Kabanata 9

551 27 5
                                    

Kinabukasan, matagal akong nagising at nadatnan ko na lang ang pagkain sa mesa. Hindi na ako magtataka kung sino ang nagluto no'n. Kung sana, alam ko nang gamitin ang mga bagay dito sa kusina, e, 'di sana ako na nagluluto para sa sarili ko.

Habang kumakain, narinig ko ang pagtunog ng pinto, hudyat na mayroong pumasok.

"Prospy? Gising ka na ba?" boses iyon ni Amalia.

Nagmadali ako sa pagpunta sa may sala at nakita ko nga siya doon kasama niya pala si GG.

"Oh, andiyan ka pala. Nabalitaan namin ang nangyari kagabi. Ayos ka lang ba?" si Amalia sabay lapit nilang dalawa sa akin. Puno ng pag-aalala ang mga mukha nila.

"Ayos lang," sabi ko, nahihiya sa nangyari. "Dumating naman si Macsen bago nila ako ipa-police..."

"Police agad?! Hindi ka naman daw nagnakaw, ah! Iyon nga lang wala kang pera. Pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon para ipa police ka!"

"Hindi ka ba nila sinaktan? Iba kasi talaga dito sa siyudad, Prospy," ani GG.

Naintindihan ko naman, at alam kong mali ang ginawa ko. Pero kahit gano'n, ngayon alam ko na na hindi dapat ako magpadalos-dalos. Dapat magpaalam na ako kay Macsen.

"Hindi naman. Nandidiri lang sila sa akin dahil naka paa lang daw ako..." pagtatapat ko.

Nakita ko ang awa sa mga mata nilang dalawa. Lumapit pa sila sa akin at inakbayan ako ni Amalia. Nilagay niya rin sa teynga ko ang takas kong buhok.

"Huwag mong damdamin mga sinasabi nila, ha? Dahil may mas grabe ka pang masasamang maririnig na puna galing sa ibang tao. Malupit ang ibang tao dito, Prospy. Kaya, ihanda mo ang dibdib mo. Ano, laban? Para sa pangarap mo?"

Unti-unti akong napatango at napangiti. Lalaban ako para sa pangarap ko. Hindi ako magpapa apekto sa mga sasabihin nila dahil nandito ako para sa mga ka tribu ko at hindi para sa kanila.

Matagal pang namalagi ang dalawa sa bahay ko hanggang nag-aya raw ang mga kalalakihan na mag club. Ewan ko ba kung ano 'yon. Basta raw, sayawan at inuman. Hindi naman na bago sa akin ang sayawan dahil sa tuwing may maraming huli sila ama na baboy ramo, nagsasayawan kami.

Inayusan ako ni GG at Amalia saka pa nila ako sinama sa kanila ni GG. Umuwi pa kasi si Amalia at nagbihis. Kami naman ni GG ay dumiretso na muna sa bahay nila para kunin si Elton.

Hindi naman kami nagtagal sa kanila at nagtungo na agad sa club. Puro naman tukso ang inabot ko kay Elton na hindi ko naman sineryoso dahil kilala ko naman na siya. Mahilig talaga siyang magbiro.

"Hey, Prospy. Payong kaibigan, kapag mayroong makikipagkilala sa 'yo makipagkilala ka, ha? Tapos ganito ang gawin mo..." bahagya siyang lumapit sa pisngi ni GG at tawa naman nang tawa si GG.

"Siraulo ka talaga. Puwede namang makipagkamayan lang!" ani GG.

"Ah, basta! Gano'n dapat, Prospy, ha?" paniniguro niya pa kaya tumango na lang ako.

Pagkapasok namin sa club, nagulat ako sa lakas ng tonog sa loob at ang daming ilaw! Iba-iba pa ang kulay at para akong nahihilo dahil doon. Naninibago yata ako sa lugar.

Maraming tao at medyo mausok. Hawak-kamay kami ni GG at nasa unahan namin si Elton hanggang sa marating namin ang itaas na bahagi ng club. May tatlong mesang malalaki at mga upuan bawat isa.

Nasa gawing dulo ang mga kaibigan nila. Kumakaway pa nga sa amin si Zella.

"Hi! Kamusta? Nakarating sa amin ang nangyari. Okay ka lang ba?" agad na tanong ni Zella sa akin at tumango lang ako dahil abala ako sa bagong lugar na napasukan ko.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now