Chapter 12

62 3 0
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon at tinutugtugan ng classical music, kaya ang iba ngayon ay nagsisipuntahan sa unahan upang sumayaw kasama ang kani-kanilang kapareha. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina.

"Can we give an around of applause Ms. Amara Montevano and Mr. Lucian Rodriguez our soon to be an husband and wife!" Saad ng host at saka pumalakpak.

Nagulat ako ng bigla na lamang pumalakpak ang lahat, buti na lamang ay inalok ni Lucian ang kaniyang braso, kaya kahit papaano ay napanatag ako, habang lumalakad kami ay hindi ko maiwasan ang kabahan na nasisiyahan. Nakita ko si Lolo Celso, Lolo Nelson, at Mich na nasa iisang table na nakatingin sa amin habang si Lucius naman ay ganoon rin, ngunit halatang peke ang pag ngiti nito.

"Ayos lang ba siya?"Pabulong kong pangungusap sa aking sarili.

"He's not okay with this." Saad ni Lucian na tilang seryosong seryoso na ngayon.

Nagulat ako sa sinabi nito at sa sumunod na ginawa nito, dahil bigla lang naman nito hinapit ang baywang ko papunta sa kaniya, at dahil ro'n ay naramdaman ko ang pag init nang aking pisngi.

Damn this man.

Hanggang sa narinig ko na lang ang pag pitik ni Mich na nasa harapan ko na ngayon. Marahil, katatapos lang siguro ng sayawan pero agad din naman ito umalis, dahil kinailangan pa ito hilahin ng mga bakla na kaibigan ko rin, natawa na lamang ako, si Lucian naman ay tila iritable na sa kaniyang kinauupuan, sakto naman ng magsimula na ang pagbibigay ng mga regalo buti na lamang mabilis lang din na natapos iyon, dahil agad din inihanda ang mga makakain. May mga iba't ibang putahe ang inihanda may mga chinese, italian, japanese, at syempre hindi mawawala ang filipino cuisine, habang kumakain nga ay may inihandang pag tatanghal ang banda na inukupa naman ni Lolo Celso at Lolo Nelson.

Ang unang nag tanghal ay instrumental lang at ang sumunod naman ay may kumakanta na.

There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about~

Nakita ko ang ibang mga tao na napapatigil na rin sa pagkain at sa halip ay agad silang sumandal sa mga kaniya kaniya nilang kapareha at ang iba naman ay isinabit ang kanilang mga braso sa mga katabi nila at matamis na nakipagtitigan sa mga ito.

"This is so annoying." Bulong ko at sumandal sa inuupuan ko.

"Are you envy with them?" Saad ni Lucian na nakatingin lamang sa mga bandang pinanonood niya ngayon.

Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before i knew~

Sasagutin ko na sana ito ng bigla namang umingay ang buong paligid, dahilan upang ma out of balance ako at masalo ako ni Lucian.

There i was so inlove with you~

Bigla na lang tumigil ang kapaligiran at tanging ako at si Lucian lamang ang aking nakikita. Naramdaman ko na lang bigla ang init nang kaniyang kamay sa aking likuran, dahilan upang umayos ako ng tayo at tumikhim, agad naman ito umiwas ng tingin at tinuon muli ang kaniyang sarili sa panonood ng banda.

"Clumsy, huh?" Saad ni Lucian ng hindi man lang tumitingin sa akin.

I got irritated but...

What was that feeling? Is that a spark or what? I can't believe that it was possible- oh no, no, no. Hindi pwede!

Maya maya pa ay natapos na ang pag tugtog ng banda kasabay nu'n ay tapos na rin ang mga tao sa pagkain, kami naman ni Lucian ay hindi na rin nagpatuloy pa sa pagkain, dahil sa nangyari kanina.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon