Chapter 3

104 8 0
                                    

Nagulat ako sa lalaking nakatayo ngayon sa likuran ko. Hindi ko magawang kumilos o gumalaw. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakaawang ang labi at agad ko namang itinikom 'yun.

Nakakahiya ka, Amara. Umayos ka.

Nang dumako ang tingin ko kay Mich ay nararamdaman ko na lang na nakahihiya ang ginagawa niya.

Dahil hinihimas himas lang naman niya ang braso ng lalaking nasa likuran ko na ngayon ay nakaupo na sa sofang nasa harapan ko. Umiwas na lamang ako ng tingin at inilibot na lamang iyon.

"Wala ba siyang pakiramdam o talagang manhid lang siya. " Pabulong kong saad sa sarili ko.

Napansin kong kumunot at dumako ang tingin nito sa akin.

"Ah! Mich, Mamaya na lang tayo mag usap ha? Mamaya ka sa'king bruha— "Pinutol ako nito.

Napansin kong tumayo ito.

"What do you say, Miss? And Where do you think you were going, huh?In my room again? " Seryoso nitong saad at namulsa.

Umawang at nagulat na lamang si Mich sa sinabi niya. Dumako naman ka agad ang tingin nito sa akin.

Tumakbo na lamang ako papunta sa kwartong kung saan ay natagpuan ko ang sarili ko kanina. Nakita ako ni Lucius ngunit hindi ko ito pinansin dahil tuluy-tuloy lamang ako sa pagtakbo dahil sa kahihiyan. Ngayon ko lamang na pansin na sinundan pala ako ni Mich.

Nang nasa kwarto na kami ay agad ako nito kinausap.

"Omg couz, Anong ginagawa mo sa kwarto ni Lucian? " Usal nito na tila ay naguguluhan.

"A-ah, ano hinahanap kasi kita kanina tapos Lucius told me na nasa kabilang kwarto ka. So, akala ko nandu'n ka kaya ayon na punta ako ro'n. "Sunod sunod kong usal.

Tumango tango naman ka agad ito.

"So, that's all? " Usal naman uli nito na tila inuusisa ako, na para bang may ginawa akong kasalanan.

I told her everything. Even the most embarrasing moment that i've done in my entire life. Tuwang tuwa naman ang gaga.

"Omg, How many abs he had?Is he has a biceps ?o triceps ? "Biglang lumaki ang mata nito.

"Omg, Do you saw his down— " Pinutol ko ito at tinakpan ang bibig nito.

"Ano ka ba?! Syempre hindi 'no !Kung ano ano pinagiisip mo riyan. Teka nga, ayos ka na ba?  May sakit pa ba sa'yo? " Usal ko rito at iniba na lamang ang pinaguusapan namin.

"Kumalma ka nga, Couz.Wala ka namang nakitang sugat o gasgas sa katawan ko, diba?So, it means ayos lang ako. Tumatawang usal nito.

Nagkulitan at nagkwentuhan pa kaming dalawa,at nung hapon ay nagpaalam na rin kami kay Lucius. Si Lucian naman ay hindi na namin nakita dahil, lumabas daw ito kasama ang mga kaibigan nila.

"Aalis na kayo? " Tanong nito habang inaayos ang librong binabasa niya.

"Oo eh, baka hinahanap na rin ako sa bahay. " Usal ko naman rito at ngumiti.

"Ah sige, ihahatid ko na kayo. " Ani naman nito at kinapa ang susi sa bulsa niya.

"H-huh? h-hindi na aali— " Agad naman ako nitong pinutol.

"I insist. "Seryosong ani naman nito at ngumiti.

Ngayon ko lang na pansin na gwapo rin talaga si Lucius, well his jawline was perfect, even his thick eyebrows, greek nose and blue-brown eyes, every detail of him was perfect.

"Couz, i'm here na aalis na ba tayo? " Usal nito at tila hingal na hingal pa.

Agad naman akong natawa at tumango.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon