Kabanata 25

672 27 2
                                    

Kahit pa man hirap na hirap ako sa puwesto namin ay nagawa ko pa rin siyang paalisin. Kahit ginusto ko ang ginawa niya. Oo aaminin ko. Gusto ko! Pero hindi sapat iyon para tuluyan ko siyang papasukin sa buhay ko.

Sobrang magka-iba kami ng mundo. Sobrang layo ko sa kanya at sa mundong ginagalawan niya. Natatakot ako at baka hindi ko kayanin ang mundo niya.

Una pa man, ang gusto ko lang ay makapagtapos ng pag-aaral at ako na rin ang magtuturo sa kanila nang sa gano'n ay kapag pumupunta sila ama sa bayan o kung sino sa amin ay hindi na basta- bastang niloloko.

Isang beses nang maalala kong bumaba sa bayan noon sila ama dala ang limang sako ng kamote pero ang dala nila pabalik isang supot ng isda na pula na ang mga mata at hindi na nakain dahil mabaho na ito nang makarating sila sa amin. Hindi ko ipinakita sa kahit na sino ang galit ko noon sa taga bayan dahil sa panloloko nila kay ama at sa mga ka tribu ko. Hindi man lang sila naawa sa bigat ng dala nilang kamote at pinalitan lang ng bolok na isda na kahit asong gubat ay hindi kinain.

Kaya para sa aming lahat itong pagsusumikap ko. Hindi naman kasama sa plano ko ang...umibig sa isang taga siyudad na hindi ko pa lubusang kilala.

Oo, mabait si Macsen sa akin. Minsan hindi ko maintindihan ang kilos niya, ngayon lang mas naging...malinaw. Malinaw na palaging nagseselos!

Naghanda na ako para sa gaganapin na party. Wala pa akong ideya kung saan o kung anong klasing party iyon dahil pinaalis agad ni Macsen si Elton kagabi. Ngayon, hindi ko alam kung alin sa mga damit ang susuotin ko!

Napahawak ako sa baba ko habang tinitingnan ang closet. Naisip ko bigla na maghanap na lang sa internet ng puwedeng isuot sa mga parties. Agad kong kinalikot ang cellphone ko at naghanap roon. Marami nga naman akong nakita at kahit wala ako noong mga iksaktong damit na nakita ko, mayro'n namang medyo kapareho ang disenyo kaya iyon na lang ang pinili ko.

Isa 'yon sa mga pinamigay ni Zella. Hanggang tuhod lang ang haba no'n at ang kabilang hibla ay medyo lagpas tuhod at tatsulok ang disenyo. Kulay kape iyon at ipinagpasalamat ko iyon dahil medyo tumingkad ang kulay ko. Malamig siya na uri ng tela at hindi mainit. Medyo manipis siya pero hindi naman kita ang looban ko. Makikita din kaunti ang maliit na bahagi ng balat ng dibdib ko.

Ang hirap pala kung wala sila Zella! Paano ngayon 'tong makeup ko? Kailangan ko pa ba 'yon? Pero naka makeup lahat ng babaeng nakita ko sa internet na may damit pang party.

Nag-isip pa ako nang maalala ang ginawa ni Zella sa akin dati sa bahay niya. Hindi ako namili ng makeup dahil binigyan na ako ni Suzie at ang dami no'n! Ni hindi ko alam para saan 'yong iba.

Hinanap ko doon ang lipstick at napili ko ang kulay na mas dark kaysa sa suot kong damit. Pinagbabasa ko lahat ng mga kinuha ko para malaman ko kung para saan ang mga iyon. Naglagay ako ng kainting blush on at. .. tapos na. Nagustuhan ko ang resulta at napangiti sa salamin. Sa huli ay naglagay na ako ng hikaw na galing pa rin kay Suzie. Bumagay iyon sa damit ko at tuwang tuwa ako para sa sarili.

"You look beautiful."

Napaigtad ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Hindi naman katapat ng salamin ang pinto kaya hindi ko kita kung sino man ang nasa pintuan!

Nakahalukipkip, nakasandal sa pader ng pintuan at naka krus ang mga paa. Suot ay magandang damit. Maayos naman na siyang manamit pero...kakaiba ngayon. Ang guwapo niya.

"Puwedeng kumatok ka naman sa susunod? Hindi 'yong bigla bigla kang nagsasalita diyan," sabi ko at humarap ulit sa salamin sabay buga ko ng hangin.

Kalma, Prospy. Araw araw mo nakikita ang mukhang 'yan. May imamangha ka pa?!

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now