Kabanata 15

560 25 6
                                    

Malalim na hinga ang ginawa ko bago siya binalingan. Hindi na siya nakasandal. Nakaisang hakbang na pala siya palapit sa akin. Naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya tumango lang ako.

Yumuko siya saglit bago inangat ang mukha. "I...um...I'm sorry..." aniya. Para saan ang sorry niya?

"Sa alin?" tanong ko at tinitigan siya nang maiigi. Nakikita kong nahihirapan siyang magsalita na para bang ganoon kahirap ang gusto niyang sabihin sa akin.

"Sorry for the last time. It was rude of me to do that to you..."

Bawat mga salitang sinabi niya ay inisip ko ang inig sabihin no'n. Hindi ko na yata siya mapipilit na mag tagalog para sa akin. Pero bukod sa lahat, ang paghingi niya nang tawad ang hindi ko maintindihan. Alin doon ang hinihingan niya ng tawad.

"Nandidiri ka sa akin?" diretsa kong tanong at kitang-kita ang gulat sa mukha niya.

"What?"

"Pinaalis mo 'ko matapos mo akong halikan. Hindi mo sinabi sa akin kung bakit. Nakakaintindi ako, Macsen. Pero pakiramdam ko, minamaliit mo ako dahil ganito lang ako at kung saan ako galing."

Kumunot ang noo niya at humakbang ng isa pa. "What are you talking..."

Itinaas ko ang daliri ko, hudyat na pinapatigil ko siya sa pagsasalita.

"Huwag na huwag mo na ulit akong hahalikan kong wala kang balak na mabuti. Hindi basta-basta hinahalikan ang isang babae- lalo na ang mga katulad ko. Simple lang kaming mag-isip. Ayokong isipin na may gusto ka sa akin..." agad akong tumalikod at iniwan siya roon.

Matagal kong kinimkim sa loob loob ko ang mga salitang iyon. Kung hindi ko lilinawin at sasabihin sa kanya kung anong nasa utak ko, baka gawin niya ulit. Sabi nga ni Elton, babaero siya. Kung sino sino lang ang mga babae niya. Kaya naisip ko, baka itulad niya rin ako sa kanila. Ayaw ko no'n.

"Tagal mo, ah?" bating tanong sa akin ni Amalia pagkabalik ko sa mesa. Wala ang iba, nasa sayawan at ang iba hindi ko makita. Napansin niya ang paglingon ko sa paligid.

"Umuwi na ang mga may obligasyon sa buhay. Tayong it's complicated na lang ang natitira," sabay tawa niya at inom.

"It's complicated?"

Tumango siya at ngumisi. "Parang jojowain pero hindi pala," tumawa siya ulit. Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya. Kung ano ang tinutukoy niya.

"Alam mo, ang tagal na namin. Ang tagal na naming walang label. Tanginang 'yan at ito, narito pa rin ako! Masokista yata ako puta..." natatawang sabi ni Amalia at napainom siya ulit.

Magkaiba ang nakikita kung sakit mukha sa tawang ipinapakita niya.

"Ayaw mong iwan?" tanong ko sa kanya at nag-iwas siya nang tingin. Paano niya nakakayang manatili kung nasasaktan lang pala siya? Hindi ko yata kaya 'yon. Kahit na, hindi ko pa man ito nasusubukan. Nakakatakot ring sumubok.

"Eh, sa siya rin ang saya ko. Kaya paano ako aalis?"

Tumakbo ang mga salitang 'yon ni Amalia sa utak ko hanggang sa nakauwi na ako. Siya ang naghatid sa akin pauwi at marami pa kaming napag-usapan. Kulang na lang umiyak siya habang nagmamaneho. Hindi ako sigurado kung totoo ba kaya iyong mga sinasabi niya o baka lasing lang talaga siya.

Naisip ko, kung ako ang nasa sitwasyon niya mananatili kaya ako sa taong dahilan ng sakit at kasiyahan ko?

Nilagok ko ang tubig at hinugasan ang baso bago inilagay ulit sa lalagyanan. Nakapagpalit na ako naka damit pang tulog na rin. Napatingin ako sa repleksyon ko sa pinto ng ref. Ternong kulay pula na sedang pantulog ang suot. Ginamit ko pa ang headband na bigay ni Suzie sa akin noong nakaraan ma pumunta sila dito. Disenyong teynga ng pusa iyon na kulay itim.

Love and Hate Collide Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang