Chapter 5

78 6 0
                                    

Nang makababa nga ako ay unti unti ko ng naririnig ang busina ng kotse si Lolo naman ay agad inilahad ang kaniyang kamay sa akin at iginaya ako papuntang Front Door.

Lolo was wearing a simple gray polo shirt partnering with a simple beige trouser, he really looks like my Dad.

Nang makarating nga kami sa Front Door ay agad namin nakita ang pamilya ni Lucian, they all look so powerful. Hindi mapagkakaila na malakas ang dating ng pamilya nila, agad kong naipulupot ang braso ko sa braso ni Lolo dahil sa kaba.

" Apo, relax, hindi nangangagat ang pamilya ni Lucian. " Bulong ni Lolo at bahagya itong natawa.

Nakita ko ang lalaking sinasabi ni Lolo na si Lolo Nelson, he was really looks like Lucian and Lucius, hindi pa ito ganoon katandaan at kaputi ang buhok, pero you will probably say na noong kabataan nito ay maraming babae ang na huhumaling dito.

" Giovanni, ngayon na lamang uli tayo nagkasama. " Natatawang saad nito at tinapik tapik ang balikat ni Lolo.

Maya-maya pa ay bumaling ang tingin nito sa akin.

" Celso,Ito ba ang apo mo? " Tanong pa nito at kung makatingin ito sa akin ay tila inuusisa ako.

" Oo, nelson this is my very lovely grand daughter. " Saad ni Lolo at agad itong tumango sa akin.

" Hello po, Good Evening!" Magana kong pagbati at ngumiti.

Natawa ito na animo'y may sinabi akong nakatutuwa.

" Celso, bukod sa may napakaganda kang apo. aba, nakatutuwa rin siya. " Giliw na giliw na saad nito.

Ngayon ko lamang na pansin na kasama rin ni Lolo Nelson sina Lucius na ngayon ay katabi ni Lolo Nelson at si Lucian na nasa tabi ni Lolo Celso at ang iba pa nilang tagabantay.

" Hi! Magandang gabi, Miss Amara, pero mas maganda ka pa rin sa gabi. " Pabulong nitong saad ngunit, narinig ko pa rin ito.

Naiilang ako tumingin rito dahil sa hiya ngunit nilabanan ko iyon.

Cutie.

" H-hi, G-good Evening. " Utal kong saad.

At natuwa muli ito.

Maya-maya pa ay dumating na si Nanny Elena at sinabing handa na ang pagkain At sabay sabay kaming pumunta sa Dining Room, muling umupo si Lolo sa centered chair.Nakita ko na uupo sana si Lucius sa aking tabi ngunit, naunahan siya ni Lucian.

Nang makaupo kaming lahat sa Dining table ay pinangunahan ni Lolo Celso ang pagdarasal, nang matapos sa pagdarasal ay sabay -sabay kaming nag hapunan, habang kumakain ay hindi mapigilan ni Lolo ang pakikipagusap kay Lolo Nelson.

" Alam mo Celso, tama ka nga sa desisyon mong ipakasal si Lucian at Amara, tingnan mo't bagay na bagay sila. " Pagkatiyaw ni Lolo Nelson.

At sumang ayon naman si Lolo.

" Aba'y ako pa ba, Nelson." Tumatawang saad ni Lolo.

Nang tapos na kami kumain ay nanatili lamang kami ro'n at kumakain ng iba't ibang matatamis na pagkain, nang makapagpahinga na ay nagtungo na kami sa Living Room upang doon ganapin ang pamamanhikan.

" Hija, may mga dala para sa iyo si Lucian. " Panimula ni Lolo Nelson.

Agad kong nakita ang sinasabi ni Lolo Nelson na dala dala na ngayon ng isa sa kanilang bodyguard.

May mga iba't ibang mamahaling bag, damit, at mga alahas at nakita ko rin ang bag ng paborito kong brand. ngunit, sa kabila ng lahat nang naramdaman kong saya ay agad kong ikinubli iyon ng mapansin kong nakatingin si Lucian.

" Why, apo? Hindi mo ba nagustuhan ang mga dala, para sa iyo ni Lucian? " Nag aalalang tanong ni Lolo Nelson.

" Uh- No! I mean, I like it po..so much. " Saad ko at mapaklang na tawa.

Napansin ko rin na seryoso at daretso lamang na nakatingin sa amin si Lucian.

He is acting weird...freaking damn weird.

Nagpaalam na muna ako kay Lolo Celso upang magpahangin, agad naman itong pumayag. dahil, may mahalaga rin daw silang paguusapan ni Lolo Nelson.

Nang makalabas nga ako sa Living Room at dumaretso na ako sa Back Door at nagtungo papuntang Garden, umupo lamang ako sa isang bench na nandoon. At agad kong ipinikit ang aking dalawang mata at ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin na nagmumula sa mga punong na roon.

I really miss my mom..

Napansin kong may tumulong luha na nagmumula sa aking dalawang mata, agad ko namang pinunasan ang mga iyon.

" Miss na kita, Mom. Kumusta ka na ba riyan sa langit, Mom? It's been 10 years since you left m-me, M-mom. I really miss you. " Tumingala ako sa langit at ngumiti.

" Kasalanan ko kung bakit ka nawala, sana talaga kaya kong bumalik sa umpisa, kung saan na ako sana ang masasagasaan at hindi i-ikaw. " Umiiyak kong saad.

" D-dad, was blaming m-me for what happened to y-you, M-mom. I-iniwan niya ko simula noong nawala ka and i will never forget that day, where he started to hatred me. " Umiiyak ko pa ring saad habang nakatingala at nangungusap sa kalangitan.

Maya-maya pa ay napansin kong may paparating, kaya agad kong pinunasan ang aking mga luha gamit ang aking dalawang palad, at nagtago sa likod ng punong katabi lang ng inuupuan ko kanina na bench.

Hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha pero alam kong isa itong lalaking naka black hoodie. ngunit, tila iba ang pakiramdam ko ngayon, tila bumibilis ang tibok ng puso ko na wari ba'y sasabog ito, kaya kumuha na lamang ako ng bato kung sa kasali mang saktan niya ako ay agad kong maproproteksiyunan ang sarili ko.

Pinagmasdan ko pa ito ng ilang saglit at nagtataka ako. dahil, tila siya'y may sinusulyapan sa may bintana at napagtanto kong bintana iyon ng kuwarto ko, akma ko na sana itong susugurin ng biglang may humila sa akin at si Lucian iyon na seryosong seryosong nakatingin sa gawing direksyon ng lalaki.

" Where do you think you were going, huh? Ano ba sa tingin mo ang gagawin mo? Susugurin mo siya? Without anything, you can used against him? " Sunod sunod nitong saad dahilan upang matulala ako.

Hindi ko inaasahan na kaya niyang magsalita ng ganoong kahaba.

" I have this one. " Saad ko at itinaas ang batong hawak ko.

" Do you think that's enough? What the fucking help will stone do, huh?! " Iritable nitong sabi.

Magsasalita na sana ng bigla nitong sugurin ang lalaking naka hoodie.Kaya agad akong sumunod dito at akmang pipigilan siya. ngunit, hindi ito nagpatinag, nakita kong inilagay ni Lucian ang kamay ng lalaki sa likod nito at agad namilipit sa sakit ang lalaki.

His voice sounds very familiar, I already heard that voice. but, where? when?

" A-aray! M-masakit, Iho. pasensya na p-pasensya n-na— " Pinutol ko ito.

" D-dad? Is that y-you?...

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon