Kabanata 13

588 25 2
                                    

Tumikhim siya at napalunok naman ako. Nagbabasakaling malunok ko pati ang kaba sa dibdib ko. Napatingin ako sa repleksiyon namin sa pintuan ng elevator. Nagkatinginan kami. Mariin ang titig niya na para bang mawawala ako sa paningin niya kapag kumurap siya.

Nag-iwas ulit ako ng tingin, napatingin sa paa ko. Pinapakalma ang sarili upang maayos na makapagsalita.

"Sorry, ulit..." sabi ko at napatingin siya sa akin hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Sorry kasi, na misinterpret ko 'yong sinabi mo sa akin. Pasensiya na rin sa...pagtataas ko ng boses sa 'yo."

Ang misinterpret ang unang-una kong itinanong kay Miss Jo noong unang araw ng klase namin kung ano ba ang ibig sabihin no'n.

Tumango siya ng dahan-dahan.

"I'm sorry, too."

Tumaas ang isang kilay ko. "Wala ka namang dapat ihingi ng sorry," sagot ko.

Hindi niya dapat ihingi ng tawad ang pagmamalasakit niya sa akin.

"I'm still sorry. I think I'm bad at choosing the right words that's why I usually get misinterpreted."

Napahinga ako ng malalim. "Sa tingin mo naintindihan ko lahat 'yon? Hinay hinay muna sa ingles, puwede? Dalawang linggo pa po akong nag-aaral," pabiro kong sabi.

"Po..." ulit niyang sabi sabay bahagyang ngumiti.

Hindi ko alam kung bakit siya nakangiti. Pero dahil doon, nawala ang kaba sa dibdib ko at ngumiti rin ako sa kanya.

Pumunta kami sa bilihan ng gamot at siya ang nagbayad. Siyempre, wala naman akong pera. Siguro, pagdating ng panahon, ililibre ko na lang siya ng kahit anong gusto niya. Sa ngayon, aasa na lang muna talaga ako sa libre para mabuhay dito sa siyudad.

Bumalik naman kami agad sa taas at nang malapit na kami sa unit niya, nagdadalawang isip akong tanungin siya kung...kailangan niya pa ba ako.

Ginawa ko pa rin.

"Uhh..." panimula ko. "Kailangan mo pa ako? Diyan?" Itinuro ko ang dala niyang gamot.

Ilang segundo pa bago siya nagsalita. "I'll be..." tumikhim siya. "Ayos lang ako. Pero may gagawin ka ba?"

Umiling ako at ngumiti. "Mayro'n akong assignment. Pero puwede ko namang gawin iyon mamaya."

"Bring them here," aniya.

"Huh?"

"Your assignment. Gawin mo na lang dito."

Napanganga ako nang bahagya at naitikom ko naman ulit ang bibig ko sabay ngiti at tango. Sumasang-ayon sa sinabi niya. Mabuti na rin iyon para makapagtanong ako sa kanya kung kailangan ko ng tulong sa assignment ko.

"Kunin ko lang...assignment ko," sabi ko at tumango siya.

Kinuha ko nga ang assignment ko at uminom pa ako ng dalawang basong tubig. Bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko ngayong babalik na naman ako sa unit niya.

Maayos naman na kami kaya bakit ba ako kinakabahan? Ganitong ganito rin ang nararamdaman ko kapag kaharap ko siya. Mas malala pa nga kapag kausap ko siya. Hindi kasi ako komportable sa mga titig niya.

Tinititigan naman ako ni Elton at ng iba pa niyang mga kaibigan. Pero hindi ganito ang nararamdaman ko. Wala akong maramdaman sa mga titig nila sa akin. Talagang sa kanya lang.

Isang hingang malalim bago ako pumasok sa loob ng unit niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Nasa mesa sa harapan ang plastic na may laman na gamot. Wala akong makitang baso.

Love and Hate Collide Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu