Chapter 45

145K 3.1K 524
                                    


"Don't look at me like that. Hindi ako pumunta dito para sa 'yo," seryosong sabi ni Saulo kahit wala naman siyang sinasabi. Di lang niya matiis na hindi ito sulyapan. Wala pa naman twenty-four hours na hindi niya nakikita si Saulo. Pakiwari niya ay may nagbago dito.

"Ah, I see.. nag-shave ka." aniya, at napangiti sa binata.

Mas lalo lang kumunot ang noo nito.

"Dinamay ko na rin 'yong baba para hindi ka nagrereklamo," walang kangiti-ngiting sabi ni Saulo. Tuloy di niya alam kung nagbibiro ito. Wala naman siyang reklamo sa mga buhok sa katawan nito. Kung alam lang nito mas gusto niya ang amoy nito kapag medyo pawisan, at sigurado siya na mas magugustuhan niya ang amoy nito kapag isang araw na walang ligo. Malandi!

"Sinong mga kasama mo?"

"Sina Ylanna, saka si Gigi. Alam mo ba jowa pala ni Gigi 'yung pamangkin ni Senator Thiago?"

"Who?"

"Kasama niya ngayon 'yung Noah Salvatore. Nandoon sa pwesto namin. May kasama rin na dalawang sikat na MMA fighter. Sayang, di ko naman kilala."

"Sana hindi mo sinabi sa kanila 'yan."

"Na hindi ko sila kilala?" she grinned and shook her head. "But it's not their fault that I don't know them. Iba-iba lang ang interest ng tao, at sino ba naman ako? Isang the who lang din."

"That's not true. You have a lot of fans, and you know that."

Marahang pinalo niya ito sa braso. "Hoy, bawal pag-usapan 'yan. Walang ibang nakakaalam ng tungkol sa ginagawa ko. Ikaw lang kaya maswerte ka."

Ngumisi ang binata. "I know," sabi nito pagkatapos ay hinawakan ang kumakalam na sikmura. "Anyway, nagugutom na ako. Di pa ako nag-lunch pagkatapos ng meeting kanina. Saan mo ba ako balak pakainin?"

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

"Nakalimutan ko lang. Ano, ililibre mo ba ako? Puwede tayong mag-take out sa Gyros, kainin na lang natin sa room mo."

Then have sex after? Naku, alam na alam na niya ang nasa utak ni Saulo. Pero it's a no, may kasama siya sa kwarto.

"Tara?"

"Libre ko talaga?"

"Sabi mo, di ba?"

"Wala akong sinabi! Budol ka po." Tumawa ito. Napasimangot si Eina. "Sa ating dalawa, ikaw ang kumikita ng milyones sa isang araw.. Tapos sa akin ka pa magpapalibre?"

"Puwede naman na iba na lang ipakain mo kung gusto mong makatipid. Hindi ako mapili."

"Walang mura dito sa Temptation Island. Kung gusto mo—" Napahinto si Eina, doon niya narealize kung gaano siya ka-slow at hindi agad nagets ang ipinahihiwatig ng kausap. Nang tumingin siya kay Saulo, nakita niya ang pagnanasa sa gwapong mukha nito. Napasulyap siya sa harap nito.

"Ahh."

Ang bilis magtayo ng tent, huh.

"Yeah. It's already hard for you."

Hinagod nito ang harapan, pinipilit pakalmahin. Mabilis makaagaw ng atensyon ang bukol sa harap nito. Hindi exagge pag sinabi niyang parang may itinago itong maliit na bote ng C2 doon.

"But you just said you're not here because of me?"

"That's true."

"Eh bakit.." di niya tinapos ang sinabi at marahang hinawi ang buhok.

"But I admit that I've missed you. It's weird not to see your pretty face at work."

Tumaas ang kilay niya. Did he just call her pretty face?

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon