Kabanata 17

584 34 5
                                    

Napunta sa gilid ang mga mata ko at napakunot agad ang noo. Anong sinasabi nila? Paano niya magiging asawa 'yan eh, hindi ko minsan nakita 'yan sa bahay ni Macsen at kahit sa mga party ng mga kaibigan n'ya?

Tiningnan kong ulit sila Macsen at huli kong nakita ang paghawak ni Macsen sa braso ng babae bago tumango dito saka umikot ang mga mata. Parang hinahanap ako- at nang makita ay agad naglakad palapit sa akin.

Hindi ko siya sinulyapan habang palapit sa akin. Sa halip ay nagtingin tingin ako sa paligid. Kunyare hindi ko sila napansin noong babae.

"Hey," aniya at hinawakan ang siko ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya, gano'n din ang ginawa ko.

"Uhm...tapos ka na magbayad?" tanong ko kahit iba naman talaga ang gusto kong itanong.
Asawa mo ba talaga 'yon? Tanong ko sa kanya sa isipan ko. Pero naisip ko, anong karapatan kong magtanong? Wala.

Lumingon ulit siya sa cashier. "Yeah. Sa bahay na tayo maghintay..." tumango ako saglit na napalingon sa mga nag-uusap kanina sa likuran ko. Hindi nakalagpas sa akin ang mga mapanghusgang mga mata nila habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Pareho silang nakangiti. Ngiting hindi nakakatuwa.

"Are you alright? Ang tahimik mo..." aniya habang naglalakad kami palabas ng tindahan. Bumagsak ang mga mata ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Wala sa sarili kong hinablot ang kamay ko at tiningnan siya. Napatagil siya roon saglit bago makahulugang tumitig sa akin.

"Ayos lang naman ako. Umuwi na tayo at tutulong pa tayo sa pagdiskarga..." sabi ko at nauna nang lumakad.

Narinig ko sa likod ang pagtawa niya. Gulat ako nang biglang sumilip siya medyo malapit pa sa mukha ko.

"Magdidiskarga ka? Sigurado ka?" aniya at pabirong tinitingnan ang katawan ko.

Masungit ko siyang binalingan ng tingin. "Bakit? Sa tingin mo hindi ko kaya? Nakalimutan mo na kung saan ako galing?"

Tumaas ang isang kilay niya at napahinto kami sa paglalakad. Nasa harapan na kami ng sasakyan.

"No. But did you think I'd let you do those things?"

Tumitig lang ako sa kanya, salubong ang kilay ko. Asawa mo ba talaga ang babaeng iyon? Tanong ko ulit sa utak ko.

"You're thinking too much," sabay mahinang tapik niya sa dulo ng ilong ko.

Pagkarating namin sa bahay n'ya, tahimik lang akong nanunuod ng TV habang hinihintay ang mga gamit na mai-deliver. Abala naman siya sa cellphone niya. Hindi ko makuha ang pinagsasabi n'ya. Masyadong mabilis ang pagsasalita n'ya at puro english pa. Hindi pa kaya ng utak kong mai-translate ang ganoon kabilis na pagsasalita.

Ilang sandali pa, dumating na nga ang mga gamit at parang hindi n'ya iyon namamalayan dahil abala siya sa kausap. Dalawang lalaki lang ang pabalik balik sa pag-akyat baba para dalhin ang mga pinamili namin kaya napagpasyahan kong tumulong. Bumaba rin ako.

Nakita kong nahihirapan silang ibaba ang isang lampshade kasi halatang mabigat iyon kaya nagmadali akong alalayan sila. Pareho pa silang nagulat nang bigla akong lumapit sa kanila at tinulungan sila sa pagbubuhat noon.

"Naku ma'am! Kami na po ang bahala! Masyado pong mabigat ito ma'am..." sabi noong isang lalaki na tingin ko'y kasing tanda na ni ama.

"Oo nga po, hindi n'yo na po kami kailangang tulungan dito, ma'am..." anang isa pang lalaki.

Walang ideya ang mga lalaking 'to kung gaano ako kasanay magbuhat ng mga mabibigat na bagay. Hindi nila alam kung saan ako lumaki at paano ako lumaking batak sa pagbubuhat ng mabibigat.

"Kayang kaya ko po 'to..." sabi ko at hindi sila naniwala. Ilang beses pa nila akong kinumbinsi pero hindi naman ako nakinig hanggang sa makarating na kami sa taas.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now