Chapter 8

76 3 0
                                    

Kasalukuyan kaming na sa classroom ngayon at hinihintay ang aming 3rd Subject Teacher, kanina pa ako kinukulit ng mga kaklase ko na, paanong ikakasal na kami ni Lucian, saan kami nagkakilala, bakit ba raw nagmamadali kami. Argh! They all stressing me out!!Buti na lang ay kasama ko kanina si Mich upang alalayan at ipagtanggol ako.

Agad akong bumitaw sa pagkakahapit sa bewang ko si Lucian.Tumikhim ako at sinamaan ito ng tingin na ikina ngisi nito at sabay alis, hindi ko talaga makuha kung bakit niya ginagawa ito, I know he was doing this all just to annoy me, that asshole was frustrating me!

Nang makaalis nga si Lucian ay agad pumasok si Mich sa eksena.

" Oh? Ano pang tinitingin tingin niyo riyan!Tapos na ang palabas pwede na kayong makaalis! Alis! Alis! " Saad nito at pinagtutulak ang mga estudyante.

" Ano ba?! Aalis kami, Stop pulling us! you shitty witch! " Saad nang isang estudyante at padabog na umalis, papatulan pa sana ito ni Mich, buti na lamang ay naawat ko ito.

" That's enough, couz. Stop being too intense. actually, you are the one who's started this mess. "  Saad ko rito at agad naman itong tumikhim.

" I'm sorry, couz. I was so madaldal kasi eh. " Napakamot ito sa kaniyang ulo at nahihiyang ngumiti at nag peace-sign.

Bumuntong hininga na lamang ako at ngumiti ng pabalik, naalala ko muli ang sinabi nito kanina kaya tinanong ko ito.

" Uhm,Mich? How do you know about that? I mean, sa pagkakaalala ko wala pa naman akong nababanggit sa'yo, tungkol sa mangyayaring kasal sa pagitan namin ni Lucian? " Naguguluhan kong tanong rito.

" Honestly, I just accidentally heard it to Mom and Lolo. When, they talking about it over the phone. " Nagkibit balikat lamang ito.

Hindi ko napansin na tapos na pala ang klase namin kay Ms. Punongbayan, maya-maya pa ay kinulbit ako ni Avery na ikinagulat ko naman.

" You okay, Ams? Mukhang malalim ata ang iniisip mo? " Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Si Avery ay Class President namin, she was too kind and thoughtful person, she was also one of the most outstanding student here in our school, kaya hindi na nakapagtataka na president namin siya.

" U-uhm yes, I'm f-fine. " Ngiti kong saad rito.

" Oh, you sure? Okay, then. I won't bother you na, I'll go ahead. I don't want to be late on my next class, See you!" Ngumiti ito at nagpaalam bago umalis.

Napansin ko si Lucian sa bandang kaliwa ko na natutulog lamang na animo'y walang klase at naka suot muli ng kaniyang headphone.

Lalapitan ko sana ito ng biglang dumating ang last subject namin ng araw na 'yun, mabilis lang rin na tapos iyon at nag iwan nang gagawin, agad kong inayos ang mga gamit ko para makapagpahinga na sa bahay. ngunit, naalala ko na naman ang thesis paper na gagawin namin ni Lucian, agad hinanap ng dalawang mata ko si Lucian, pero nabigo ako.

Kinuha ko na lamang ang bag at ang libro ko at agad lumabas, napansin kong medyo madilim na sa labas at tila, wala ng katao tao, kaya nagmamadali na lamang akong pumuntang washroom para mag retouch nang matapos na ako ay dumaretso na ako sa parking lot ng school, pero bago iyon ay may humarang sa akin sina Emver, Siarre at Shein.

" So, you and Lucian was already engaged? " Salubong nito sa akin.

" Answer me! " Sigaw nito at dinuro ako dahilan upang mapatumba at mabitawan ko ang mga libro ko.

Nakita kong tumawa lamang sina Siarre at Shein sa gilid agad kong pinagpag ang uniform ko at tumayo.

" You know what, Emver?I don't have any obligations to you to answered, your non sense and stupid questions. " Lumapit ako rito at na tawa.

Aambahan sana ako nito nang sampal ng may marinig kaming isang pamilyar na boses.

" Amara, Sweetie. Let's go. We can't be late to our dinner with Lolo. " Malambing ang tono nito at ngumiti.

" O-okay, Love! " Agad kong kinindatan si Emver at nagmamadaling pinulot ang mga libro ko at pagkatapos, ay sinalubong ako ni Lucian upang hawakan ang mga kamay ko papuntang sasakyan niya.

Nakita kong namula ang mukha ni Emver pati ang mga alipores nitong sina Siarre at Shein, nang makasakay nga kami sa sasakyan ay agad akong bumitaw rito. Nakita ko rin na nagbago ang timpla nang mukha nito at sumakay sa driver's seat.

Agad naman nitong ipinaandar ang makina nang kaniyang sasakyan, maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang aking phone, kaya agad kong tiningnan iyon, nakita kong nag text si Kuya Noel at agad kong nireplyan iyon.

Habang nasa biyahe kami ay pareho lamang kaming tahimik.Kaya inilibot ko na lamang ang aking paningin sa loob ng sasakyan nito, masasabi ko talagang malinis at maayos ito sa kaniyang mga gamit, napansin ko rin ang dalawang oversized t-shirt nito na ang kulay ay black and white na naka hanger sa back seat ng sasakyan nito.Namangha rin ako ng bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng sapatos nito sa trunk ng kaniyang sasakyan.

" What are you doing? " Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin habang nakatingin sa rear view mirror ng kaniyang sasakyan.

" Wala naman, ang ayos mo pala talaga sa gamit 'no? " Bumaling ako rito.

Nakita kong napairap na lamang ito at tinuon na lamang ang sarili sa pagd-drive.

" Sabi ko nga mananahimik na lang, eh. " Matabang kong saad.

Tumikhim na lamang ako at makalipas ang ilang saglit ay nakarating na kami sa mansyon ng mga ito, nang maipark nito ang kaniyang sasakyan ay bumaba na ito at ibinigay ang susi sa isa sa kanilang kasambahay.

" Where is grandpa? " Walang reaksyong tanong nito.

" Nasa Dining Room ho,Sir. "

Tumango lamang si Lucian at agad naman naming tinungo ang Dining Area, nakita nga namin si Lolo Nelson ro'n na nakapresentableng nakaupo at handa na para kumain.

" Lucian, apo halika na't kaka— " Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita ako.

" Hello po! Magandang gabi! " Ngumiti ako.

Dahan dahan tumayo si Lolo Nelson mula sa pagkakaupo at dumako sa direksyon namin, kung saan ngayon'y nakatayo kami.

"Amara, salamat naman at nakapunta ka rito. " Ngumiti ito sa akin.

Nagmano na muna ako kay Lolo Nelson dahil sabi ni Lolo Celso noong bata pa ako ay ugaliin ko na raw ang pagmamano sa mga mas nakatatanda sa akin.

Uupo na sana ako nang bigla naman ako tinawag ni Lucian na ngayon ay nakatingin lamang sa amin ni Lolo Nelson.

" Sweetie, we need to start our task, right? so, what are you waiting for? " Humarap ito sa akin at ngumiti ito nang peke.

Nanlumo ako ng muli kong maalala na pumunta nga pala ako rito upang gumawa ng thesis namin at hindi upang makikain.

" O-oh yes, right. " Tumango tango ako at dahan dahan tumayo.

" Ganoon ba, apo. sige, ipaghahanda ko na lamang kayo ng makakain ninyo mamaya at ipadadala ko na rin sa study room mo, Lucian. " Nakangiting saad ni Lolo Nelson.

"Oh siya, goodluck na lamang sa inyo, mga apo. " Tinapik tapik pa ni Lolo Nelson ang balikat ni Lucian at ako naman ay nginitian lamang ni Lolo Celso nang pagkatamis tamis at agad naman siyang bumalik sa kaniyang inuupuan.

" Let's go. " Tumalikod ito sa akin.

Bastos talaga.

Agad naman namin tinungo ang hagdan kung saan na roroon ang study room na tinutukoy ni Lolo Nelson, this was my second time na papasok muli ako sa kuwarto ni Lucian at kinakabahan ako.

" Calm down, Ams. you can do this. " Pangungusap ko sa aking sarili.

Napansin kong na patingin sa akin si Lucian.

" You're already crazy and a little bit of  paranoid. " Nailing iling na saad nito at binuksan ang pinto ng kuwarto nito.

Really? Crazy? And Paranoid?










Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon