Kabanata 3

694 32 4
                                    

"Stop talking nonsense..." iyon ang sabi ni Macsen na nagpatahimik sa nang-aasar na si Elton.  Umalis naman palayo si Macsen papunta sa lamesa.

"Kumain na tayo..." anyaya ko sa kanila.

"Ang saya naman! Para tayong nagka-camping lang," masayang sabi ni Amalia.

"Yeah, it would be better if I had someone on my tent..." bulong-bulong ni Mozes pero sakto lang para marinig naming lahat. Napatingin tuloy kami sa kanya pero kay Amalia ang tingin n'ya na hindi man lang siya binalingan at naglakad na palayo.

"Burn into ashes, dude..." natatawang sabi ni Elton at pinanlisikan siya ng mata ni Mozes.

Kumakain na ang lahat at kung ano ano na ang pinag-uusapan. Ang mga lalaki ay hindi ko halos makuha ang pinagsasabi nila dahil sa hindi ko pa naiintindihan ang lenggwahe nilang gamit.

"Kailan pala tayo uuwi? Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. You too, Zella, right?" si Suzie iyon na tinanguan naman ni Zella. Dahilan kaya napabaling sila sa akin.

"Makakasama ka na ba namin pabalik? O puwede namang ipakuha ka na lang namin kay Keion dito..." ani Zella.

Ngumiti ako sa tuwa dahil makakasama na nila ako sa pag-alis. Hindi ko na nga mapigil ang kaba sa dibdib ko na halo-halo na.

"Makakasama na ako sa inyo...pumayag na si ama," malumanay kong sabi at saglit napunta ang mga mata ko kay Macsen na saglit ding napatingin sa akin at nagpatuloy na lang sa pag-kain.

"Great! But wait..." napatigil si Suzie. "Kanino siya titira?" aniya at hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil  pakiramdam ko pabigat lang ako sa kanila. Sila na nga tutulong sa pag-aaral ko, pati pa matitirhan ko.

"We could get her her own unit," ani Dale at nagtinginan sila.

Napailing si GG. "Hindi puwede. Hindi n'ya pa kabisado ang lugar at mga kagamitan doon. Kaya dapat may kasama siya..."

"Oo nga naman. So paano 'yon?" si Suzie.

"Sa amin na lang muna siya. Total naman, bakante na ang kwarto na ginamit noon nila GG. Puwede siya ro'n. At isa pa, para na rin may iba pa kami kasama sa bahay..." ani Amalia.

"Mas okay nga 'yon. Saka na lang siguro siya bubukod kung gusto na n'ya at kaya na niyang mag-isa..." dagdag pa ni Zella.

"P-Pasensiya na...sa abala," nahihiya kong sabi.

Kumapit sa braso ko si Zella at binigyan ako ng ngiti. "Hindi ka nakaka-abala at masaya kaming tulungan ka. Dahil para na rin naming tinulungan ang lahat ng mga ka tribu mo."

Hindi ko lubusang maisip kung gaano ako ka swerte na mapadpad dito sa amin si Elton. Siguro kung hindi nangyari sa kanya ang aksidente, baka hindi ko sila makikilala at hanggang pangarap ko na lang talaga ang lahat.

Matapos ang agahan, inanyayahan ko silang dalhin sa talon gaya ng plano ko. Maaga pa naman kaya hindi pa masyadong mainit sa paglalakad. Malalaki naman ang mga puno kaya ayos lang kahit mataas pa ang sikat ng araw.

Si Wewe lang ang sumama sa akin dahil may ibang ginagawa ang mga ka tribu ko.Hindi naman puwedeng matigil ang araw-araw nilang gawain para lang sa mga bisita namin.

Kailangan nilang magtanim at asikasuhin ang ibang halamang bumubuhay sa amin ng maraming taon. Doon lang kami umaasa kaya hindi maaring ito'y pabayaan kahit isang araw lang.

Naglalakad na kami at nasa hulihan kami dahil masyadong maliit ang madamong daanan para magkasya kaming lahat. Nakakaaliw naman si Elton dahil sigaw siya nang sigaw dahil sa tuwing sumisigaw siya, parang may gumagaya sa boses n'ya.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now