Chapter 27

314K 8.6K 3.7K
                                    

Pagak na tumawa si Eina. Mag-isa na lang siya ngayon habang kumakain ng cereal sa kanyang couch. She opened her Netflix to watch a Korean drama. Gusto pa niyang mabwisit dahil hindi naman niya maintindihan ang pinapanood. Tapos makikita pa niya si Lee Jin-Wook at bigla niyang maiisip si Saulo.

Hindi niya sinasabing papasang oppa ang tinamaan ng lintik. That arrogant bastard was more like a Hollywood beefcake. Naaalala lang niya si Saulo, with the way he interacts and stared at her. Nothing is more perfect than his sexy eyebrows and intense brown eyes.

And why was she thinking about him again? Gusto na naman niyang ibaon ang mukha sa unan.

"What the hell? You want me to be in your stream?"

"You heard me. Iyon ang kapalit. I can allow you to fuck me, but you have to join me in my stream. Be my playmate."

Even in the most awkward and depressing situation, Eina had never seen his face went fale. He had always been composed. A quick-thinker. Agad itong nakakahanap ng solusyon. Hindi niya makakalimutan ang naging reaksyon ni Saulo. His face was totally blank.

She knew he wouldn't just agree to that.

Tulad ng inaasahan niya ay tumanggi ang binata. Kung pumayag na lang ito basta, aakusahan niya talaga itong nawawala sa sarili. There's no way he would allow himself to be seen on live while fucking someone. Ang tulad nitong galing sa prominenteng pamilya ay may reputasyon din na inaalagaan. Kahit sabihin pa niya na hindi naman ito makikilala dahil sa maskara, kahibangan pa din ang gusto niya para patulan nito.

Bakit, pinipilit ko ba?

Napabuga na lang siya ng hininga at inabot ang tetra pack ng gatas sa harap niya. Natigilan si Eina nang makarinig ng bell.

Anong oras na ba at may bwisita pa siya? Then she remembers. Langya, hindi kaya bumalik si Saulo? Lagpas hatinggabi na. Ilang oras na buhat nang ihatid siya nito. Nang hindi agad siya tumugon, sunod sunod ang naging pagkatok nito.

Napatayo agad siya. "Sandali!"

Manggigising pa yata ng kapitbahay ang animal!

Dali-daling pinagbuksan niya si Saulo. Hindi nga siya nagkamali. Nandoon sa harap ng pinto niya ang lalaki, nakangisi sa kanya at mapupungay ang mata.

"Zup?"

Napakunot-noo si Eina. "Lasing ka ba?"

He shook his head. "I'm not drunk.. Nakainom lang ng konti." Depensa nito, at napasinok. Gusto niyang mapahilamos sa mukha.

God, he's drunk. Ano bang ginagawa nito sa harap ng unit niya? Paano pa ito nakapunta sa kanya? Sa estado nito hindi ito dapat nagmamaneho mag-isa!

"Nasaan si Tom? Wait, dyan ka lang.. tatawagan ko 'yong driver mo!"

"Don't bother. Baka namamahinga na 'yung tao."

Pinandilatan niya si Saulo. "Namamahinga? Hindi ba dapat trabaho niyang—"

"Kaya ko pa naman magmaneho." sabi agad nito.

"Sir, alam mo ba kung anong oras na?"

"Hmm, twelve po?"

"Mag-two am na po. Dapat natutulog na ako ngayon."

"Ahh, so I guess, di ka makatulog kasi hinihintay mo pa ako?"

Nagawa pa talagang mag-joke!

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

She stared at him. Nakabukas ang ilang butones ng polo nito. Ang gulo ng buhok nito at may bahid pa ng lipstick sa leeg. Nahuhulaan na niya kung saan ito nanggaling.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon