Kabanata 10

624 28 6
                                    

Napalingon ako sa gawi ni Amalia at tumaas ang kilay niya sa kasama ko. Siguro ay nagtataka siya kung sino ang kasayaw ko.
Nakita ko pang tinawag niya si Zella kaya ito napatingin sa akin. Kinuha niya pa ang atensiyon ni Taiden kaya napatingin din ito sa akin.

Madilim ang titig ni Taiden sa kasama ko at napabaling siya kay Elton na nakatingin na rin sa amin. Hindi lang sila, kundi lahat na talaga sila! Bigla tuloy akong kinabahan sa mga titig nila sa amin.

Natigil ang musika at napalitan naman ito ng iba. Agad akong hinila ni Zella papunta sa kung saan ako nilapitan ni Khrystle kanina. Sumunod naman sila GG, Amalia at Suzie.

"Sino 'yon?" tanong ni Zella agad sa akin.

"Khrystle raw..." sagot ko. "Sa kanya raw itong club..." dugtong ko pa.

"Girl, sa lahat ng lalaki na puwede kong makilala ay siya pa? Stay away from that guy, Prospy," ani Suzie.

"Bakit, sino ba 'yon?" tanong naman ni Amalia at nagkatinginan si Suzie at Zella.

"Inano ka niya, Prospy?" si GG.

Umiling ako, sasagot na sana dahil parang mali yata ang iniisip nila kay Khrystle. Mukha naman siyang mabait. Gusto ko talaga kasi sa isang tao ay ang madaldal at palangiti kaya mabilis akong nakipagkaibigan sa kanya.

"Mukha kasi 'yong walang gagawing tama kaya huwag kang maglalalapit do'n. Isa pa, hindi mo 'yon kilala. Matinik 'yon sa babae, sige ka..." babala sa akin ni Suzie.

"Mukha naman kasi siyang...mabait," sabi ko.

"Tama si Suzie, Prospy. Huwag ka munang basta basta makikipagkaibigan. Saka na siguro kapag alam mo na ang lahat-lahat," nakangiting sabi ni Zella.

"Malay n'yo naman gusto siya no'n. Guwapo naman, ah! Isa pa, mayaman! Oh, hindi na siya lugi!" pabirong sabi ni Amalia.

Sinamaan siya ng tingin nila Zella.

"Bago pa kasi siya dito sa atin, Amalia. Alam mo naman ang mga tao ngayon..." ani GG.

"Oo na, sige Prospy makinig ka sa kanila. Pero teka nga muna. Sino naman 'yang babaeng kasama ni Mac? Pamilyar siya sa akin.."

Sabay kaming napabaling sa kasayawan pa rin ni Macsen na magandang babae. Magkasing tangkad lang yata kami at ang kinis ng balat niya. Ang itim ko siguro kung itatabi ako sa kanya.

"Another flavor of the month? Hindi ka na sanay sa mga 'yan..." sagot ni Suzie.

"Parang hindi. Parang napapadalas ko silang napapansin na magkasama. Baka sila na?" sabat naman ni GG.

Kung sabagay, bagay naman talaga silang dalawa.

"Ayoko sa kanya. Palaging nachi-chismis na paiba-iba ang lalaki. Ewan ko ba riyan kay Mac at natipuhan niya 'yan..." ani Zella.

"Chismis na naman? Hey, Karens. Nasa club po kayo. Dinamay n'yo pa si Prospy..." biglang sabat ni Elton na nakalapit na pala sa amin. "Balik na kayo sa ro'n. We'll go home in a few."

Bumalik kami sa table namin at naroon na si Macsen katabi ang babae. Nakikipag-usap siya sa kanila ni Taiden at Keion.

"Lumapit pa talaga..." dinig kong sabi ni Suzie sa likuran ko bago pa namin narating ang mesa.

"Hi! You must be, Zella? Taiden's wife?" aniya at inilahad ang kamay kay Zella na tinanggap naman.

Kilala niya ang lahat at nakipagkamayan siya sa kanila at huli ako. Nanliit ang mga mata niya sa akin.

"I don't recognize her..." alanganin niyang sabi na hindi ko naintindihan.

"She's Prospy...our friend," si Suzie ang sumagot.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now