Chapter 5

768 34 4
                                    

Karina's POV

"Ate okay lang ako dito and inaalagaan naman ako ni Minjeong."

"Okay that's good, basta ingat ka palagi dyan ah?"

"Oo ate, balik ka na din. Hindi ka kaya nagpaparamdam these days."

"May inaasikaso pa rin ako e pero soon I'll explain everything..."

"What do you mean?"

"Wala. Sige na."

"Bye." Pinatay na ni ate ang call. Buti napatawag siya ang weird lang na simula nang sunduin ako ni Minjeong sa bahay, hindi tumatawag si papa at si ate which is odd.

"Anong iniisip mo?" Akala ko bumaba na to ng kwarto.

"Wala. Wag mo kong pakialamanan."

"Sungit."

"Hoy! Mas masungit ka kaya."

"Ah nga pala..." napatingin ako kay Minjeong.

"Papunta dito yung mga kaibigan ko. I'll introduce you to them."

"Ha? Do you have to? Wag na saka bakit pa? Fake lang naman tayo." She stared at me. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya.

"Fine."

————

"Minjeong!"

"Hoy Min yung utang mo sakin."

"Tumigil ka Yujin saka Heejin yung bunganga mo. Nasaan si Giselle at si Yuna?"

"Andito na kami!"

"Si Giselle andaming biniling pagkain" mangiyak ngiyak na sabi nung isa na I assume, Yuna ang name.

"Ah nga pala Karina... ito mga kaibigan ko. Si Yujin, Heejin, Giselle at si Yuna." Tumango naman sila at niyakap naman ako nung Giselle.

"Alam mo girl sabihin mo sakin pag sinaktan ka nitong Minjeong namin, nako!"

"Hoy!" Napatawa naman si Giselle nang batukan ito ni Minjeong.

Napansin kong nakatitig sakin si Yujin at nang tinignan ko ito pabalik, umiwas bigla ito ng tingin. Alam kong napansin din ito ni Minjeong dahil nakita ko kung paano siya tumingin kay Yujin at saakin.

"Karina alam mo si Minjeong madalas ka niyan ikwent—" tinakpan bigla ni Minjeong ang bibig ni Heejin kaya napatawa nalang ako.

"Isa ka pa, Heejin. Ang ingay mo"

"Yieee ayaw mareveal ang sec—" this time binatukan na siya ni Yujin.

"Ang ingay mo pre." sabi niya at napatingin sakin. I'm a bit uncomfortable na sa mga tinginan niya.

"Bakit, Yujin?" Nagulat kaming lahat nang tanungin siya ni Minjeong.

Nakatingin pa rin sakin si Yujin "Wala, familiar lang siya saken."

Hindi na rin namin siya masyadong tinanong dahil nagpunta na din kaming salas para makapag usap usap din.

"Laro tayo, guys." Aya ni Giselle

"Truth or dare ang umayaw panget" banggit naman ni Yuna

"Corny mo, Yuna. Pero sige truth or dare tayo."

Wala na din naman kaming nagawa kundi maglaro.

Bigla namang tumunog ang phone ni Yujin "Ah guys sorry, nagtext sakin si Wonyoung."

"Aalis ka na? Kararating lang natin ah." Sabi ni Heejin

"Hayaan mo na Heej, bebe daw muna." Sabi naman ni Giselle. So she has a girlfriend?

Unwanted Marriage Where stories live. Discover now