Chapter 10

78 6 0
                                    

Nang magising ako ay wala na si Lucian sa kaniyang higaan, agad akong napatayo sa kinauupuan ko at akmang lalabas nang kuwarto ng mapansin ko ang isang sulat sa ibabaw nang unan ko.

Amara,

       Thank you for taking care of me.:)

                                                     Lucian.

Biglang may sumilay na ngiti sa aking labi, agad ko namang napagtanto na ang  ngiting iyon ay hindi ko dapat binibigyan nang malisya o kung ano man. Pero hindi ko pa rin maitatanggi na may kung anong parte sa aking puso ang natutuwa.

Agad akong nagmadali nang makita ko sa orasan na tanghali na ako, it's already 6:30 a.m at hindi dapat ako mahuli. Nang makaligo nga ako ay agad akong kong inayos ang uniform ko. Hindi na pala ako nakapagpalit kagabi dahil kay Lucian.

Teka!Teka!Bakit ko ba siya iniisi— no!Amara, Hindi pwedeng may maramdaman ka sa lalaking kinaiinisan mo!

Nang matapos nga akong mag ayos ay bumaba na ako at nag baon na lamang na lamang nang dalawang sandwich na maaari kong kainin sa biyahe. Nagpaalam na agad ako kay Lolo Celso, dahil baka ma late pa ako.Sakto nang papalabas ako ay dumating na ang pinsan kong si Mich.

"Good morning! " Saad nito sa akin nang nakangiti.

"Good morning!" Binati ko rin ito at bineso siya nang makasakay ako sa sasakyan niya.

Habang nasa biyahe ay napag desisyunan kong kainin ang sandwich ni Nanny Elena.

"Hindi ka pa ba kumakain?" Bumaling ito sa akin.

"Ah, Oo.Tanghali na rin ako na gising eh." Nauubo kong saad na ikinapagtaka naman nito.

Ilang saglit pa itong na tigilan nang biglang sumilay na naman ang nakaiinis nitong ngisi.

"Sinong pumuyat sa'yo? Si fafz Lucian ba? Aha! Aminin, Aminin." Natatawang saad nito habang nagmamaneho.

"Tse! Mangmaneho ka na nga lang riyan." Saad ko at kinuha ang phone at airphones ko at nakinig na lamang nang music.

Makailang minuto lang ang lumipas ay nasa school na kami, agad naman nitong ipinark ang kaniyang sasakyan na unang itong bumaba at sumunod ako.

"For sure, this will be a very tiring day. " Saad ni Mich at bumaling sa akin.

Naalala ko ang araw ngayon. Tuesday, our p.e day! Nakakaiinis naman.

"Omygosh! I think you're right, fuck it. " Nanlumo ako at natawa na lamang si Mich.

Nang makapasok nga kami sa loob nang University ay nakita namin ang ilang mga students na kumpol kumpol sa Announcement Board ng school. Nilapitan namin iyon ni Mich, at natuwa naman ang bruha sa nakita niya.

                      ANNOUNCEMENT!

To all students of grade level,

              You all are required to have a (1) participant of every section and grade level. you are able to choose a smart, responsive, intelligent, brilliant and an independent student, who will going to be your representative. Regardless on it, there's no exception but a person who has a good heart and good souls are perfection. Thank you!

Nagulat ako nang bigla na lang hilahin ni Mich mula sa nagkukumpol kumpol na mga estudyante, habang papunta nga kami sa classroom ay kinakausap ako nito.

"You know what, Couz! What if sumali ka sa pageant? I mean, you already both have, the brain and beauty. I swear, this will gonna be awesome." Natatawang saad nito.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon