Chapter 15

184K 8.4K 3.9K
                                    


 "Napagalitan na naman si Leigh. Buti na lang hindi ako ang naabutan."

 Hindi alam ni Eina kung concern si Kristine sa kaibigan nito o nagdidiwang pa dahil hindi ito ang nakatikim ng award kay Saulo.

 Walang ideya si Eina kung bakit parang may kakaiba sa lalaki nitong mga nakaraang araw. Parang dumoble pa yata ang topak nito. Anong nangyari doon? Ngayon lang niya napansin 'yon. Sa dami naman kasi ng mga ginagawa niya, halos hindi na niya napapansin.

 Nakita niyang mangiyak-ngiyak na lumabas si Leigh ng opisina ni Saulo. Nandoon ngayon siya sa pantry para ipagtimpla ng juice si Saulo kahit hindi naman nito inuutos. Best secretary 'yan?

"Kung ako pala 'yong nag-abot ng report, baka ako pa 'yung na-award-an! Sabi ko kasi sa kanya i-double check muna niya, triple pa kung pwede. Inuuna pa kasi ang harot!"

"Mainit lang ulo ni Saulo. Palipasin na lang niya, at saka ikaw wag mo na lang takutin."

"Hindi ko naman tinatakot! Sabi ko lang baka wala na siyang trabaho bukas."

Saktong pumasok sa pantry si Leigh. Iniwanan na niya ang mga ito. Pumasok siya sa office ni Saulo dala ang juice nito.

"Refreshments, sir?" aniya at lumapit sa lalaking abala nakatungo sa mga papeles. Parang hindi siya nito narinig, hindi man lang nag-abalang mag-angat ng tingin. Sa coffee table niya ipinatong ang tray. Baka siya ang sunod na mabigyan ng award pag natapunan pa niya ang mga papeles sa mesa nito.

Lumabas na siya sa opisina. Kabisado na niya ang ugali ni Saulo. Kapag ganoong seryoso ang lalaki, hindi nito ito makakausap.

 Mainit lang siguro ang ulo nito.

 Wala naman siyang alam sa personal na nangyayari sa buhay ni Saulo. Alam niyang komplikado 'yong history ng family nito. Magkaaway sa negosyo at pulitika ang family clan ng mga magulang nito. Halos wala itong kasundo sa mga kapamilya nito. Hindi nga ito malapit sa kahit sino sa mga kapatid nito, mapa-Monasterio o Villeda.

 Si Hideo, ang panganay na anak ng ama ni Saulo sa napangasawa nito ang madalas na bumibisita sa opisina. Napunta lang ang mga kapatid nito kapag may kailangan, o tungkol sa negosyo at ari-arian ng pamilya.

 Maybe they're afraid of what Saulo can do. Matalino ang lalaki. Nakita na ni Eina kung paano nito harapin ang mga kakumpentensya nito. He knew how to make his enemies suffer. Kaya nitong paikutin ang mga kalaban nito sa kamay at tumbukin ang kahinaan. Kahit pa marami sa pamilya nito ang di sang-ayon na si Saulo ang humawak ng negosyo at si Hideo ang karapat-dapat, huli na para maghabol ang mga ito.

 Saulo already made himself irreplaceable.

Gumapang ang malawak na ngisi sa labi ni Eina nang makita niya ang notification na pumasok. Hindi na siya nag-overtime. Maaga siyang nag-out. Gulat pa si Kristine noong nadaanan niya ito. "Uwi ka na?"

Nilagpasan lang niya ang mosang. Pumasok na kasi ang payment niya mula sa Playmate.

Tumataginting na ilang daang libo din ang kinita niya nitong nakaraang buwan! Sa bawat virtual coins na natatanggap niya, naco-convert pa iyon into dollar at hindi naman biro kung magkano ang pumapasok sa kanyang wallet.

Gusto nga niyang magbakasyon sa Baguio kasama ang nanay niya kahit mga dalawang araw lang. Hindi pa lang siya makahanap ng tyempo dahil masyadong hectic ang schedule ni Saulo at sinabayan pa na marami silang ganap. Hindi ito papayag na magbakasyon siya.

Dahil maaga pa, nakapag-withraw na siya. Dumiretso siya sa grocery store, ang lawak pa ng ngiti niya habang namimili ng stocks niya. Napadaan pa siya sa store na binibilhan niya ng moisturizer. Doon pa siya napatagal sa dami ng nadampot niya para bilhin.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon