Kabanata 4

705 29 7
                                    

Kumakaway na sila sa akin kaya kumaway rin ako pabalik. Nasa gitna sila ng ilog at nagtatampisaw habang nasa malayong gilid sa kabilang dako si Mac pinapanunuod lang sila. Si Wewe naman ay hinintay ako at nakaupo lang siya sa bato.

Umupo ako sa tabing bato at pinanuod na rin sila sa paliligo. Siniko naman ako ni Wewe bigla kaya napabaling ako sa kanya.

"Hmm?" sabi ko, nagtatanong.

Lumungkot ang mukha niya. "Ito na muna huling araw na magkasama tayo. Matagal pa siguro bago matapos ang pag-aaral, 'no?" aniya sa isang malungkot na boses.

Ako man din ay nalulungkot sa pag-alis. Pero kung hindi ko 'to gagawin, walang magiging magandang bukas ang tribu namin. Hanggang dito na lang kami. At ayoko ko 'yong mangyari. Gusto kong ituloy ang naumpisahan ni ina noon.

Inakbayan ko siya at pagilid na niyakap, idinikit ko ang gilid ng mga noo namin.

"Huwag ka nang malungkot diyan," kahit sa loob ko gusto ko nang maiyak. "Kahit ano'ng matutunan ko do'n, makain, makita at ano pa, ibabahagi ko sa inyong lahat 'yon lalo na sa 'yo! Kaya, antayin mo 'ko Wewe..."sabi ko at nanunubig na ang mga mata. Mamimiss ko sila ng sobra pati na si ama lalo na si Wewe. Siya ang matalik kong kaibigan dito sa amin.

Malamig na simoy ng hangin galing sa bukid. Malapit na ang pagputok ng liwanag at araw na ito ng pag-alis ko sa kinagisnan kong lugar. Wala pa man, sobrang bigat na nang loob kong iwan sila dito. Pero alam kong magiging maayos lang sila kahit wala ako. At sisiguraduhin kong sa pagbabalik ko, mas magiging maayos pa sila.

Maagang nagising ang lahat para ipaghanda ang pag-alis namin. Habang si Wewe, kahit ano'ng tago niya sa mga mata niya, naluluha talaga. Kaya napapabaling na lang ako sa ibang dako dahil naiiyak na rin akong makita siyang naiiyak na.

Nag-agahan kaming lahat at hindi na sila nag aksaya ng oras pa at handa nang umalis. Mas lalo pang dumoble ang bigat sa dibdib ko. Yumakap na sa akin ang mga bata at nagpaalam na rin ako sa mga matatanda bago ko nilapitan si Wewe na pulang-pula na ang mga mata.

"Tumigil ka nga sa kakaiyak diyan," pagbibiro ko sabay hatak nang bahagya sa buhok niya. Bigla niya akong niyakap at humagolhol na. Tuluyan na ring nahulog ang luha sa mga mata ko.

"M-Mag-iingat ka do'n h-ha... Kahit h-huwag mo na akong turuan, bumalik ka lang nang maayos Prospy, ayos na 'yon..."

"Oo, pangako mag-iingat ako," sagot ko at sobrang sikip ng dibdib ko.

Kumalas siya sa yakap at nang magkatinginan kami, nagtawanan pa kami na parang mga sira.

"Makakahanap ka do'n ng mga bagong kaibigan..." sabi niya pa at parang tonog nagtatampo. Tumango ako.

"Oo...Pero ikaw lang ang nag-iisang matalik kong kaibigan, Wewe. Pangako 'yan."

Huli akong nagpaalam kay ama na nasa tabi lang din ni Wewe. Yumakap siya sa akin at walang salitang lumalabas sa bibig namin. Imbis na malungkot ako, para yatang mas gumaan pa ang loon ko nang niyakap ako ni ama.

"Umuwi ka kung hindi mo na kaya anak..." ang tanging sinabi ni ama at tumango ako.

Pinaandar na ni Keion ang sasakyang panghimpapawid at halos nasa loob na silang lahat maliban kay Elton at Mac na hinihintay ako.

Kumaway pa ako ng isang beses sa kanila at isa-isang tiningnan ang mga mahal na maiiwan ko. Hindi ko na mahagilap si Wewe kung saan bago pa ako tumalikod at tuluyang naglakad palapit sa kanila ni Elton.

Naunang pumasok si Elton sa loob at nang nasa harap na ako ng pinto, isang beses pang lingon bago ko tinanggap ang nakalahad na kamay ni Mac sa akin. Nang saglit ko siyang tingnan, napatitig lang siya sa akin at pumasok na ako sa loob.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now