Chapter 3

836 33 6
                                    

Karina's POV

"Gumising ka na, malalate ka na" napabangon naman ako nang marinig ko ang boses ni Minjeong. Muntik ko nang makalimutan na may agreement pala na nangyari.

"What time is it?" tanong ko pero di niya ako sinagot kaya inirapan ko siya at kinuha ang phone ko. Shit. Malapit na mag eight o'clock.

"Use the bathroom na. Malalate ka pa."

Napuyat ako kakaisip sa mga nangyayari. Buti naman tahimik lang si Minjeong kung matulog.

"Nga pala, ang ingay ng pagtulog mo. Ako yung puyat satin pero ikaw tong tinanghali pa rin ang gising." sabi niya

"Kapal talaga ng mukha mo e no?"

I heard her chuckle. Tinignan ko pa siya. She's smiling.

————

"Manong, pakibilisan po ang pagmamaneho, malalate na po kasi kami. Tinanghali po kasi ng gising itong asawa ko." napatingin ako sakanya nang tawagin niya kong asawa niya. Seriously? And manong driver chuckled. Nakakahiya.

"Oh" may inabot naman sakin si Minjeong na isang paper bag.

Kinuha ko ito "Ano to?"

"Eat it, you skipped your breakfast."

Hindi nalang ako nagsalita at sabay kinain ang bigay niya. Nakarating din kami ng school and luckily, wala pa akong prof.

"I'll see you later." biglang sabi ni Minjeong nang hindi tumitingin sakin.

"Karina!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Yeji. Kasama niya si Ryujin. Masyadong halata si Ryujin, may gusto naman kay Yeji pero todo deny pa. Magkakaklase kaming tatlo.

"No classes today!" Masayang sambit ni Yeji.

"Ha? Bakit daw?"

"Nahospital daw yung asawa ni Ma'am."

"So... saan tayo ngayon?"

"Wait lang... Diba Karina kila Minjeong ka natuloy?" tanong ni Ryujin.

"Ah oo. Ghad I can't take her. Napaka sungit."

"Sus mas masungit ka nga e" biglang sumulpot si Minjeong sa tabi ko.

"What are you doing here?"

"Uhh obviously, seeing my wife? What else I'll be doing here?"

"Omg! Bagay na bagay kayo."

"Shut up, Yeji."

Nakita kong may dalang paper bag si Minjeong. Inabot niya ito samin at pinapakain kami. The two didn't hesitate. Kapag talaga pagkain it's already food over friendship.

Umupo si Minjeong sa tabi ko at kumain na din.

"Karina!" May sumigaw ng pangalan ko at pagtingin ko si Yeonjun tumatakbo papunta samin.

"Oh si Mr. Four years." Inirapan ko si Yeji na ikinatawa niya. Habang si Minjeong at Ryujin ay kumakain pa din. Nagkakasundo na siguro ang dalawa.

"Karina... Babe..."

"Anong kailangan mo?"

"I just want to apologize sa pinakita ko sayo kahapon. I'll make it up to you..."

"Wala ako sa mood, Yeonjun."

"I know you have reason... I'll understand. Just please don't leave me." Bigla siyang lumuhod. Omg

"Yeonjun stand up."

"No, let me. I will show you how sincere I am and how I want you in my life..." I don't know but after what he did yesterday, nag iba na ang tingin ko kay Yeonjun. Don't get me wrong.

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now