Chapter 6

76 5 0
                                    

Nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon, tila bumalik lahat ng hinanakit ko mula rito. Hinding hindi ko makakalimutan ang taong, minsan na akong kinamuhian.

" A-amara? Ikaw ba 'yan, A-anak? " Akmang hahawakan ako nito,Kaya agad akong lumayo rito.

" Dad, Anong ginagawa niyo ho rito? " Saad ko sa malamig na tono.

Hindi ko maintindihan o kahit maunawaan ang pagbabalik niyang minsan ko ng hindi pinanghawakan.

" Amara, kung alam mo lang kung anong hirap ang pinagdaanan ko noong nawala at iniwan kita. " Sinubukan nitong lumapit at hawakan ako, ngunit umiwas ako.

Tinitigan ko lamang ito ng malamig at hinihintay pa ang ibang sasabihin nito.

" Anak, sana maunawaan mo si Dad— " Pinutol ko ito.

" Maunawaan? Ni minsan ba inunawa mo ako? Inintindi mo ako? Ni minsan ba naisip mo ang n-nararamdaman k-ko? " Nanginginig kong saad.

Nang bitawan ko ang mga salitang iyon, agad bumalik ang mga pangyayari na noon ay hindi ko inaasahan.

" She has dead on arrival. I'm sorry but we did our best to saved her. pero hindi na kinaya nang pasyente. " Saad ni Doc at nakayukong umalis.

Lumapit ako kay Dad na ngayon ay nakayuko at nakatakip ang dalawang palad sa kaniyang mukha.

" D-dad? Where is my Mom? Is she okay?" Usal ko at umupo sa tabi nito.

"What you've said?! Amara?! If she is "OKAY"? No! Hindi siya maayos! Hindi siya maayos, dahil ngayon nakaratay na siya sa morgue na puting puti at wala ng buhay! " Sigaw ni Dad sa akin at inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya.

" Ano ka ba naman, Armando?! Bakit mo sinisigawan si Amara? Bata lang iyan, huwag mo naman sana siyang sisisihin at kagalit na para bang kasalanan niyang nawala ang kaniyang Ina." Kapag kuwan ay niyakap ako ni Lolo.

Noong araw ding iyon ay pinasundo ako ni Lolo kay Nanny Elena, walang ibang nag sisink-in sa akin, maliban sa wala na si Mommy.

Honestly, I've no appetite at everything. I just wanted to be alone and cry and cry until, I've felt so tired. I don't want to believe that my Mom was already gone and it was just all nightmare, but we can't change the fact that there's a reason or purpose, why person or people we loved was need to be gone.

Kinabukasan nga ay na gising sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha.At nakita kong yakap yakap ko si Mr.L. I know his name was sounds so weird but, this teddy bear was gave me by an anonymous person.

" Good morning,Mr.L. " Pangungusap ko rito at niyakap ito ng mahigpit.

Kinusot kusot ko ang aking mga mata at niyakap si Mr.L at lumabas ng aking kuwarto.Aaminin kong dahil sa pag iyak ko kagabi na nakatulugan ko na ay gumaan ang loob ko.

Nang makarating nga ako sa Living Room ay naabutan ko roon sila Lolo at Daddy.

" Oh, Apo! Halika ka rito kay Lolo." Nakangiting tugon nito.

Nakita kong nakatingin lamang si Daddy sa direksyon ko at tila walang reaksyon, nang makalapit ako kay Lolo ay agad ako nitong kinandong.

" Apo, Ayos ka lang ba? Kumusta ang nararamdaman mo? " May bahid na pag aalala sa mukha ni Lolo.

" I'm fine po, Lolo.Mr.L comforted me po." Nakangiti kong saad kay Lolo.

Ngumiti si Lolo at si Dad naman ay ganoon pa rin at walang reaksyon ang mukha na nakamasid lamang sa akin.

"Ganoon ba, Apo. Dapat bang pasalamatan natin si Mr.L? " Nakangiti uling saad nito.

" Opo! " Magana kong saad.

" Osiya! Salamat Mr.L, for comforting my very lovely grand daughter." Saad ni Lolo at sinaluduhan si Mr.L na ikinangiti ko.

Maya-maya pa ay biglang kinuha ni Dad si Mr.L at itinapon iyon, nagulat at naiyak ako sa ginawa niya.

" Mr.L! " Maluha luha kong saad at kinuha ito mula sa pagkakatapon ni Dad.

Maging si Lolo ay nagulat sa ginawa ni Dad.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na ang Mama mo, Amara?! At anong karapatan mong sumaya? Hindi ka ba na ko-konsensiya sa ginawa mo sa Mama mo? " Bulyaw sa akin ni Dad dahilan upang mapa-upo ako.

" P-pero D-dad hindi po ako ang b-bumangga kay M-mom— " Pinutol ako ni Dad.

"Pero ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang Mommy mo! Kinamumuhian kita, Amara! Pinatay mo ang babaeng pinakamamahal ko! " Bulyaw uli sa akin ni Dad at umiiyak itong umalis.

" At ngayon umaasa kang matatanggap kita ng ganoon ganoon na lang? " Malamig kong saad.

Aalis na sana ako nang hawakan nito ang braso ko.

"Anak, Babawi si Papa sa'yo. Mapatawad mo lang ako, handa akong gawin lahat, magkaayos lang tayo." Saad nito at lumuhod sa harapan ko.

Umiiyak lamang akong iniwan si Dad at si Lucian roon. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makapasok sa loob ng mansyon. Nakita at tinawag pa ako ni Lolo. Ngunit,hindi ko rin ito pinansin.

Nagkulong lamang ako sa loob ng kuwarto. Sobrang nasasaktan ako na magkikita kami sa ganitong paraan, noon pa man alam kong mapapatawad ko rin siya. Ngunit, hindi ko alam kung kailan at saan. Basta, ang tanging alam ko ay mapapatawad ko rin siya.

Maya-maya pa ay naririnig ko nang kumakatok si Lolo Celso sa labas ng aking kuwarto.Ngunit, sa kadahilanang gusto ko mapag isa ay hindi ko rin ito pinagbuksan, bago pa makaalis si Lolo ay may sinambit ito.

" Apo, Kung gusto mo mapag isa hahayaan ka ni Lolo. Basta palagi mong tatandaan na nandito lang si Lolo para sa'yo." Saad nito bago umalis.

Dahan dahan akong tumayo at pinunasan ang mga luha ko. Pagkatapos ay sinigurado kong wala ng tao sa labas ng kuwarto. Ngunit, nagkamali ako sa akala ko.

" What do you think you were doing? Why do you always acting like a kid? " Panimula nito habang naka hamba sa pintuan ng kuwarto ko at naka pamulsa pa.

" And what do you think you were doing, too? Why do you always keep judging me with your non sense words? And acting like you knew everything, while in the first place was not? " Saad ko bago isara ang pintuan.

Ngunit inihilig lamang ako nito sa pintuan at pagkatapos ay ikinulong sa mga bisig niya. Then, he slowly brought his face on to mine and i started to smell his minty breath.

" Well, let's say i know you...very well. " Saad nito at umalis na parang walang nangyari.


Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon