Chapter 17

168K 7.6K 3.3K
                                    


 Sa nakalipas na apat na taon, ginawa ni Eina ang abot ng makakaya niya. She did her best to learn everything that would make her the perfect secretary. Hindi siya nag-umpisa na kaya niyang gawin lahat ng iniuutos nito, but she made it possible na magawa ang lahat ng gusto nito. Wala sa kanyang problema kahit mag-overtime siya, kahit disoras ng gabi ay tinatawagan pa siya nito para sa trabaho. Kahit ang laman ng bag niya ay mga bagay na kailangan ni Saulo.

 Kaya niyang pakisamahan ito sa mga araw na mainit ang ulo nito at nakasanyan na niya ang pagiging masungit nito. Nilagpasan niya ang standard nito sa isang sekretarya. She was competent, reliable and professional.

She did everything that would make herself irreplaceable. Pero sa huli siya lang din ang bibitiw sa pwestong inalagaan niya.

"Replacement?" ulit ni Saulo. Kumapal ulit ang tensyon sa hangin.

Tumango si Eina, nakababa ang tingin sa kanyang pagkain. Gusto niyang gayahin si Saulo na nagagawa pang kumain ng masarap kahit seryosong bagay na pinag-uusapan.

"Bukas din maghahanap na ako ng kapalit ko," kaswal na pagpapaalam niya sa lalaki. "That's the only thing I can do to make this right for you."

Cold rage darkened his brown eyes, then his lips curled into a wolfish smirk. "Magre-resign ka? Go ahead. Magpasa ka ng resignation letter. Di kita pipigilan."

That's great. Hindi na siya mahihirapan pala.

"I will do that later."

Mabigat sa dibdib niya ang ideyang bibitawan na niya ang trabaho. After all the hardwork. Tama lang naman na umalis siya. Pero bakit masakit sa loob niya?

Ibinaba nito ang kutsara at tinidor. Iniinom ang tubig sa baso.

"But don't expect me to accept your resignation letter right away. Not when we still have something to settle between us."

Between us?

Gusto niyang matawa. There's nothing between them. Boss niya ito, sekretarya siya. Hindi sila lumalagpas sa ugnayan na 'yon.

But then he was the HotHeadedBull. Kung hindi niya nakita ang nasa pagitan ng hita nito, hindi niya makokonekta.

"Just let me quit my job, Saulo. Hindi ba iyon din naman ang magiging outcome nito? Mabigat para sa akin 'yong mga paratang. Wala na akong kumpyansa na harapin kayo pagkatapos ng mga akusasyon n'yo na walang malinaw na basehan. Mas mabuting magtapos 'to sa pagre-resign ko bilang sekretarya mo. I can find you a better one."

"What if I don't a replacement? Anong gagawin mo?"

Nangatal ang labi ng dalaga sa lamig ng boses nito, pinanlabanan niya iyon. "You would do that eventually, Saulo. You would replace me."

"That's not what I want. Ikaw lang ang nag-isip na tatanggalin kita. I don't want to replace you. I want you to keep your job, Eina. Hindi ka aalis sa poder ko."

Inukopa nito ang espasyo at dumikit sa kanya. What was he doing?

"I just want you to stay close to me no matter what."

Bumuga ang hininga nito sa kanyang leeg. Nagtaasan ang balahibo niya sa katawan.

A nervous chuckle escaped her lips, her body was trembling. Naramdaman nito 'yon dahilan para kumislap ang kapilyuhan sa mata. "Calm down, Eina. Eat your food."

Inilayo nito ang sarili at binigyan siya ng tamang espasyo para makahinga. Di magtigil ang panginginig ng binti niya.

"Seryoso ako. Hindi ka pwedeng umalis sa pwesto mo kung 'yon ang binabalak mo."

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon