Chapter 31

239K 6.5K 1.3K
                                    


 Hinayaan lang niya si Saulo na maghugas ng pinagkainan nila. Naisip niya na pigilan ito, pero naalala niya lahat ng mga sandaling inalila siya nito bilang sekretarya. Gusto siya nitong pagsilbihan? Hala, sige. Hindi niya ito pipigilan.

"Ayusin mo ang hugas mo, boy, baka mabasag mga plato ko. Mamahalin pa 'yan." Itinikom niya ang bibig pagkatapos para pigilan ang tawa.

Hindi naman na dapat ito naghuhugas ngayon kung sinunod lang siya na gumamit na lang ng paper plate.

Nakita niyang natigilan ito at bumagal ang pagsasabon sa plato.

"Hindi ba sa Divisoria mo lang 'to binili? Hilig mo maghanap ng sale at malaking discount."

Malakas siyang napasinghap. Hindi yata ang plato niya ang nag-crack kundi ang confidence niyang alilain ito.

"Sinong may sabi sa 'yo na presyong Divi 'yan? Hindi mo ba masabi na mamahalin 'yan?"

"Hindi," matigas na sagot nito at humarap sa kanya. "Kahit magbasag pa ako, di mo ako mabubudol magbayad ng malaking halaga para sa mga plato mo."

Oy, lumaban si papa matapang, oy!

She tried to suppressed her smile.

"Kailan ba kita binudol, aber?"

"If I remembered it correctly, you scammed me multiple times in your livestream."

Napasinghap ulit si Eina. Hindi niya inaasahang gagamitin nito iyon. Dapat pumasok na lang siya sa kwarto at di ito pinakialaman sa paghuhugas ng plato.

"Paanong scam 'yon? Nakita mo naman ang gusto mong makita."

Umiling ang binata, "No. Meron akong naaalala."

"Okay, sige, ano?"

"Magagalit ka."

"Hindi ako magagalit."

"Sure? Baka palayasin mo ako pag sinabi ko pa."

"Promise. Hindi ako magagalit. I'll take it as an honest review from a viewer." Shit. May ganon? Paano niya nasasabi ng tuwid at kaswal iyon sa harapan ni Saulo?

"No, really. Di talaga ako magagalit. Gusto ko lang malaman kung bakit ako naging budol."

"Alam ko na, ibo-block mo na ako sa livestreams mo. You like blocking comments you don't like in your streams."

May katotohanan iyon. But to her defense, maraming sobrang bastos na viewers. Kaya niyang palagpasin 'yong iba, at meron din siyang hindi kayang i-tolerate.

"May dahilan kayo ko sila bina-block."

"Okay, promise me you won't get mad."

"Spill."

"Remember when you asked your followers to drop coins and reach your goal? Your goal is to reach one point five something or two million coins?"

Huminto si Saulo, parang nagpipigil pa itong ngumisi. Meron siyang kutob na ayaw niyang marinig ang ikukwento nito. May ideya na si Eina sa sasabihin ng lalaki.

"You promised your viewers that if you reach the goal, you will do a steamy live stream inside a public restroom for men. Naabot mo 'yung goal mo, and guess what happened next?"

Parang may tumapat na spotlight sa mukha niya, biglang gustong niyang takasan ang nanunumbat na tingin ni Saulo. Alam na niya kung anong sunod nitong sasabihin.

"Hindi public restroom 'yong pinuntahan mo. You used the CR in my office."

Wala si Saulo nang araw na 'yon sa opisina nito. Tanda niya kung paano siyang kabang-kaba na gamitin ang CR nito. Wala siyang ibang choice! Akalain ba naman niya na papatulan ng viewers niya ang nai-set niyang goal? Lumabis pa dahil naka-two million coins siya.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon