Chapter 9

72 6 0
                                    

Nang makapasok ako sa kuwarto ni Lucian ay tumambad muli sa akin ang mahalimuyak na amoy ng lavender na nagmumula sa scented candle na nakalagay sa bedside table ni Lucian.

He really likes scented candle, huh?

May nakita rin akong mga samu't saring mga awards sa shelves nito, may mga action figures rin nila Batman, Superman, Spiderman at Ironman at marami pang iba.

Kid pala, huh? Sino kaya 'tong collector ng iba't ibang action figures ng paborito niyang superheroes?

May nakita rin akong isang pamilyar na teddy bear na kulay blue na nakalagay sa kahon sa ibabaw ng walk-in closet ni Lucian akmang papasukin ko na ito ng bigla naman akong gulatin ni Lucian.

" Is your curiosity really sucks you? " Saad nito habang seryosong nakatingin sa hawak niyang bondpaper.

" Are you out of your mind? s-syempre, hindi 'no! " Pagtanggi ko rito at pumasok na lang sa pintong kaharap nito.

" You think so, huh? " Nakangising saad nito.

Nang makapasok nga ako sa study room ni Lucian ay agad tumambad sa akin ang maraming librong nakalagay sa 4 na book shelves nito at ang iba pa rito ay may iba't ibang volume katulad na lang ng volume 1,2,3 and so on, mayroon ring computer set sa tabi, may printer, laptop at tablet rin, sa gitna naman ay may sofa set na maaaring upuan ng isa o higit pang tao.

Nang makaupo nga ako sa sofa ay napansin kong abalang abala si Lucian sa pagtipa sa computer, sakto namang may pumasok na isang kasambahay na may dala dalang makakain at inilapag ito sa coffee table at agad umalis.

Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko ng makita ko ang mga pagkain na nasa harapan ko ngayon, may gatas, tsokolate, cookies, juice, cereal at kung ano ano pa, nang maramdaman kong busog na ako ay nahiga na lamang ako sa sofa at nakaramdam ako nang antok pero bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay nakita ko si Lucian na abalang abala pa rin sa harap ng computer.

Nang magising ako ay nasa hindi kilalang higaan na ako agad akong napatingin sa relos ko.

8:38 p.m/rainy day

Napabalikwas ako sa higaan at dali daling hinanap si Lucian, kaya agad ko itong pinuntahan sa study room nito at nakita ko nga itong nagp-print na ng papel.

" S-sorry, kailan ko na umuwi baka bukas na lang kita tutulungan sa school, baka hinahana— " Pinutol niya ako.

" We're done. " Saad nito at kinuha ang mga papel dahil tapos na ito maiprint.

" H-huh? Tapos na t-tayo? K-kailan pa? " Naguguluhan kong tanong rito.

" We're done and we just need it to passed to our teacher, that's it. " Iritableng saad nito.

Nahihiya akong napayuko dahil wala man lang akong naitulong mula rito, maya-maya ay na tigilan ako dahil may inabot itong brown folder.

" What is this? " Tanong ko rito.

" That's our thesis paper, you may passed it tomorrow to our teacher's faculty
so, don't forget to bring that tomorrow. " Saad nito at iniwan ako.

Nabuhayan ako kahit papaano sa sinabi nito agad kong hinanap ang bag ko at ingat na ingat na inilagay ang folder sa loob nito na pagdesisyunan kong umuwi na,dahil malalim na ang gabi. Isinukbit ko na ang bag ko at lumabas na nang study room ni Lucian, nang makalabas nga ako nang kuwarto ni Lucian ay nakita ko si Lucius.

" Hey, you're here! " Bungad nito sa akin.

" A-ah yeah, may tinapos lang kami ni Lucian. " Kabado kong saad rito.

" Oh, I see. " Tumatango tangong saad nito.

Tumango rin ako.

" Uuwi ka na? I'll drive you up and its already late, baka mapano ka pa sa daan. " Nakangiting saad nito.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon