba naman agad siya at pumasok sa bar. Sure ako na nandyan si Sandra the impakta. Inalis ko na ung cap at shades na suot ko. Matagal ko na siyang pinasusubaybayan. Lagi siyang pumupunta sa bar simula ng napapansin niyang hindi na maganda ang takbo ng career niya.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now