Chapter 4

210K 6.4K 1.2K
                                    

"Now I got your attention," mahinang basa pa ni Eina sa reply ng lalaki. "Ang lakas ng hangin ng lalaking 'to. Tingin mo rereplayan pa kita?"

 Ngumisi siya sa sarili at tila nababanas na hinawi ang buhok. Ini-log out na niya ang IG para hindi na 'to mareplayan pa. Baka hindi pa siya makapag-trabaho.

Pinoy ka pala, ha.

Nang mag-angat siya ng mukha ay muntikan na siyang malaglag sa upuan nang makita si Saulo. Nakatayo ito sa harapan niya at tila may nanghuhusgang tingin sa kanya. "S-Sir!"

"Sinong kinakausap mo d'yan?" Mukhang kababalik lang ng lalaki, pero di siya sigurado kung ilang minuto na itong nandoon. Naabutan pa nito ang sinabi niya?

"Sino 'yang ayaw mong replyan?"

"Manliligaw ko, Sir." pabirong sagot niya.

Tumaas ang kilay ni Saulo, "Ikaw? Nililigawan?" tanong nito, at sa paraan ng paggalaw ng labi nito parang gusto niyang ma-offend. Hindi ba siya pwede mag-joke na may nanliligaw sa kanya?

"Biro lang! Sir naman, di madaan sa biro."

"Kaya wag magbiro. Okay na ba 'yong pinapa-proof read ko sa 'yong document?"

"Yes, Sir. Ipi-print ko na lang mamaya."

"Do it now kesa mag-entertain ka ng kausap d'yan. Inuuto ka lang n'yan kung sino man 'yan."

Matalim na binato niya ng tingin ang malapad nitong likuran. Napakasalbahe talaga! Wala naman sa mukha niyang magpapauto siya sa kahit sinong lalaki. Payag siya sa manang, pero pag sinabihan siyang marupok? Di lang nito alam. Masama ang loob na binalikan niya ang mga dokumentong nasa harap.

Umalis ulit si Saulo nang hapon na 'yon. Nakangiti pa ang lalaki habang may kausap ito sa telepono. E di sana all? Palihim niyang inirapan ang amo. Kung mababasa lang nito ang utak niya, katakot-takot na mura siguro ang makikita nito.

Sigurado siya panibagong babae na naman ang kausap nito.

 Hanga din talaga siya kay Saulo. Saludo talaga si Eina sa amo niya. Parang ang dami pa rin nitong time para makipag-date kahit alam niya kung gaano ka-hectic ang schedule nito. Hindi naman niya habol makipagdate ngayon. As if meron magde-date sa kanya, di ba? Lumitaw sa isip niya ang mukha ng among salbahe. Naiimagine niya ang paggalaw ng labi nito na parang gustong magsalita ng hindi maganda.

Wala pang isang oras na nakakaalis si Saulo, nadagdagan ang sakit ng ulo ni Eina. Isang linggo na din niyang hinihintay iyon, eh. Aware siya hindi magiging normal ang linggong 'yon kung walang dadating na babaeng magwawala sa harap ng opisina nito. At iyon na nga!

"No! You're lying! Where's Saulo? I know he's inside the office! Let me in!" matinis ang boses ng babae. Hindi na niya matandaan ang pangalan nito, but she's one of his former hook-ups. Natatandaan niya, siya pa nga ang nag-book ng hotel. Hindi lang niya maalala.

"Wala nga po si Sir dito, Maám. Kakaalis lang po. Hindi ko po alam kung anong oras babalik—"

"Did you just use po on me?!" nanlilisik ang matang putol nito sa kanya.

"Hindi po—"

"How dare you? I'm pretty sure mas bata pa ako sa 'yo, manang! Ikaw itong matanda!" Napasinghap na lang siya sa insulto nito.

"At bakit ba pinipigilan mo akong pumasok? Do you even know who I am?!"

Sasagutin sana niyang hindi, pero baka masampal pa siya ng babae or worst makaladkad.

May tendency na maging bayolente ang mga nasugod doon na ex-flings ni Saulo kaya ingat-ingat din siya.

Napadasal na lang siya ng wala sa oras n asana humaba pa ang pasensya niya.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon