Chapter 30

291K 6.5K 1.5K
                                    


 "Are you sure you want this cock inside your tight little hole, baby?"

 Napaigtad si Eina kasabay ng pagmulat ng kanyang mata. Pawisang napatitig siya sa madilim na kisame. Hindi niya maramdamang nakabukas ang aircon niya. Gusto niyang mapamura. Kaya ba naliligo siya sa pawis?

Dios mio.

Napabangon siya. Binuksan niya ang kanyang ilaw at kumalat ang liwanag sa apat na sulok ng silid. Unang dumapo ang mata niya sa magulong kama niya.

Nakahinga siya ng maluwag at muling napahiga pagkatapos magbukas ng fan. God, it was just a dream. Buti na lang dahil handa niyang itakwil ang sarili kung sakaling pinadaan nga niya ito sa likod bahay.

 Sino bang nagdedesisyon ng magiging panaginip niya? Bakit naman hanggang sa panaginip niya hindi siya pinagpahinga, sobrang R-18 talaga?

She took a long deep sigh. Masakit pa rin ang kanyang katawan. Mabigat ang pakiramdam niya at nahihilo siya sa bigla niyang pagbangon. Pero ayos na siya hindi katulad kanina na sobrang sama talaga ng pakiramdam niya.

Para siyang sinapak ng trangkaso.

Dala lang siguro ng sama ng lasa niya kaya kung kung-ano ano na ang napanaginipan. Kailan ba 'yung huling beses na nagkasakit siya? Hindi na niya maalala sa sobrang tagal. Hangga't maaari iniiwasan niyang magkasakit. Alam nga niya kung gaano ka-hectic ang schedule ni Saulo. Hindi siya pwedeng umabsent para masiguradong nagagampanan niya ang kanyang trabaho.

Sa sobrang hard-working niya pati sa kama trinabaho na niya si Saulo. Gusto niyang magta-tumbling sa pagkaasiwang naramdaman.

Wala talagang preno sa pag-iisip ang utak niya minsan. Umupo siya sa kama para silipin ang orasan. Alas siete na pala ng gabi? Ilang oras pala siyang nakatulog. Ang huling naaalala niya ay nang gisingin siya ni Saulo para kumain, pero sa sobrang bigat nga ng pakiramdam niya ay tumanggi.

Pagkatapos..

Nanlaki ang mata niya. Parang video clip na nag-play sa utak niya ang pagdadala ni Saulo sa kanya ng pagkain sa kama.

"Get up, baby. Now don't be stubborn. You need to eat."

"Ikaw na lang kumain n'yan. Wala akong gana."

"Pilitin mo lang," walang bakas ng pamumwersa sa boses ng binata. Nakakagulat nga ang lambing sa tono nito. Hindi tulad ng kaswal na pakikipag-usap nito.

"Ang kulit mo, Sir. Di ka pa ba aalis?" naiinis na sabi niya.

"It's Saulo, baby. Kumain ka na kung gusto mo akong umalis. C'mon, get up, it's already two. Di ka pa nag-lunch. You need to take your meds. Hindi ka gagaling n'yan."

Gusto niyang isubsob ang mukha sa kutson. Naalala na niyang pinakain muna siya ng lalaki bago ito magpaalam sa kanya. Hindi ito tumigil na pilitin siya hangga't di siya bumabangon. Sa huli ay pinainom din siya nito ng gamot.

Ngayon naaalala niya, wala siyang ibang naramdaman kundi kahihiyan. Parang ayaw na muna niyang gumaling, pahabain pa niya ang trangkaso at mayroon siyang dahilan para hindi ito makita sa opisina sa sunod na araw.

Bumukas ang pinto dahilan para magulat si Eina. Iniluwa nun si Saulo. He was wearing a big maroon T-shirt and gray sweat pants.

"Are you okay now?" tanong ni Saulo, bakas ang pag-aalala sa boses nito. She wasn't expecting he would still be on her house. Akala ba niya ay umalis na ito kanina?

Pumasok ito sa kwarto at nilapitan siya.

Gosh, he was so big. Bukod sa sobrang tangkad nito, malapad ang balikat nito at nakaka-intimidate ang tindig nito. Kahit pinipilit nitong tawagin niya ito sa first name nito, kusang lumalabas sa bibig niya kung saan siya sanay ito tawagin.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon