Chapter 12: Home

159 5 0
                                    

Mahimbing ang aking tulog nang may tumawag sa aking cellphone dahilan para magising ako. Napaupo ako at tumingin sa orasan ng cellphone ko.

My forehead creased. It's an unknown number and I don't know why he/she called too early. It's just seven o'clock in the morning! I'm still sleepy because I was tired of cleaning my apartment yesterday.

I was hesitant to answer the phone call at first but then the number keeps on calling me so I answered it.

"Who's this?"

Humahangos ang nasa kabilang linya kaya nangunot ang noo ko. "M-ma'am! Si Myrna ito!"

"Oh, Myrna! Napatawag ka tsaka bakit humahangos ka diyan? May nangyari ba?"

"Shesh! A-Ano...tumakbo talaga ako galing sa hardin papasok ng mansion kasi naman tinawagan ako ni Jessa at may pinakita sa akin sa telebisyon! Si sir Finn nasa balita!" Jessa ay isa sa mga kasambahay doon na kaibigan rin ni Myrna.

"Ano?!" I started to felt panick. What happened?! "Saang channel?" Sinabi naman agad ni Myrna and you don't know how much my hands are shaking because of nervousness. Kagabi naman ay nag-video call kaming dalawa ni Finn at wala namang problema sakanya, he's in Alphaland in Baguio.

Napanganga ako pagkatapos kong ilagay sa channel kung saan sina senator Finn Dmitrov at vice mayor Siray Alcantara ay magkasama raw buong byahe papunta sa ibat-ibang lugar. Nakaramdam ako nang inis agad doon sa babae, parang may bumara sa lalamunan ko.

"Ano ma'am, taga Baguio yan kaya bakit niya kasama si sir senator! Pero huwag kang mag-alala ma'am at mukhang hindi naman interesado si sir sa vice mayor na iyon. Sa iyo lang naman namin nakita na kumikislap ang mga mata ni sir kapag nakatingin sa iyo at mas maganda ka doon, sa iyo kami buto kay sir."

"Salamat Myrna. Okay lang ako dito. Pakisabi sa sir niyo na pinapanood ko siya sa malayo. Wala namang problema kung gusto niya iyong vice mayor basta huwag kako ako ang iharap niya sa altar!" Inis na sabi ko at ibinaba ang aking cellphone habang nakatingin sa t.v.

"Paano niyan vice mayor mukhang single si senator Finn?"

Ang nangingiting si vice mayor Siray ay tumawa. "Aba'y hindi ako papahuli sa pila. Apaka-gentleman nga naman niya, grabe rin siya tumulong sa mga tao sobrang may puso, sinong hindi magugustuhan ang isang senator Finn?"

I rolled my eyes. "Walang pila!"

Ang interviewer ay nakitawa narin tapos si Finn sa tabi ni vice mayor.

"Ano senator Finn? Single ka ba and ready to mingle?"

Nakita kong tumango si Finn at tila nangingiti pa. Talaga ha?! "Yes."

"May nagugustuhan ka ba at ano ang nagugustuhan mo sa babae?"

"Yes, I have already someone I like. She's actually long hair..." Napatingin ako sa buhok ko, long naman iyon hanggang sa likuran ko pero long rin ang buhok ni Siray vice mayor. Tssk! "Mestisa, shorter than me and I love everything about her." Pumalakpak ang host.

Sa inis ay hindi ko na kaya pang manood kaya pinindot ko na ang power off at nang sa ganoon ay makapagpahangin ako. Mestisa si Siray, mestisa ako, short ako at hanggang balikat ni Finn, si Siray naman ay hanggang sa teynga ni Finn.

Shorter naman iyon si Siray kung ikukumpara kay Finn kaya kabilang parin iyon doon. Napanguso ako, ayoko na sana pumasok sa trabaho pero kailangan. Sakto naman sa time nong dumating ako kaya hindi ako na-late kundi lagot ako sa director namin.

Hindi naman iyon masama, ganoon lang ang ugali na madaling mainis at ayaw sa papalpak-palpak, minsan tahimik, minsan naman galit o hindi kaya'y nagpapatawa.

Pagkarating ko'y agad silang nagyaya ng inuman sa isang bar malapit rito sa company. Hindi rin naman ako makatanggi at excited rin akong makasama sila. Minsan lang rin naman ako umiinom pero sa apartment ko mag-isa.

Epekto ng alak kaya tawa ako nang tawa habang pinakikinggan ang boses ni director. Hindi naman sa minamasama ko siya pero kasi hindi ko na mapigilan! "Hahahaha!" Magaling naman siya sa trabaho pero pagdating sa karaoke, sus tiklop siya.

Natigil ako sa pagtatawa nang malakas nang tumingin siya sa akin, tinuro ako habang ang mga mata'y masamang nakatingin sa akin. Sa akin lang naman iyan naiinis kasi kanyang-kaya ako sus eh kung kina ate Aile ay hindi naman siya naiinis doon dahil crush naman niya iyon. Hindi lang napapansin ni ate Aile ang pasulyap-sulyap sakanya ni director.

He's singing while closing his eyes, it's like he's feeling the song while singing.

Matapos naman kumanta si director ay pinilit namin chief secretary Mckenzie namin na kumanta rin. Ayon, hindi na nakatiis at kumanta narin.

Ngunit habang kumakanta siya, napansin namin na nakatingin sakanya si President. Ang mga mata'y kumikinang at proud na proud rin habang nakatingin sa secretary. Palihim naman na umiiwas si Mckenzie kay sir Enzo.

"Sus kung alam niyo lang bagay na bagay kayong dalawa." Bulong ko habang kumakain nang chichirya.

Lumipas ang oras at ramdam ko na talagang hilong-hilo ako at parang gusto ko narin matulog pero bago ako nakatulog ay narinig kong may nagsalita.

"Dude, your fiance here is already drunk. Come and fetch her. I'll send the location."

Nagising ako nang may bumuhat sa akin at umangat ako mula sa aking kinahihigaan.

"Hindi na siya papasok bukas, dude." Teyka, boses ba iyon ni Finn?

"Sure, dude. I understand at mukhang may hang-over na iyan bukas. Mukhang may love quarrel?" Nanunuksong sagot ni sir Enzo.

"I don't know either. She blocked me in her contacts, tsk! We're leaving then." Napadilat ako at tumingin sa mukha niya mula sa ibaba niya.

"Hmm?" I hummed softly before touching his jaw. He put the car's seat belt on me while his eyes are on me. "Finn..."

"Yes?" Malambing niyang tanong. "I'm already home because I missed this little miss infront of me. She blocked me and Myrna told me mukha kang nagtatampo, why is that?"

Nakakunot ang noo ko habang nakaturo sa sarili ko. "Ako?" Um-oo siya. Tinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko. "Bakit mo pa sinasabi iyan? Heckkk! Meron na si Siray ano, gusto ka noon!"

"Awww, my little miss is selosa."

"Anong sabi mo?!! Selosa?" Tumango siya. "Sino? Sinong selosa?"

"Si Euphoria Dmitrov, sabi ko selosa siya."

I glared at him and Finn just laugh. "Syempre eh, naiinis si Euphoria kasi gusto ka niya...hindi na pala gusto! It's more than that! Tapos sabi mo sa tv single ka and ready to mingle tapos sumagot ka kung ano ang gusto mo sa isang babae. Pasok doon si vice mayor Siray mo! Sabi mo engaged tayo pero..."

Natigil ako sa pagdaldal nang maramdaman ko ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko. Lumaki ang mata mo dahil doon. It was just a peck pero parang naghahatid niyon ng something na parang assurance na sa akin lang siya.

His eyes are staring softly at me. Napalunok ako dahilan para ngumiti siya. "You love me." He grinned. "What I'm talking about is you. I mentioned a name Euphoria during the interview and I said I'm already taken. Taken by you."

Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking teynga at bumulong. Dahilan para makiliti ako.

"I love everything about you little miss. Including your jealousy, it makes me want to own the fully of you but before that I'll make sure you say those 3 words and 8 letters."

The Billionaire's Fiance (Completed)Where stories live. Discover now