Chapter 35

116K 3.6K 602
                                    


 Balak pang paglaruan ng dalawang bruha ang mukha niya. Mariin na tumanggi si Eina. Mag-aaksaya lang ng oras ang mga ito. Di naman siya pinilit. Mukhang nacu-curious lang si Gigi na makita siyang may full glam make-up.

Mayamaya ay napansin ni Eina ang pagkakagulo ng staff sa kanyang tabi.

"We got a problem, Ylanna."

"Ano na naman ngayon?"

"Hindi makakatuloy 'yong isang modelo. Nagtext ngayon. Delayed daw 'yun flight? But i thought she's already in Manila now?"

Malakas na napasinghap si Ylanna. "Well, obviously sinungaling ang gaga! Kanina sabi nag-landing na siya. Sigurado nasa Siargao pa rin 'yan! Baka kagigising pa lang n'yan. Kaloka ha."

Nag-panic mukha ng staff. Tila banas na napatingin sa paligid. "Eh paano na 'to? Patapos na si Farah. Si Nat na ang sunod na isasalang, pero wala pa rin si Geneva." Napakamot pa ito sa ulo. Nakatingin lang si Eina pero parang siya 'yung nakakaramdam ng stress nito. Kahit sino siguro maiinis sa mga di tumutupad sa usapan.

"What if maghanap na lang kayo ng replacement ni Geneva?" suhestyon ni Gigi sa dalawa na nakikinig sa dalawa.

"Right!" napapalakpak si Ylanna. "Pero wala akong contact ngayon na pwedeng makarating agad ngayon. Wala tayong masyadong choice."

"Hindi ka ba pwede, Gigi?"

Nakangiting umiling ang babae. "No."

"How about her?"

Itinuro siya ni Ylanna. Dumako sa kanya ang tingin ng tatlo.

Pinanlakihan siya ng mata. Bakit siya ang ipiprisinta nito?

"Siya? Ayos ka lang ba?" bulong nito, parang di makapaniwala sa suggestion ni Ylanna. Di siya sigurado kung bulong pa iyon dahil narinig pa din niya ang sinabi nito. "Hindi ba masyadong manang 'yan para maging modelo?"

Aba, pasmado ang bibig ni Kuya!

Pero wala namang mali sa sinabi nito. Hindi siya uubrang modelo sa klase ng pananamit niya. Sa init ng panahon nagagawa pa niyang magsuot ng lagpas tuhod na skirt.

"I can take care of her."

"Sigurado ka? Wala tayong oras para—"

"Ssh, magtiwala ka sa akin. Kumalma ka riyan. Ako ang bahala."

"Sigurado ka ba? Pag ako napagalitan.." Parang nagdadalawang isip pa ang lalaki. Sumulyap ito sa kanya at mula ulo hanggang paa siyang inobserbahan. "Infairness, matangkad at mukhang maganda ang tindig ng isang 'yan. Mga ilang minuto ang kailangan mo para ayusan siya?"

"Give me two hours."

Two hours? Hindi ba muna siya tatanungin ng mga ito kung okay lang sa kanya ang mangyayari?

"Siguraduhin mo lang na kaya mong maayusan 'yan.""

"Got it, hon."

"Hindi ako nagmomodelo," maagap na sabi ni Eina pagkaharap sa kanya ni Ylanna. Nakakahiya! Anong gagawin niya sa harap ng camera? Well obviously, hindi iyong tipo ng ginagawa niya sa Playmate. But for God's sake! Hindi niya alam kung paanong hindi siya magiging awkward sa sitwasyon.

"I know that, sweetie, but there's a first time for everything."

Tumawa si Eina, may halong kaba iyon at konting excitement na hindi niya malaman kung saan nanggagaling. Nae-excite ba siya na kinukunsidera siya ng babaeng ito na maging replacement sa modelong hindi makakasipot sa shoot? Kung iisipin nga naman ng dalaga ay parang compliment na iyon sa kanya. At hindi iyon nangyayari sa buhay niya araw-araw.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon