Chapter 13

81 5 0
                                    

Kinabukasan na gising ako ng may mabigat na loob hindi ko alam kung bakit, siguro tungkol ito sa nangyari kagabi.

"What was that about, Lucian?" Tanong ko sa kaniya ng bitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"W-what do you mean 'about'?" Tinaasan ako nito ng kilay at saka namulsa.

Magsasalita na sana ako ng sumingit muli ito.

"Oh, is it about him?" Saad nito at diretsong tumingin sa mga mata ko.

"Y-yes, he's still your cousin, paano na lang kung malaman iyon ni Lolo Nelson? Ano na lang ang iisipan niya kung ganoon, diba?" Umirap ako at inilagay ang kamay ko sa dibdib ko.

"So, you care about Lucius? you know what? instead, of thinking some non sense thing, why don't you thank me, first? i depended you on my own stupid COUSIN." Iritableng saad nito.

He has a point, dapat nga ay pasalamatan ko pa siya dahil niligtas lang naman niya ako sa pinsan niya, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa sinabi niya, lalo't alam niyang ikakasal ako sa pinsan niya, kay Lucian. pero kahit ganoon hindi pa rin ako magpapasalamat sa kaniya, manigas nga siya riyan.

"I- i won't thanking you." Agad kong nilagay ang braso ko sa dibdib ko.

"Okay, I need to go." Maikling saad naman nito.

Nakita kong tumalikod ito at nakapamulsang aalis, kaya tinawag ko muli ito.

"L-lucian!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa direksyon niya.

Humarap naman ito kaagad sa akin at tinaasan ako ng kilay, Shit gwapo.

"U-uh, s-sorry? i would like to say thank you, dahil pinagtanggol mo ako sa pinsan mo." Saad ko at ngumiti nang pilit.

"That's all?" Humarap ito sa akin at inilagay sa dibdib niya ang kaniyang dalawang kamay.

Magsasalita na sana ako ng makita ko sa likuran ni Lucian ang taong ayoko makita, ang taong kinaiinisan ko.

"A-amara, a-anak." Lumapit ito sa akin na may dala dalang bouquet of red tulips, my favorite flower.

"Ano pong ginagawa ninyo rito?" Medyo may pagkairita sa aking tono.

Nakita kong nakasuot ito ng isang brown leather jacket at faded maong pants, hindi na masama dahil bumagay naman sa kaniya.

"A-anak, bulaklak para sa'yo, alam ko kasing paborito mo ang tulips." Ngumiti ito at iniabot sa aking ang bouquet ng mapupulang tulips.

"Hindi ko na po kailangan niyan, baka itapon ko lang po 'yan, edi sayang lang ang ipinambili ninyo nang bulaklak, iuwi niyo na lang po 'yan." Agad akong umiwas ng tingin.

"Amara, watch your words." Tumiim ang tingin sa akin ni Lucian pero inirapan ko lang ito.

Nagagalit ako, hindi dahil sa daddy ko kundi sa sarili ko, dahil kahit anong pilit kong patawarin siya, mas nangingibabaw pa rin ang galit na namumutawi sa dibdib ko.

Nakita kong napayuko si Dad sa sinabi ko.

"May sasabihin pa po ba kayo? Kung wala na pwede na po ba akong umalis, kailangan ko magpahinga." Umunat pa ako.

Tiningnan ko pa si Dad at agad nilampasan, napansin kong ngumiti ito at may sinabi na nakapagpatigil sa akin.

"Dalaga na talaga ang prinsesa ko, akalain mo 'yun, Armando? Ikakasal na ang kaisa isang prinsesa mo." Nangingiting saad nito pero napansin kong may dumadaloy na mga luha sa pisngi nito.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon