Chapter 7

79 5 0
                                    

Dalawang linggo ang lumipas simula noong mangyari ang nakakikilabot at nakatataas na balahibong pangyayari sa pagitan naming dalawa ni Lucian.Ngayon na muli ang pagbabalik namin, mula sa ibinigay na Vacation Break ng aming principal na si Mr.Gonzalo.

After a weeks, babalik na naman kami sa pinaka-ayaw naming lugar at ito ang Heidgeville University. Buti na lang ay kaklase ko si Mich, kaya talaga namang hind ganoon ka-hassle ang mga itinuturo sa amin.

"Amara! Wait for me! " Sigaw ni Mich pagbaba na pagbaba ng kaniyang sasakyan at hingal na hingal na tumakbo papunta sa akin, buti na lang nakita siya ni Kuya Noel.

Nang makalapit nga ito ay agad ako nitong sinalubong nang yakap.

" Omg, Girl! I missed you! " Saad nito at agad akong niyakap at inalog-alog.

" W-woah, I feel so dizzy. " Saad ko at umarteng parang nahihilo, magsasalita pa sana ito. Ngunit, sabay na lamang kaming natawa habang papasok sa campus.

Ang Heidgeville University ay isang pampribadong paaralan na pag-aari ng isang hindi naming kilalang pamilya. Bukod rito ang University na ito ay isa sa pinaka exclusive na paaralan dito sa aming lugar at maging sa buong bansa. Marahil, sa mataas nitong siguridad, pagkakaroon nito ng samu't saring parangal at pagkakaroon ng mga estudyanteng may mga potensyal pag dating sa larangan ng pag aaral.

Sa kasalukuyan nga ay narito na kami sa classroom. As usual, nakita ko na naman si Emver at ang Boyfriend niyang feeling crush ng lahat. Maging ang mga alipores nitong sina Shein at Sierra na animo'y dadalaw sa lamay, dahil sa itim na itim nilang kasuotan.

" Hi,Eloise! You look so fine as wine today. " Usal nito at agad pinulupot ang kaniyang mga braso sa braso ng kaniyang boyfriend.

" O-oh, Thanks. You too, Emver! " Saad ko at ngumiti ng pilit.

Alam ko namang nakikipagplastikan lang itong si Emver at ang mga kaibigan niya, kaya bakit pa ako mag-aaksayang makipag usap sa kanila.

" Uh, Sorry. But i have something important to do pa eh, maiwan ko na kayo. " Saad ko at ngumiti.

Magsasalita pa sana si Emver.Pero agad ko silang tinalikuran at umupo sa aking upuan si Mich naman ay nakasunod lamang sa akin na natatawa.

" Bad, Amara. " Saad nito at nakipag apir sa akin at tumawa.

Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

Maya-maya pa ay dumating na si Mrs.Olivia ang aming Room Adviser.

" Good morning, Class! Today, You have new classmate, I hope y'all welcome him." Saad nito at ngumiti.

Omg,Don't tell me sa tabi ko uupo ang lalaking sinasabi ni Ma'am Olivia?Dahil ito lang naman ang bakante at wala ng iba.Hindi sa pagiging maarte,pero hindi lang talaga ako sanay na may ibang katabi maliban kay Mich na pinsan ko.

"You may come in, Mr.Rodriguez." Saad ni Ma'am Olivia at kasabay nun ay pagpasok ni Lucian.

Nagulat ako sa lalaking na sa unahan. Aaminin kong bumagay ang Men's Uniform sa kaniya, pero hindi mababago nun ang magiging magkaklase namin.

Napansin kong na tahimik at natulala ang buong klase ng mag simula na itong magpakilala.

" Hello, I am Lucian Cohen Rodriguez. I am 18 years old, my hobbies are Drawing, Sketching, Dancing, Singing and also Playing Basketball and I am a fresh transferee from Middleton Univ. " Saad nito at wala man lang naging reaksyon.

Agad nagsi-tilian ang mga babae kong kaklase lalo na si Emver na halos umalingawngaw ang boses sa bawat sulok ng aming classroom.

"Okay, Class! That's enough. " Saad ni Ma'am Olivia at bumaling ito kay Lucian.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon