Kabanata 11

608 29 3
                                    

Mabilis akong nakapasok sa kwarto at nahiga agad sa kama. Nagtago sa ilalim ng kumot. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Bakit ko pa kasi tiningnan 'yung nasa pulso niya? Sinipa sipa ko ang hang in sa sobrang inis sa sarili.

Kinaumagahan, handa na ako. Nakapaligo na, nakabihis na rin. Pero ito palakad-lakad pa ako sa loob ng kwarto ko dahil nagda dalawang-isip akong lumabas. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng masyado.

Kung nagising man siya dahil sa nangyari, aakalain niya lang na nananaginip lang siya 'di ba? Dahil mabilis naman akong nakatakbo pabalik sa kwarto ko. Tama, iyon ang iisipan niya. Kaya kinalma ko ang sarili ko bago pa ako nagbalak na lumabas ng kwarto.

Isa pa, hindi naman kami nakatira sa iisang bahay, kaya bakit ako kakabahan? Puwede ko namang e lock ang pinto nang sa gano'n hindi siya makapasok.

Pinapakiramdaman ko ang paligid habang naglalakad papuntang sala. Napahinga ako many malalim dahil wala na siya sa puwesto niya kagabi. Pumunta agad ako sa pintuan para e lock iyon nang sa gano'n, kapag papasok siya at lock iyon, aakalain niyang gusto kong mapag-isa.

Hahawakan ko pa sana ang pintuan nang saktong bumukas iyon. Hindi ko aakalain ang iniiwasan kong mangyari...ay nangyayari na.

Pilit ko pa ring isinara ang pinto kahit nasa harapan ko na si Macsen. Pero hindi ako nagtagumpay. Mabilis niyang naipasok ang kamay niya kaya tumama ang pinto sa bisig niya pagkasara ko. Namilog ang mga mata ko sa nangyari dahil alam kong malakas ko iyong naitulak!

"Patawad... patawad," sabi ko at agad hinawakan ang bisig niya kung saan tumama ang pinto. "H-Hindi ko sinasadya. Patawarin mo 'ko..." kinakabahan kong sabi habang hinahaplos ang bisig niya. Hinahayaan niya lang ako sa ginagawa.

"Why did you slam the door at me?" tanong niya. Inis akong napa angat ng tingin sa kanya.

"Mag tagalog ka," utos ko.

Napatingin siya saglit sa gilid ko bago sa akin. Nanunusok ang tingin parang mangangain pero nakita kong dumaan sa mukha niya ang pagtataka.

"Pagsasarhan mo 'ko ng pinto?" aniya at salubong na ang kilay. Tonog galit din.

Napabukas ako ng bibig saglit at tinikom agad sabay lunok. Mabilisang nag-isip ng rason.

"A-Ano...hindi kita..."

"Nakita?" dugtong niya.

Umiling ako sabay lunok ulit. "N-Nagulat kasi ako. Oo 'yon. Nagulat ako kaya...isinara ko...agad."

Tinitigan niya ako na para bang binabasa niya ang mukha ko. Napatitig din tuloy ako sa kanya. Sa mga mata niyang malalim, sa pilik-mata niyang makapal at mahaba. Sa ilong na sobrang tangos. Sa labi na mamula-mula at sa panga niyang gustong-gusto ko ang hubog.

"Anong ginagawa mo sa pintuan? Saan ka na naman pupunta?" tanong niya. Akala niya ba aalis ako? Dahil nasa pintuan ako? Hindi ba puwedeng ila-lock ko lang para hindi siya makapasok?

Isipin mo, may-ari ng bahay ang ayaw kong papasukin.

Tumalikod ako at napapikit. Nag-iisip ng palusot. Alangan namang sabihin ko sa kanya na ayaw ko siyang papasukin 'di ba?

Narinig ko ang paglalakad niya at pagsarado ng pinto. Napaharap ulit ako sa kanya. May naisip na palusot.

"Sa baba sana. Bibili ng...pagkain," ayos na naman siguro 'yong palusot ano?

Walang ekspresyon ang mukha niya at sinundan ko ang nga mata niyang napunta sa mga kamay ko. Anong tinitingnan niya?

"Nasaan ang card ko? Bakit hindi mo dala kung gano'n?" nakataas kilay niyang tanong at nalunok ko yata pati hininga ko. Bakit hindi ko naisip 'yon?!

Love and Hate Collide Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon