Chapter 43

76.3K 2.2K 142
                                    


"Eina!"

 Napalingon ang dalaga sa tumawag sa kanyang pangalan. Malaki ang ngiting naglalakad palapit sa kanya si Gigi. The woman looked stunning in her white beach dress. Hanggang hita lang ang haba niyon. Tinernuhan nito iyon ng kulay beige na hat at pares ng sandals.

Mahigpit na yumakap ang babae sa kanya pagkalapit. "Gosh, I'm so happy to see you here! Akala ko talaga hindi kita makukumbinsi na magpunta dito."

"Sino ba ako para tumanggi?"

"Echos ka!" Nakangiting tinampal siya nito sa braso. "Ang tagal mo nga mapapayag. Sobrang ayaw ka pakawalan ni Saulo. Where is he, by the way?"

"He's busy. Di ko na nasilip 'yong schedule niya for weekends, eh. Kung hindi man nagtatrabaho 'yon ngayon, meron at meron 'yong pinagkakaabalahan."

"Sabagay. Akala ko sasama din siya," sabi ni Gigi na may makahulugang ngiti sa labi.

"Bakit naman?"

"Syempre, nandito ka. Ano pa ba? Ikaw ha!" Pinisil ulit nito ang braso niya. Meron bang alam si Gigi sa nangyayari sa kanila ni Saulo? It was supposed to be a secret. Anong alam nito?

"Don't take it seriously. Just kidding. Kumain ka na ba ng lunch?"

Umiling siya. "Wala akong gana. Ikaw?"

"Hindi pa rin. Nagmeryenda lang ako kanina. Hinahanap ko sina Ylanna."

"Nagpunta yata 'yong ibang girls sa spa. Merong nagyaya sa akin na mag-horseback riding kanina. Sina Ate Melody."

"You're not into horses?"

"No, baka maaksidente pa ako. Di pa ako nakaka-subok sumakay ng kabayo before."

"Naka-try na ako, pero tama ka. Huwag ka nang sumakay d'yan. Ano bang masarap sakyan ngayon?"

Sumulpot sa isip niya si Saulo. Ang hubad na katawan nito habang naka-taas ang matigas na braso sa headboard. Tumatagaktak ang pawis sa noo, at mabibigat ang paghinga. She can still remember the way he watched her intensely as she kept on taking his massive length on her mouth.

Napalunok siya sa pagpasok ng mga alaalala. Wala pa man isang araw na hindi niya nakikita ang binata, namimiss na agad niya ito. But it's not because of sex. It's not all about having him inside her again and again. Mabilis lang niya ito mamiss. Iyon bang lagi niyang nakakasama at sa loob ng ilang taon, bibihira siyang magkaroon ng bakasyon. Parang nakasanayan niya ang presensya nito tulad ng pabangong ginagamit niya sa katawan. 'Pag hindi niya naaamoy, bigla niyang hinahanap.

Pilit niyang tinaboy si Saulo sa kanyang isip. Utang na loob, pagpahingahin mo muna ako sa lalaking 'yan!

Baka mamaya kakaisip niya kay Saulo, isipin na rin niyang naiinlove na siya rito. Alam niyang hindi malayo, pero wag na siya! Karma na ang tawag dun pag ma-in love pa siya kay Saulo. May pagtawa pa siya nun sa mga babaeng desperada na humabol-habol kay Saulo, tapos isa lang din pala siya sa magiging patay na patay dito? Baka maloka siya pag dumating na siya sa puntong nasa mahabang pila na siya ng mga napagsawaan nito.

Parehas silang napalingon ni Gigi nang may tumawag sa pangalan nito. Lumapit ang isang matipunong lalaki sa kinatatayuan nila. Terno ng suot ni Gigi ang kulay ng shorts at polo nito na nakabukas ang lahat ng butones. Lantad sa mata ng bawat makakakita dito

Kapansin-pansin ang maskuladong dibdib nito na may tats. Oh, wow.

Kahinaan talaga niya ang magagandang tats sa katawan.

"Here's your smoothie. Pasensya ka na agad. Wala na yung gusto mong flavor. Avocado na lang 'yong alam kong gusto mo."

"Avocado? Noah naman, ang pait nito!"

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon