Kabanata 1

986 34 8
                                    

Bumalik si Wewe dala ang bao ng niyog na utos ko. Tapos nang gamutin ni Ingkong Selmo at agad naman umalis. Panay naman ang reklamo ng lalaki dahil ang sakit na nga raw ng paa niya pati pa tiyan niya. Nalulukot na ang kanyang mukha.

"Ito na ang bao!" si Wewe.

Tinanggap ko iyon at ibinigay agad sa lalaki na halos mawalan na ng dugo ang mukha niya habang nakatitig sa bao.

"Tanggapin mo na," giit ko dahil nakatitig lang siya sa hawak ko.

"How 'bout...wet wipes? Tissue? Ano gagamitin ko pagkatapos?"

Alam ko 'yong sinasabi niya. Naituro na rin ni ina sa akin ang mga pangunahing kagamitan sa bahay. Pinapakita niya sa akin noon ang mga pictures. Tumingin ulit ako kay Wewe at tumango siya sabay kuha sa gilid ng kubo ng dahon ng saging.

"Masarap sa pakiramdam na pampahid 'yan pagkatapos," malaking ngising sabi ni Wewe.

Mariing pumikit ang lalaki at hinawakan ang ulo niya na parang ang laki-laki ng problema niya.

"Get out..." aniya pero out lang ang naintindihan ko. Hindi ako sigurado pero, baka gusto niya kaming lumabas?

"Lalabas na kami?" panigurado kong tanong.

"What? Are you gonna watch me shit in here?"

"Hindi ka namin maintindihan," sagot ko.

Huminga siya ng malalim, hawak na ang bao at dahon.

"Lumabas na kayo. Kaya ko na.."

Tumango ko at inaya na si Wewe na umalis. Isinarado namin ang pinto na gawa sa kawayan at nanatili ako sa labas.

"Taga saan kaya siya 'no? Ang ganda ng balat niya hindi katulad ng atin na kulay lupa."

"Mayaman siya kaya gano'n," sagot ko.

"Mayaman? Ano 'yon?" kuryoso niyang tanong.

Ngumiti ako kay Wewe bago pa nagsalita. Ito ang gusto kong mangyari, ang ituro sa mga ka tribu ko ang mga alam ko. Gusto ko din sanang makapag-aral. Pero hindi ko alam kung papaano. Hindi ko rin alam kung papayag ba si ama.

"Mayaman...maraming pera, pagkain. May pinag-aralan, masarap ang buhay," sabi ko.

Napaisip siya. "Maraming pagkain? Ang sarap pala maging mayaman!" tanging pinansin niya sa lahat ng mga sinabi ko.

"Masarap din ang makapag-aral, Wewe," paliwanag ko. "Kapag natapos mo ang pag-aaral mo, makakahanap ka ng magandang trabaho at...pati na rin pagkain."

"Fuck!" rinig naming sigaw ng lalaki kaya napatigil kami sa pag-uusap ni Wewe.

Akmang papasok sana si Wewe pero pinigilan ko siya. Baka ano pa ang makita niya sa loob. Umiling ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Yes...fuck, no! Tumagos daliri ko sa dahon! Fuck!"

Tawang-tawa si Wewe at kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa. Inutusan ko si Wewe na kumuha ng tubig para sa lalaki.

"Nagpakuha ako ng tubig..." sabi ko.

"What? May tubig kayo pero binigyan n'yo ko ng dahon?!" sigaw niya sa loob.

"Pang-inom namin iyon."

"Still! Dalawang tabo won't hurt!" reklamo niya pa.

Dumating si Wewe dala ang tubig sa loob ng bao at kinuha ko iyon sa kanya.

"Papasok ako," anunsiyo ko sa kanya.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now