Chapter 16

113 5 2
                                    

Nang makapagbihis na ako ay agad akong nagtungo sa kusina, hindi ko na inabala pa si Nanny Elena at Ate Emma, i know their we're both busy with their things, kaya naman hinayaan ko na lang sila na magpahinga na muna.

Naghugas na muna ako ng kamay at saka inuna ko na muna ang pagluluto ng umagahan, sinunod ko naman ang paghahanda ng mga inumin at mga sandwich, kung sakaling magutom sila. honestly, this was my first time to our kitchen and i didn't expect that this is so fun.

"And...done!" Pumalakpak pa ako ng tapos ko ng lutuin ang kare-kare.

Hindi ko alam kung anong lasa nitong niluto ko, sakto naman na nakita ko si Nanny Elena na pababa ng hagdan na may dalang walis tambo, kaya naman nagulat ito nang hilain ko ito papuntang kusina.

"Nanny, Taste this." Naglagay ako sa isang maliit na bowl at kumuha ng kutsara.

"Ano ka ba naman na bata ka." Umiling iling ito at kaya naman natawa ako, kinuha ko na lang muna ang hawak nitong tambo at inilagay sa tabi.

"Hurry up, hurry up!" I giggled.

Naglagay ito sa kutsara at saka hinigop ito.

"How is it?" Nakafinger cross kong saad at pumikit.

"Aba, hija, masarap... pwede ka na dumilat." She chuckled.

"Talaga po? Hindi po ba kayo nagbibiro niyan?" Ngumiti ako ng pilit.

"Oo naman. Oh, siya maiwan na kita, hija. Babalik na ako sa gawain." Ngumiti ito at saka hinagod ang likuran ko.

Napakagat ako ng labi dahil sa tuwa, kaya naman pinagtabi ko sila, pati na rin sila Lolo.

Sunod naman ay nagtungo ako sa garden at saka naglagay na rin ako ng mga upuan at lamesa, dinala ko na rin ang mga niluto ko roon, pati na rin ang mga plato at kutsara, tinidor, baso. dahil plano ko na doon na kami mag breakfast. Nang handa na ang lahat ay sakto naman na dumating sila Mich.

"Omg, Good morning, Couz!" Maingay na bati ni Mich.

"Ang aga pa, Michelli." Inirapan ko ito, pero agad ko naman 'tong niyakap.

Nakita kong kasunod nito sila Avery, Reishi, Maui at sila Mamsh, kaya naman bineso ko ang mga 'to at pinapasok sa loob.

"Grabe, ang laki pala ng bah- este mansiyon niyo, Ams." Lumilinga lingang saad ni Maui.

"Iyong totoo Amara bahay ba 'to o museum?" Sarkastikang saad naman ni Reishi at agad tumawa.

"Amara, darling. Hindi mo naman agad sinabi na ganito ka- colossal ang tinitirhan mo, edi sana nag gown ako para bongga!" Iwinasiwas muli nito ang pamaypay niya at saka tumawa.

"Naku, ayos lang, kahit pa mukhang basahan pa ang suot ninyo, welcome kayo rito, kayo rin girls, let yourself comfortable." Ngumiti ako sa kanila.

Maya-maya pa ay nakita kong papasok sila Lucian, Zion, Tyron, at Shaun.

"Oh, nandiyan na pala kayo!" Sinalubong ito ni Mich.

Talaga itong babaeng 'to!

Bigla kong nilapitan si Mich.

"Guys, maupo muna kayo riyan, feel at home, okay?" Ngumiti muna ako bago ko hilain si Mich papuntang kusina.

"Couz, Ano ka ba naman-" Tinakpan ko ang bibig nito.

"Can you just lower your voice?" Bulong ko rito tumango naman ito, kaya naman dahan dahan kong tinanggal ang pagkakatakip sa bibig niya.

Tumayo ito ng maayos at saka nilagay nito ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon