Chapter 15

64 5 0
                                    

Hindi na nga ako nakipagtalo pa ng gabing 'yon, dahil alam kong hindi rin magpapatalo ang kumag na 'yon, pero kahit ganoon ay nag aalinlangan pa rin akong isuot iyon lalo't hindi biro ang presyo ng singsing na iyon. Noong gabi ring 'yon ay binigay lang ni Lucian ang prutas at saka nagpaalam na kailangan na nitong umalis.

Kinabukasan nga ay maaga akong na gising upang makapag jogging and of course, it's weekend! it's pahinga day nitong mga nakaraan kasi ay hindi na ako nakakapag workout just because palagi akong tanghali nagigising, mygosh.

Nang matapos na nga ako maligo ay nagsuot na lamang ako ng seamless racerback sports bra and split style nike shorts dinala ko na rin ang mini ipod at earbuds ko para kahit papaano ay mas ganahan pa ako, pagkatapos ay lumabas na nga agad ako ng mansiyon at sakto naman na nakita at binati pa ako ni kuyang guard na on duty ngayon, kaya naman nginitian ko ito.

Nagsimula akong tumakbo sa gate namin hanggang sa malibot ko ang buong casa de montevano na pag mamay- ari naman ng pamilya namin, hindi pa ako na kuntento kaya tumakbo pa ako nang tumakbo hanggang sa muntikan pa akong mabangga ng lalaking ungas kung magmaneho, buti na lang at nakaiwas kaagad ako, kundi sa ospital ang abot ko.

Agad kong tinanggal ang earbuds ko sa inis.

"Hoy! Papatayin mo ba ako?!" Sigaw ko rito at hinampas ang sasakyan nito, wala na akong paki, kung pinagtitinginan na ako rito.

Nagulat ako ng makita ko ang lalaking nag mamay-ari at nag mamaneho ng sasakyan 'yon at ito ay si Lucian the one and only arrogant and kaskaserong lalaking kilala ko.

"A-amara?" Gulat na pagtawag nito sa akin at dahan dahang tinanggal ang shades nito, hindi pa man sumisikat si haring araw naka shades na, wow!

He's wearing a white loose sleeveless shirts partnering with his gray sweat shorts at ito pa, sinong mag aakala na ang isang lalaking bumili ng singsing na nagkakahalaga ng milyon milyon ay naka tsinelas lang?! well, infairness, sobrang gwapo niya sa suot niya ngayon, simple pero malakas ang dating.

"Yes, the one and only- teka, teka, gusto mo ba ako patayin?-" Pinutol ako nito.

"Of course not, it was just an accident." Seryosong saad nito.

Lumapit ako rito at padabog na isinara ang sasakyan nito at hinarap ito, naririnig ko na rin na nagagalit na ang ibang motorista sa likod namin, dahil nakaharang kami sa daan, pero hindi ko na lang ito pinansin.

"You know what, if you're mad at me tell me in front of my face, hindi 'yung idadaan mo sa kung ano anong paraan para lang makaganti sa akin-" Naputol ang pagsasalita ko ng buhatin niya ako na parang isang kahoy, fuck it nakakahiya sa mga tao.

"Sorry for interrupting you, everyone. this is just an argument between me and my wife, once again sorry and have a nice day, everyone." Ngumiti pa ito at kumaway na animo'y isang kandidato.

Agad niya akong binuhat at ipinasok sa loob ng kaniyang sasakyan naririnig ko naman na nagsipalakpakan ang mga tao sa labas at saka naman sinimulan ni Lucian ang pagpapaandar sa kaniyang sasakyan.

"Nananadya ka ba o ano?!" Humarap ako rito.

"Nananadya? I can't get it, what do you mean nananadya?!" Iritadong lumingon ito sa akin at nagmaneho na muli.

"Nevermind, itutulog ko na lang 'to mamaya." Hinilot ko ang sentido ko at ibinaling ko na lang ang sarili ko sa labas.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon, siguro masyado lang ako paranoid, kaya kung ano ano na lang naiisip ko, kailangan ko na talaga kumain.

"Do you want to eat?" Walang reaksyong tanong nito sa akin, bigla naman akong natakam.

"Hindi na, ayos lang, sa bahay na lang." Pagtanggi ko rito. shit, nagugutom na ako, hindi na bale magtitiis na lang ako, tutal malapit naman na.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon