Chapter 1

199 9 0
                                    


"Ams, May bagong labas pala 'yung paborito mong brand ng bag at pabango. Ano dating gawi?" Makahulugang ngiti nito at siniko ako.

Sa totoo lang wala akong gana ngayon, hindi ko rin alam kung bakit.

"Ikaw na lang muna, Mich." Walang gana kong saad.

Nagulat ako sa ginawa ni Mich, bigla niya kasing inilapat ang kaniyang palad sa aking noo.

"Hoy! May sakit ka ba? Alam mo ngayon ka lang nagkakaganyan eh,'yung totoo Amara Eloise, gumagamit ka ba?Omg ka girl! Ano ba 'yang pinasok mo- " Pinutol ko ito.

"Can you stop for being so paranoid and oa ? Wala lang talaga akong gana ngayon at saka may iba pa namang araw para diyan eh, huwag na lang muna siguro sa ngayon." Saad ko sa kaniya.

Nakita kong natatawa si Mich sa akin ngayon. siguro, hindi lang talaga siya makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon.

"O sige ganito na lang, we can still catch up on our favorite bar, mamayang 8 o'clock ng gabi. I will pick you up, okay?Huwag ka nang kokontra pa, sasama ka sa akin mamaya sa ayaw mo pa o sa gusto mo." Saad nito at ngumiti, tumayo naman ito kaagad at nagpaalam na.

Wala naman akong na gawa kundi sumang ayon na lamang sa kaniya. Nang kinagabihan ay sinundo nga ako nito at tinulungang mag ayos. I was just wearing a red maxi backless dress with a red high heel stiletto partnering of my favorite clutch, at ang aking mahaba at makintab na buhok naman ay akin lamang kinulot ang mga dulo nito.

Maraming nagsasabi or most of people was always asking me, if i was a human or a goddess. maybe because of my brownish green eyes, my thick and long eye brows, the celestial shape of my nose, and also, my long and thick brown hair, but one thing is for sure, it was all NATURAL!

And my cousin really looks like me, maraming nagsasabi na parang magkakambal kami na, pinagbiyak kuno raw kami pero sa tuwing naririnig namin iyon ay natatawa na lamang kami. Mich was wearing a gold satin backless dress partnering with her 4-inches high heel peep toe stiletto and a gold evening bag.

"Ganda mo naman." Bungad nito sa akin.

"Wala namang bago ro'n." Tumawa ako at ganoon rin siya.

Nang makasakay at makarating kami sa sinasabing bar ni Mich ay agad bumugad sa amin ang malakas na tugtugan, saglit na nagpaalam sa akin si Mich upang i park ang kaniyang sasakyan, at agad naman akong tumango at nagtungo sa door entrance ng bar na ito.

Masasabi kong puno ito nang mga tao.At talaga namang maganda ang lugar, pag pasok ko agad bumungad sa akin ang isang lalaki at agad itong nagpakilala.

"Hi miss, may kasama ka?" Tanong naman nito sa akin at tumango ako, naglalaro ang mga tingin nito sa akin. May sinabi ito sa akin na hindi ko narinig, dahil nga sa tugtugang bumabalot sa buong floor na ito.

Agad itong bumunot ng isang pirasong papel sa suot niyang suit at inabot sa akin ang kaniyang calling card at agad ako nitong hinapit papunta sa kaniya at bumulong.

"If you need me- i mean someone don't hesitate to call me or text me, okay? " Saad nito at agad kinuha ang aking palad at hinalikan agad naman akong nagulat sa ginawa nito, buti na lamang ay umalis na agad ito.

"What the ef." Saad ko at inayos ang aking suot.

Pagpasok ko agad kong hinanap ang reservation for two ni Mich, nang mahanap ko ito ay agad akong umupo at umorder ng isang juice habang hinihintay si Mich.

Napansin ko sa kabilang table namin ay may grupo roon ng kalalakihan, at sa kabila naman ay grupo ng magkakaibigan na sa tingin ko ay may mga tama na.

Maya-maya pa ay dumating na si Mich.

"Omg couz, buti na hanap mo 'tong table natin, sorry ha natagalan ako kainis naman 'yung lalaking 'yun ako nauna eh pero inagawan ako, hindi manlang nagpaka gentleman tsk!" Saad ni Mich at padabog na ibinaba ang kaniyang clutch.

Natatawa na lang at nagiiling ako habang pinagmamasdan itong nagtatatalak tungkol sa lalaking na kaaway nito sa parking lot nitong bar. Tumagal pa kami rito sa bar at nag pagdesisyunan na naming umuwi, dahil na rin sa may klase pa kami bukas. Inalalayan ko na lamang si Mich dahil medyo may tama na ito.

Habang palabas kami sa nasabing bar ay may nakasalubong kaming mga kalalakihan.

"Hey, girls! Uuwi na ba kayo? We can give you a ride." Saad nito at tumingin sa mga kalalakihang kasama niya.

"May sasakyan kami." Maikli ko lamang sabi at inalalayan si Mich, aalis na sana kami nang biglaan kami nitong pigilan.

"Sa nakikita ko hindi na kaya ng kasama mo." Kumindat pa ito sa mga kasamahan niya.

Hindi ko alam pero masama talaga ang pakiramdam ko na wi-weirduhan ako sa lalaking ito at sa mga kasamahan niya, pero nilakasan ko ang loob ko at hinila na si Mich palayo sa mga lalaking 'yun.

Rinig ko ang bilis at lakas ng kabog nang dibdib ko ngunit,nang makalabas kami sa bar ay nakita ko ang mga lalaking kanina pa nakaabang sa amin sa may parking lot.

"Omg, Mich. Will you please wake up?!" Pagkausap ko rito habang inaalalayan, napagtanto kong nakatulog na pala ito, dahil siguro sa tama nang alak.

Nakita kong papalapit na naman ang lalaking humarang sa amin sa loob ng bar.

"At saan naman kayo pupunta?" Nakangising tanong nito sa akin.

"T-tigilan mo na kami, wala ka namang mapapala sa amin." Utal kong saad.

Nang makalapit ito sa amin ay agad ako nitong hinila na siyang naging dahilan upang makita kong na tumba si Mich na, hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Naiiyak na ako sa mga posibleng mangyari sa amin ngayon. Maraming tumatakbo sa isip ko na maari nilang gawin anomang oras, hindi na ako makapagisip ng maayos.

Bigla ko na lamang hinanap ang aking clutch. Ngunit nabigo ako, naiwan ata namin iyon sa loob, gayun din 'yung hand bag ni Mich.

"Hm? ang bango bango mo naman." Nakangisi muli nitong saad habang sinisipat ang aking leeg.

Naiyak na ako sa kaniyang ginawa, katapusan na nga ba namin ito?

Mich...

Nang maramdaman kong nawalan ako ng malay kasabay nito ang mga salitang ito.

"Hey, What's going on here?..."














Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon