Chapter 14

72 3 0
                                    

Wala na nga akong nagawa pa kaya nagpalit na lamang ako ng black pants at oversized shirt, at pagkalabas na pagkalabas ko ng wash room ay nakita kong nakahamba ito sa may pintuan.

"Satisfied?" Sinamaan ko ito ng tingin at inilagay ang dalawa kong kamay sa aking dibdib.

Sumilay na naman ang pag ngisi nito, kaya mas lalo akong nairita, pero infairness napaka gwapo niya.

Nagulat ako ng lumapit ito sa aking ng dahan dahan, kaya lumakad ako nang paatras hanggang sa ma corner niya ako sa may railings ng floor ding 'yun.

"Better." Mainit na bulong nito sa akin na siyang nakapagpanindig balahibo sa akin, kaya agad akong napalunok.

Agad ko itong tinulak ng may dumaan sa likod namin, tumikhim pa ako.

"Babalik na ako, baka hinahanap na ako ni Avery." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at tumakbo na ako sa may Rehearsal room.

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Anong nangyayari, Amara? Nagugustuhan mo na ba si Lucian? No, no, no! Hindi pwede 'to, hindi maaari.

Nang makarating ako ay naroon na si Avery at may mga kasamang mga bakla, noong una ay nagtaka si Avery dahil bakit iba na ang suot ko ngayon at ako naman itong nag dahilan na lang para hindi na humaba ang usapan. Kaya agad ako nitong pinakilala sa mga kasama niya na siyang mag aayos at magtuturo sa akin.

Lumipas ang higit na 2 oras na pananatili namin roon sa rehearsal room at napag pasiyahan namin na ituloy na lang iyon bukas sa mansyon, tutal weekend naman.

"Okay, that's it for today, darling." Ngumiti ito sa akin.

"Kaunting push pa, darling. Sure win na kayo." Kumindat pa ito sa akin at pumalakpak pa.

"O siya, sige na, bukas na uli." Ngumiti muli ito at tumalikod, aalis na sana ito ng harapin at tawagin akong muli.

"Don't forget to text me your address, darling." Iwinasiwas nito ang kaniyang pamaypay at saka kumindat.

Agad naman sumunod ang ibang kasama nito hanggang sa mawala na sila sa paningin ko, kaya naman napagpasiyahan kong magbihis na para makabalik na agad ako sa room. Nang makapagbihis na nga ako ay sakto naman na tumunog ang phone ko, kaya agad agad ko itong binuksan.

From; Unknown Number

Too possessive to let anyone saw every inch of you.

Nagulat ako sa nabasa ko, kaya agad kong binlock ang number na iyon at nagpasawalang bahala dahil sanay naman na akong nakatatanggap ng ganoong mensahe.

Agad ko ng tinapos ang paglalagay ko ng light make up, at pagkatapos ay sinukbit ko na ang aking tote bag at nagmamadaling lumabas, sakto namang papasok si Emver at ang mga alipores nito, kaya naman ay pinigilan ako nang mga ito.

Kamalas-malasang pagkakataon ng naman.

"Oh, you're here pala." Humarang ito sa pintuan at saka tinulak akong muli papasok sa loob ng wash room.

The nerve na itulak niya ako?!?! Okay, calm down, Ams. Inhale, exhale, inhale, exhale.

"What do you what?" Tamad akong humarap rito at saka ko inilagay ang dalawa kong kamay sa dibdib ko.

"Kanina pa kita hinahanap kasi may mag c-celebrate tayo, let say tama sila na ikaw ang pinili nila." Ngumiti ito pero alam ko namang ngiting aso lang 'yon.

Talaga lang, huh? Alam ko namang may pinaplanong hindi maganda ang mga ito.

"So, what is it?" Medyo iritable kong saad.

Sumilay ang ngisi nito at saka tumalikod.

"Girls!" Pumalakpak ito kasabay nu'n ang pagpasok nila Shein at Siarre.

Between Love and Desire (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon