Chapter 2

111 6 0
                                    

Nang magising ako ay nasa isang kwarto na ako, hindi ko na maalala ang nangyari sa akin kagabi. Pero alam kong it was the most scariest nightmare that ever happened to me. Napansin kong may pumatak na luha mula sa aking mata, pero agad ko ring pinunasan iyon ng mapansin kong may paparating.

"Hey, gising ka na pala. " Nakangiti nitong. saad.

Napansin ko ring may dala itong tubig at pagkain, agad naman nitong nilagay sa bedside table na nasa aking tabi.

"Nasa'n ang pinsan ko? Anong ginawa niyo sa kaniya?" Iritable kong saad.

Natawa siya.

"Don't worry, ayos lang siya, nasa kabilang kwarto lang siya." Saad naman nito.

Agad namang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Agad akong tumayo upang puntahan ang pinsan ko. Ngunit, pinigilan ako nito.

"Magpahinga ka na muna riyan, at saka kumain kana muna, nasa kabilang kwarto lang naman ang pinsan mo, hindi 'yun mawawala." Saad naman nito at natawa.

Hindi ako nakinig sa kaniya at dali dali pa rin akong lumabas ng kwartong iyon, at pinuntahan ang kabilang kwartong sinasabi niya.

Nang makapasok ako ay agad tumambad ang mahalimuyak na amoy. Masasabi kong nagmumula ito sa scented candle na nasa gilid lang ng pinto.

"Mich? Nasa'n ka? Nandito ka ba?" Saad ko habang hinahanap si Mich.

Napansin kong maganda at malinis ang kwartong ito. Ash-gray ang theme ng kulay nang kwartong ito. May king size bed na kulay itim at ganoon rin ang headboard nito, naka-organize ang lahat ng gamit.

"Mich— " Pinutol ako nito.

"What the fvck?! What are you doing here?! Who the fvck allow you to enter on my own fvcking room?!" Singhal nito.

Agad akong tumalikod dahil nga nakasuot lamang ito ng tuwalya na itinapi lamang niya sa baywang niya.

Oh god! He has a damn sparkling abs.

"U-uhm, ano sorry pasensya p-pasensya A-akala ko kasi narito ang p-pinsan ko, hindi na bale a-alis na ako." Utal kong saad rito.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil tumakbo na ako sa sobrang kahihiyan.

Myghad, Michellí Arramine Montevano. Humanda ka sa aking babaita ka, ano ba 'tong kahihiyang idinulot mo sa akin?!

Nang makita akong muli noong lalaking naghatid sa akin kanina ng tubig at pagkain ay tinanong muli ako nito.

"Hey, where did you go? Hinahanap ka namin ng pinsan mo, ah. Akala ko nga noong lumabas ka ay pupuntahan mo ang pinsan mo." Saad nito na animo'y inuusisa ako.

"A-ah, p-pumunta lang ako ng banyo." Saad ko naman rito.

"Pero there's a bathroom on your own room, why do you not use it? Well, nvm. Puntahan mo na lang ang pinsan mo sa living room, mukhang kanina ka pa hinihintay." Saad nito at namulsa.

Tumango pa ako at bago ako makaalis ay nagpakilala siya.

"Uh wait, my name is Lucius Antonio Rodriguez. It was nice meeting you, Miss Amara." Saad pa nito at kumindat paalis.

Napanatag ako at napaisip kung ang pangalan niya ay Lucius, kaninong pangalan ang nabasa ko kanina.

Lucian Rodriguez

Napatakip ako ng mukha ng muling maalala ang nangyari kanina, agad ko namang naalala si Mich. Pero hindi ko alam kung saan pupunta, ngayon ko lang napansin na malaki at magarbo ang bahay na ito, katulad lang rin ito ng mansyon ni Lolo. ngunit, kakaiba talaga ang mga dekorasyon rito.

Bumaba na lamang ako sa hagdan at tinungo ang daang 'yun. Nang marinig ko ang tumatawang si Mich agad akong nagmadali papunta rito upang kausapin.

"Hoy! Saan ka ba nagpupuntang babae ka?!" Singhal ko sa kaniya at umupo sa tabihan niya.

Magsasalita na sana ito ng bigla namang dumako ang tingin nito sa likuran ko, napansin kong natatapon na ang popcorn na nasa bowl na hawak niya, pero nakatulala lamang ito sa likuran ko.

What's wrong with her? Tila nakakita siya ng isang anghel.

"Mich, Ano bang tiniting—" Natigilan ako ng makita ang lalaking nakita ko kani-kanina lang.

Siya b-ba???

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon