Chapter 32

290K 6.4K 1.9K
                                    


 Maayos na ang pakiramdam ni Eina nang araw na 'yon kaya nagpumilit siyang pumasok sa opisina. Kahit sinabihan siya ni Saulo na magpahinga muna. Ayaw niyang umastang kagagaling lang niya sa labor. Pakiramdam niya parang mas sumasama ang panlasa niya kung mananatili lang siya sa loob ng kanyang apartment.

Dumaan siya sa Café De Maita for her morning dose of coffee. Malas lang ni Eina, nakasabay pa niya ang tsismosang Kristine. Kaswal niya itong nginitian, and as usual, ginawa na naman nitong pandesal sa kape ang tsismis.

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang scandal ni Farah. Naaawa siya sa babae. It's kinda unfair na ito lang ang naju-judge ng husto. Oo nga't celebrity ito kumpara sa lalaki na kasama nito, it's just that the hate she's getting is just too much. Hindi niya kailangan ilagay ang sarili sa posisyon nito para lang malaman kung anong nararamdaman ng babae.

"Ako lang 'to, ha, kung ako si Farah, kung alam kong may magle-leak na ganyan tungkol sa akin. Ginalingan ko na sana 'yong performance ko. Baka manominate pa ako sa AVN awards."

"AVN awards?" curious na tanong ng katabi nito.

Kawawang Leigh walang kaide-ideya sa pinagsasabi ni Kristine.

"Parang Oscars lang 'yon. Jusko naman, Leigh. Google is your friend."

"Paano mo nasabe?"

Kinuha niya ang order niyang kape at naunang umalis. Nakasunod din sa kanya ang dalawa na nagtatalo pa hanggang sa makasakay sa elevator.

"Nadulas ka ba, Eina?" tanong ni Kristine sa kanya.

"Huh?"

"Kanina ko pa iniisip kung anong meron sa 'yo ngayong araw. Ayun pala, parang nadulas ka kasi 'yong lakad mo ano, parang penguin."

"Penguin?"

Nilunok ni Eina ang pagka-surpresa sa sinabi nito. Napansin pa nito 'yon? Totoong medyo masakit mga binti niya pero hindi pa rin niya inaasahan ang komento nito.

Parang penguin siya maglakad?

"Uh-huh."

"Halata ba?"

"Hindi naman. Kasi lagi kita nakikita kapag naglalakad ka, ngayon lang kita nakita na parang may iniinda ka. Saan ka nadulas? Mag-ingat ka, hindi ka na bumabata, girl."

Ewan niya kung gusto ba niyang pasalamatan si Kristine o ingudngod. Nasa kalendaryo pa ang edad niya.

"T-Thanks. Masakit pa nga ngayon. Buti na lang di napasobra 'yong bagsak ko."

Kung alam lang ni Kristine ang pagbagsak na tinutukoy niya. Siya habang nakaupo sa kandungan ni Saulo at siyang nagmamaneho hanggang sa manginig ang mga katawan nila.

Eina felt her cheeks blushed as she remember the last time she had his huge cock buried deep inside her. The sex was definitely good. Akala niya joke time lang 'yong sinasabi nilang ihi lang ang pahinga. Hindi siya naniwala hanggang sa naranasan na niya. 'Di na nakakapagtaka na parang penguin siyang maglakad ngayon. Sinulit ni Saulo ang mga oras na kasama niya ito sa kanyang apartment.

Nagulat si Saulo nang makita siya sa opisina. Inaasahan siguro ng binata na hindi siya papasok. Surprise, surprise!

Maghapon siyang uupo sa harap ng desk niya kaya walang magiging problema sa kanya na magtrabaho.

"Here's your coffee, Sir." aniya pagkatapos ipatong ang baso sa mesa nito.

"Thank you, Eina." Tipid na sagot ng lalaki. Sumulyap ito sa kanya saka muling inilipat ang tingin sa binabasa nito sa tablet.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon