Chapter 14

177K 6.8K 3.3K
                                    


 Nakatanaw si Eina sa isla habang papalayo ang sinasakyan nilang motorboat. Hindi niya makakalimutan ang islang 'to. Sa dinami ng kahihiyang naranasan niya doon, baka dala niya ang mga alaala hanggang sa panaginip niya sa mga susunod na araw.

"Mamimiss kita, Temptation Island. Adios, isla ng aking kahihiyan."

Nilingon niya si Saulo. Nakuha pa talaga kumain ng banana chips habang pinapanood siyang mag-drama. Ano kayang nasa isip nito? Ah, baka pinagpaplanuhan na siyang itulak sa dagat.

"Pagbalik natin sigurado ako marami tayong gagawin, Sir."

"That's fine with me."

Kalkulado na ng dalaga sa utak niya kung gaano sila magiging kaabala. Lalo pa't hindi naman planado ang bakasyon nito at nadawit lang siya doon.

Napabuntong-hininga na lang siya at nakidakot sa banana chip nito. 'Kala mo close 'no? Sulitin na niya ang kakapalan tutal ilang beses na siyang nagkalat sa harapan ng binata. Huli na para maging shy type.

"What's with the heavy sigh? Hindi ka ba masaya na makapagbakasyon ka?"

Ngumuya muna siya bago sumagot.

"No, Sir. I'm very greatful for the opportunity. Minsan ka lang magiging mabait. Sinusulit ko na," muli siyang dumukot sa kinakain ng lalaki.

"Gusto mo sa 'yo na?"

Walang hiya-hiya na inabot na niya, saka nagtanong. "Wala ka bang biniling panulak, Sir?"

"Ikaw na lang itulak ko."

Suplado naman n'yan!

"Tatanong lang naman, eh."

 Well, happy pa rin naman siya. Parang naging tropa niya bigla si Saulo kahit ubod ito ng suplado. She was still grateful for him. Sinagot pa nito ang mga pasalubong niya na wala din naman ibang makikinabang kundi siya. Hindi pala, aabutan din naman niya sina Kristine. Sigurado pagkakita nito sa kanya bukas uulanin na agad siya ng tanong.

 Napadaan din sila ni Saulo kanina sa naglalagay ng henna. Hindi niya pinalagpas na magpalagay sa may left arm. Since she is a Taurus, pinili niya 'yong minimal na bull design. It's a half bull skull, half plant tattoo. It's so beautiful on her.

 Naisip niya pwede siguro siyang maglagay ng ganoon sa mas tagong parte ng katawan niya. Saan kaya niya pwede ilagay? Between her boobs? That would be nice. Wala pa siyang balak magpalagay ulit ng bago. Kontento na siya sa unang tattoo sa left hip niya.

"You really like that, huh?" Tila napansin din ni Saulo na obsessed siya kakatingin sa henna niya. "Hindi ko alam na may hilig ka sa ink. And that you already have one in your hip."

Nakita marahil ni Saulo ang tattoo sa may hiya niya. Iyon ang unang beses na nakita siya nitong mag-bikini na kasama nito kaya noon lang din nito napansin. She forgot to conceal it. Tuwing may team building sila, hindi siya nakakapagsuot ng bikini. Hindi rin naman siya sanay na magpakita ng katawan kapag marami siyang kakilala sa paligid.

"Matagal na 'yon, Sir. Since college. Sinadya kong itago talaga before. Di ko naalala na baka makita n'yo."

"It's okay. No big deal."

Minimal lang din ang meron siya kaya okay lang talaga.

"Wala kang tattoo, Sir, no?"

Umiling ang lalaki. "Not my thing. Why did you ask?"

"Wala lang. Tingin ko bagay sa inyo 'yong may konting tats sa may bandang arm," sabi pa niya.

 Gusto niyang tawanan ang sarili sa suhestyon. Paladesisyon siya! Naisip niya babagay talaga sa binata, lalo na't maganda ang tindig at pangangatawan nito. Navisualize agad niya si Saulo na mayroong arm tattoo. It would look really good on him.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon