Kabanata 24

615 30 12
                                    

@Pedo
Hahahaha napaghahalataan amp!

@Pedo
Bakit umalis si Macsen, guys? - GG here 😅

@SazieBabe
Probably cuz of your annoying husband? @Georgy ☺️

@Dale
I got a hot tea guys! 🤭

@Pedo
🤐

@SazieBabe
'Yan! Dapat naka zipper talaga 'yang bibig mo @Pedo 😊 At hayaan 'yong nag leave! Huwag e-add ulit! Napaka OA 🙄

@osMozes
Chismoso. Ano ba 'yon, dude? @Dale

@Dale
The monster has finally been tamed! @Keion hahahahahaha

@Keion
Fuck off

Basa lang ako nang basa sa pag-uusap nila sa group chat at nagbabakasakaling bumalik si Macsen. Pero hindi naman 'yon makakabalik kung walang mag-a-add sa kanya ulit sa grupo.

Nilagay ko na lang ang cellphone sa round table at nag desisyong maligo dahil may klase pa ako ngayon. Isa pa, bago na ang guro ko ngayon na magtuturo sa akin. Sana lang talaga kasing bait niya si Miss.

Nag-agahan na muna ako bago naligo at saka pa nagbihis. Naka shorts na maong lang ako at puting T-shirt. Nagbasa na rin ako pagkatapos para maalala ang huling topic ni Miss. Sabi pa niya malapit na akong makapagtapos at magko-kolehiyo na ako at papasok na ako sa totoong paaralan. Iniisip ko pa lang 'yon ay kinakabahan na ako, inaalala ko na baka hindi ako makasabay sa mga kaklase ko, o hindi naman kaya ay ayawan nila ako kapag nalaman nila kung saan ako galing.

Dahil na rin sa pagse-search sa internet, nalaman kong hindi kadalasang positibo ang nakukuha ng mga taong estranghero sa lugar nila. Masasabing isa akong estranghero dahil hindi naman talaga ako taga siyudad. Pero kahit ano pa man, iisipin ko na lang na walang akong pakialam sa sasabihin nila o kung ano ang tingin nila sa akin. Nandito ako para sa mga ka tribu ko. Walang puwang sa akin ang matakot.

Tumunog ang doorbell at natigil ako sa mga naiisip. Tumayo na ako agad. Baka ang guro ko na 'yon! Nagmadali ako sa paglalakad at binuksan na agad ang pintuan.

"Hi."

Nagpakurap-kurap ako. Teacher ko 'to?! Hindi ako makapaniwala. Ang guwapo niya at ang tangkad. Tinikom ko ang bahagyang nakangangang bibig dahil sa pagkamangha.

"Prospy, right? I'm your senior high school teacher," ngumiti siya. "I'm Theo," sabay lahad niya sa kamay niya. Agad ko naman iyong tinanggap. Hindi ko inakalang lalaki pala ang bago kong guro.

Yumuko ako nang bahagya bilang respeto. "Hello po sir, Theo," sabi ko habang hawak ko pa ang kamay niya.

May sasabihin pa sana si sir Theo nang may tumikhim sa gilid niya kaya napatingin kaming pareho doon at nakita ko agad ang madilim na mata ni Macsen na may dalang laptop sa kamay. Tumitig siya kay Theo bago lumipat sa akin ang titig niya, hindi nawawala ang dilim nito.

Wow. Magka-singtangkad yata sila at parang may pagka. . .hawig? Pero bakit muna ganyan na naman ang mukha niya?!

"My aircon is broken. I cannot work because of heat," lumipat ang tingin niya kay sir Theo. "Sa unit mo ako magta-trabaho," giit niya at pairap na tumingin sa akin galing kay sir Theo.

Napairap din tuloy ako. Ang aga-aga tapos ganyan siya! Hindi ko na lang siya papansinin at baka hindi pa ako makag focus sa klase.

Pinapasok ko na sila at siyempre, kahit ayaw kong dito mag trabaho si Macsen, pero sino naman ako para pagbawalan siya? Pag-aari niya itong tinitirhan ko at baka ako pa ang mapalayas niya kapag nag-inarte ako.

Kadalasan, sa kabilang kwarto kami ni Miss nagka-klase. Nilagyan kasi 'yon ni Macsen ng study table at mga libro para raw pribado at walang ingay. Kahit wala naman talagang ingay na maririnig sa sala dahil kaming dalawa lang naman ang nakatira dito sa itaas.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now