Chapter 1: Mistress

369 7 0
                                    

"Dad..." I knocked from my dad's office excitedly while holding my class card. "Dad, are you there?"

Dad didn't respond but I can hear a commotion from inside his office, ang kamay ko ay inabot ang busol ng pinto at pinihit iyon ng walang ingay. Sumilip ako sa nakaawang na pinto at ngayo'y nakikita ko silang tatlo sa loob na may ngiti sa mga labi. Ang ngiting iyon ay may ipinagmamalaki. 

Dad and my step mom are looking at my step sister's class card with a smile on their faces. She's Victoria. 

"Wow naman anak! Ang galing-galing mo! Ipagpatuloy mo lang itong pag-aaral mo hanggang sa makapagtapos ka ng pag-aaral, matutuwa ang mga tao sa'yo kung sakaling maging isa kang mayora..." Dad said happily to Victoria.

"Dad, I don't want to be a politician." Victoria pouted while saying that.

"Then what do you want in the future?"

"Gusto ko iyong parang ginagawa ng mga babae sa loob ng airplane!"

My dad's brow frowned. "What's that?"

"Hon! Ikaw talaga, puro ka kasi politics, ang gusto ng anak mo ay ang flight attendant. Hayaan mo na siya, magiging masaya siya doon."

My dad sighed. "Okay, you can have any job that you want in the future, we're proud of you." He said then hugged Victoria na agad namang sumunod ang asawa ni dad at nakita ko silang nagyakapan.

My heart sunk. I do not know what to say, parang hindi talaga ako belong sa pamilyang ito. I know I was just a mistake of my dad but I feel that he's treating me different.

"Euphoria." I was out of my reverie when dad called me, siguro nakita niya ako kaya tinawag ako. I stepped inside.

"Po?" Umayos lahat sila ng tayo, ngumiti sa akin ang ginang but I know better, habang si Victoria naman ay tinaasan lang ako ng kilay na para bang nanghahamon.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko, huli na para itago ko pa iyon.

"What's that?" Tanong niya at lumapit sa akin.

"Ah, card ko po." Sabi ko na nakangiti.

"Let me see..." Inilahad ang kamay niya kaya ibinigay ko na iyon sakanya. Nakakunot ang noo siya habang binabasa iyon kaya hindi ko mapigilang kagatin ang labi ko at laruin ang kamay ko, ganoon ang naging habit ko kapag naninerbyos ako. Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. "Ano 'to, Euphoria? Bakit may 85 sa arts?"

"Po? Kasi po..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit si Victoria.

"He was with Anton Chekhov that's why she didn't passed her drawing project in arts."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Victoria, alam ng lahat na crush ko si Anton.

"Totoo ba iyon?" Tanong sa akin ni dad.

"Daddy, h-hin..." Tatanggi na sana ako ngunit nilakihan ng ginang ang mata niya sa akin dahilan para matakot ako. "O-opo, sorry po dad, hindi ko na po uuulitin, pasensya na po."

"Dapat lang, 11 years old ka palang at hindi ka nararapat sa mga ganyan. Gayain mo ang ate mo, mag-aral ka ng mabuti at huwag puro iyang mga lalaki at kilig ang inaatupag. Naiintindihan mo?"

"Opo dad."

All I know is that iniwan ko iyong arts ko sa mesa ko sa classroom namin pagkatapos ko iyon ginawa at lumabas para bumili sa canteen pero noong bumalik ako ay nawawala, hinanap ko iyon before mag-ring iyong bell namin pero hindi ko siya mahanap.

Kaya in the end ay wala akong ni-submit na project ko, hindi ko alam kung sinong may gawa at sinong kumuha pero may kutob ako na mga kaibigan ni Victoria ang may gawa dahil dismissal namin ay tinatawanan nila ako na kawawa ako kasi pinagalitan ng teacher namin.

The Billionaire's Fiance (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin