Kabanata 22

630 30 9
                                    

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Saka lang ako nagalaw nang lagpasan ako ni Macsen at nilapitan ang babae.

Humalik siya sa pisngi ni Macsen at may kung anong nahulog patungo sa tiyan ko. Nag-iwas agad ko ng tingin at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Isinara ko agad ang pinto ngunit hindi pa man iyon tuluyang naisasara, may naipit akong kamay!

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa lakas ng hampas ko sa pintuan pero sa isang kamay iyon tumama! Bumungad sa akin si Macsen na naabutan kong nakapikit at nanigas ang panga niya.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Galit kong sabi at kinuha agad ang kamay niya. Napaimpit siya roon. "Lagyan natin agad 'yan ng yelo!" sabi ko at hinila na siya sa papasok. Nakasunod lang siya sa akin habang hawak ko ang palapulsuhan niya.

Kumuha agad ako sa ref ng yelo at wala na akong panahong hanapin pa ang ice bag. Pinunit ko agad ang laylayan ng damit ko at nilagay doon ang mga yelo.

"You ripped your...dress," aniya at nagkasalubong ang tingin namin.

"Marami akong damit at hindi ko alam nasaan 'yong ica bag," sabi ko, naiinis.

Bakit niya ginawa 'yon?! Hindi niya ba naisip na puwedeng mangyari 'to sa kanya? At bakit mukhang okay lang sa kanya? Ni hindi man lang siya mukhang galit!

Marahan ko iyong idinidiin sa kamay niya habang nakahilig siya sa lababo. Nakatukod sa gilid ang isang kamay. At teka, nasaan ang asawa niya? Iniwan niya do'n sa bahay?

"You're thinking too loud, Prospy. I could almost hear you..." kalmado niyang sabi.

"Problema mo, ha? Trip mo bang pag-alalahin ang mga tao sa paligid mo? Paano kung nabalian ka? Aawayin ako ng...ng asawa mo!" Iritado kong sabi at napayuko. Hindi ko maintidihan kung bakit ganito na lang ang bugso ng damdamin ko. Naiiyak ako sa sobrang inis sa ginawa niya.

"Nag-alala ka?" tanong niya na parang hindi pa ako halata sa tono ng boses ko.

Pagalit akong napa-angat ng tingin at gulat siyang makitang nangingilid na ang luha sa mga mata ko. "Hindi naman! Nakikita mo naman 'di ba? Hindi naman!" sabi ko at pahaklit niya akong niyakap.

Kahit yakap yakap niya ako at ramdam ko ang init ng katawan niya ay hindi maalis sa akin ang inis sa nangyari.

"Hush. I'm fine, okay? This is nothing," malambing niyang sinabi at inayos ang nahulog kong buhok. Nilagay sa kabilang balikat ko. Dinig na dinig ko naman ang pintig ng puso niya...kagaya ng sa akin.

Napaatras ako at kumawala sa yakap niya nang maalalang, hindi niya dapat 'to ginagawa sa akin. Payakap yakap siya sa akin habang nasa bahay niya ang asawa niya? At bakit ba nandito siya? Ano bang kailangan niya na kaya niyang masaktan ng gano'n?

"Bakit ka ba nandito? A-Ayoko ng gulo...please, umalis ka na," mapait kong sinabi at ambang tatalikod pero nahawakan niya ako sa kamay.

Sa mga mata ko lang ang titig niya at lumalambot ang mga tingin niya sa akin. Ibang iba kanina sa club. Wala akong makitang bakas ng galit o kahit ano.

"I'm here...because you left me outside immediately."

Huh? Anong sinasabi niya?

"Pinauwi ko na siya. She was here to talk about something but it wasn't that important. Your face earlier made me do it..." aniya at napatingin sa kamay niya.

"Pinauwi? My face? Bakit? Ano ba ang mukha ko kanina? Bakit mas importante pa mukha ko kaysa sa makausap ang asawa mo?" Tuloy tuloy kong tanong, handa na para dito.

Pumikit siya ng mariin at napatingin sa taas na para bang ang hirap hirap sagutin ng mga tanong ko. Hawak niya pa rin ako sa kamay, walang balak bitawan iyon.

Love and Hate Collide Where stories live. Discover now