Kabanata 16

632 30 4
                                    

"For example, the word love. It can be a noun or a verb. Depende 'yon. Kaya pag-aralan mong mabuti ang mga samples na ibinigay ko sa 'yo tungkol sa noun and verb, okay?" paliwanag ng guro ko.

Isinulat ko sa notebook ko ang lahat ng isinulat niya sa whiteboard. Uulit-ulitin ko 'yon para hindi ko makalimutan. Malaking tulong din na nag-iingles ang guro ko para raw masanay pa ako.

Natapos nang maayos ang klase ko ngayong araw nang maaga kaya maaga akong nagluto para sa sarili. Naglaga ako ng sinigang na baboy. Unang beses ko itong natikman ay nagustuha ko na agad. Iyon nga lang, hindi ko pa matansiya king gaano karami dapat ang lulutuin. Napasobra na naman.

Napahinga ako ng malalim habang tinitingnan ang sinigang sa tupperware. Balak ko itong ihatid sa kabila pero nag-aalangan ako. Hindi ako komportableng makita siya ngayon na ewan. Hindi ko maintindihan! Pero sa huli, kaysa masayang ito, inihatid ko pa rin.

Isang katok, dalawa... tatlo.

Bumukas ang pinto at bumagsak agad ang paningin niya.

"Um...sobra kasi ang niluto ko," sabi ko nang matingnan niya ang dala ko. Naka damit pang-alis siya. Baka kararating lang niya o aalis pa lang?

Tinanggap niya naman ito. "What is this?"

"Sinigang," sagot ko agad at bahagya siyang napatigil. Hindi ko alam pero nag-iba ang ekpresyon ng mukha niya.

Tumango siya. "Alright. Thanks..." tumango ako at aalis na sana pero lumipad ang mga mata ko sa bintana niya. Hindi ko mapigilan ang sarili. Binabagabag talaga ako sa bagay na ito.

"Ayaw mong bumili ng kurtina? Ang lungkot ng bahay mo..." sabi ko at napatingin siya kung saan ako nakatingin bago ibinalik sa akin. Madilim ang balik ng titig niya. Ayaw niya yatang pinapakealaman siya o ang bahay niya.

Dahil sa kaba ko, tumalikod na ako agad. Napairap ako sa inis sa sarili. Bakit ko ba pinapakealaman siya? Eh, bahay niya 'yan. Buhay niya 'yan, kaya bahala siya.

"Gusto mong sumama sa akin ngayon?" biglang tanong niya kaya napalingon ako ulit. Nakalabas na siya sa pintuan.

"S-Saan?"

Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "To buy curtains..." mahina pero diretso niyang sagot na para bang nahihiya siyang sabihin iyon.

Hindi ko alam pero ang laking tuwa ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon. Ilang tango sabay ngiti ang ginawa ko. Dumaan ang saglit na ngiti sa labi niya. Sa sobrang bilis no'n, hindi ko alam kung ngiti ba talaga iyong nakita ko.

"Alright. I'll eat first. Pupuntahan kita pagkatapos. Magbihis ka na..." sabi niya at hindi na ako nag- atubili pang umuwi agad.

Hindi ko maipaliwag ang sayang nararamdaman ko pero ang isiping bibili kami ng kurtina para sa bahay niya ay nangangati na akong mamili. Gustong-gusto ko ang mag disenyo ng mga gamit sa bahay. Iyon ang palagi kong pinapanuod sa laptop.

Ilang minuto ang lumipas at may kumatok na ng dalawang beses sabay bukas ng pinto. Si Macsen, suot ang magandang pantalon at damit. Naka sombrero rin siya ng itim. Lumakad na ako palapit sa kanya, nilagpasan siya. Dahil pakiramdam ko ang init ng pisngi ko.

Kakapasok lang namin sa elevator at simula nang umalis kami sa bahay ay walang nagsalita sa aming dalawa. Pa saglit saglit naman ang tingin ko sa repleksiyon namin sa pinto ng elevator. Nagkakasalubong pa kami minsan ng tingin. Tumikhim ako.

"Don't you like me?" biglang tanong niya na nagpagulat sa akin. Pero mas nakakagulat ang tanong niya! Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang tingin niya sa akin, naghihintay ng sagot ko.

Love and Hate Collide Kde žijí příběhy. Začni objevovat